Chapter 4: Dylan Elgort

81 2 1
                                    

Chapter 4: Dylan Elgort

GREYSON'S P.O.V.

GRABI! Lakas ng loob noong pangak nayon para pagsalitaan ako ng ganon. Di ako makakapayag na ganyanin niya lang ako. Ang feeling ng babaeng iyon. Pa hard to get pa sus! Type ako nun alam ko, takot lang aminin.

"Nako, bruh, kalimutan mo na yung pangak na yun, ang isipin mo yung championship natin sa susunod na linggo. Dapat tayo ang manalo". Sagot ng aking bespren/teammate na si Dylan.

Bukod sa akin, siya lang naman ang kadalasang nagpapanalo sa team. Magaling siya katulad ko ngunit marami kaming pagkakaiba. Magkaibigan na kami simula pa nuong mga bata pa kami. Lagi kaming nagdadamayan sa problema, saya o lungkot.

Tahimik na tao si Dylan at likas talaga na mabait kaya nga pati siya habulin ng mga babae pero kahit isa wala siyang nagugustuhan. Misteryosong tao yang si Dylan. Ano ba talaga ang gusto namin sa isang babae? Eh para saakin, parepareho lang ang lahat. Pero may isang bagay na ayaw namin Ni Dylan sa isang babae talaga. Yung pagiging needy. I mean 'be a woman a man needs' kasi naman lahat ng babae naghahabol nakakainis. Wala ng class.

Biglang may pumasok na tao sa isip ko.

Huh?

Lumitaw ang mukha ni Margaux.

Bakit andito si Pangak? Yuck!

"Hoyyy! Anyare? Bat natameme ka dyan ng biglaan, bruh?" Tanong ni Dylan."Ah..Wala kalimutan mo na yon. Nag-iisip lang ako ng maayos na strategy para manalo tayo, bruh" sagot ko.

Dylan: Wag kang mag-aalala, mananalo tayo. Kaya natin to.

"Ah oo, kaya natin!"

Dylan: ah bruh, nga pala, wag kang magagalit sa itatanong ko ha.

"Huh? Ano yun? Okay lang"

Dylan: Kayo na ba ni Trixie? Lagi kong nakikitang magkasama kayo ah. Siya pala yung tipo mong babae. Ikaw ha, hindi ka nagkwekwento.

"What? That brat?! No waaay! Sa katunayan nga pinaiyak ko pa siya kanina HAHA nakakainis akala niya magkakagusto na agad ako sa kanya dahil sa ginawa niya."

Dylan: ah ganon ba?

CRIING! CRIINGG!
*Nag ring ang phone ni Dylan*

Dylan: sagutin ko muna bruh ah.

"Sige"

DYLAN'S P.O.V.

'Hello nak?' Tumawag si mama.
Ma? Bakit ho napatawag kayo? May nangyari ba? Sumasakit nanaman ba? Puntahan ko na po kayo diyan. Hintayin nyo lang ako.

'Hindi nak, may magandang balita ako sayo! Bumalik na ang papa mo!'
... Huminto ako sa pagsasalita.

'Nak? Andyan kapa ba? Helllooooo?'
Ah..sorry ma, may ginagawa kasi ako. Tawagan ko nalang po kayo ulit. Bye ma!
'Pero nak, andit-'
Kinall ended ko na.

Bakit bumalik pa siya? Ano nanaman kaya ang kailangan niya? Grabi, may muka pa siyang naiharap kay mama sa kabila ng mga paulit-ulit niyang pang-iiwan? Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad sa hallway.

MARGAUX'S P.O.V.

Asan ba yung schedule ng susunod na exams? Ah baka nandoon sa bulletin sa may hallway.
Habang naglalakad ako, may kinuha ako sa bag ko. Ballpen at ntbk.

Ayaaaan! Naisulat ko na yung pangalan ng mokong iyon dito sa mala deathnote kong ntbk. Aba! Nag top 1 pa sa listahan ko. Ang sama kasi ng ugali. Parang pinagpyepyestahan na ng mga masasamang nilalang ang kaluluha non.

*POWW! CRASH*

"Aray!" (Ughh nanaman! Ang tanga ko talaga!)

Nalaglag lahat ng dinadala ko. Pati salamin. Ang labo na tuloy ng paningin ko. Asan na salamin ko?

"Hala sorry miss. Di ko sinasadya." May lumitaw na boses.

(Wow ang hot nung boses ah, mala Channing Tatum.)

"Eto, suotin mo. *Binigay ang salamin* Sorry talaga"

"Ah okay lang, salamat." sinuot ko na salamin ko.

(HUUUUUUWAWWW! Ang pogi! )

Kita nyo nganaman kaka tapon ko lang kay Greyson may nakilala na agad akong gwapo.

"Im Dylan Elgort, nice to meet you :)"

"Ah Dylaaaan nice to meet you too. Im Margaux Depenasen" (Waitt...tatawagin nanaman ba ako nito na pangak?")

Dylan: ah What a nice name.

Ano? Nice name daw? Para akong lumilipad sa ulap ngayon. Ugh, naguumapaw kasiyahan ko.

"Ah salamat haha kala ko pagtatawanan mo apelyido ko" sagot ko sa kanya habang kinukuha ko yung gamit ko na nakalapag pa pala sa sahig.

Dylan: oh no worries. Teka, tulungan na kita diyan.

"Wag na, salamat nalang haha" (infairness ha, gentleman)

Dylan: no. I insist. Let me help you. Nabunggo kita eh. Kasalanan ko.

Kinuha niya lahat ng gamit ko at ibinigay sa akin.

Salamat, Dylan.

Dylan: its okay. See you again. Bye!

"Bye!" Shucks! Aalis na siya? Kailan ko pa kaya siya makikita uli?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MargauxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon