1

19 0 0
                                    


1

        Monday morning, start na ng buhay freshmen ko as a college. Maaga akong nagising kasi madami pa akong ritwal na gagawin sa sarili ko. Saka 7:30am ang sched ko. Nakakaasar nga eh. Lunes na lunes pang umaga ako. Kahit pang-tanghali manlang sana ung binigay nilang sched. Kaso hindi eh. Nakaka-ewan lang.

        Oo nga pala, ako si Akhira Jave Cercado. 17 years of age. Pangatlo ako saming magkakapatid. Hobby ko ang kumain at matulog, lalo na kapag walang ginagawa. Magaling din ako kumanta. Yun nga lang pangBANYO lang. Haha. Wala eh. Hanggang dun lang talaga ang talent ko.

Course ? BS Psychology. Bakit ? Ewan ko din. Naglakbay ata ang utak ko nung nag enroll ako ei. Haha. Ang gusto ko kasi talagang course is Criminology, ang kaso nga lang ayaw ng tatay ko kasi maliit daw ako. Ang hard diba ? Ang nanay ko naman ayaw din kasi baka di ko daw kayanin. Tanung ko nga sakanila.

"Bakit po ba minamaliit niyo ko ? Porke ba maliit ako ? Ganun ??"
Tanung naman ng kuya ko, "bakit ? Yayaman ka ba sa pango-ngotong ?"
Kung di ba naman sila nakaka asar diba ? :33

-----

        Around 7:15 am ng dumating ako ng school, hinanap ko na din yung magiging room ko. Di naman ganun kalaki yung university kaya madali mo lang mahahanap yung room number mo. At ang room ko ? Nasa 3rd floor. Room 314. Paakyat ako ng hagdan nun, At dahil sa may pagkalampa ang kalahati ko. Nadulas ako sa hagdan at gumulong pababa. Buti nga konti lang ang studyante nun at buti nalang talaga, di pa kami naka uniform. 1st. Week namin kasi naka civillan lang kami kaya ganun. May dumaan na lalaki nun. As in dumaan lang. Pero Okay na sana kaso lang nang-insulto pa.

"Wag kasing tatanga-tanga." Sabi niya at umalis na. "Gwapo nga. Demonyo naman. Bwisit!!" Bulong ko habang nagpapag-pag ng damit ko. Grabe ang yabang niya. Sobra. To the 'H' level.

        After ko makarecover sa nangyari, pumunta na ako ng room ko. Madami ng mga studyante sa loob. Pumwesto ako sa dulo tabi ng bintana. May tumabi naman sakin at nagpakilala. Dianne ang name niya. Maganda siya at matangkad pa. Ako kasi average lang. Tapos namin magpakilala sa isa't-isa, nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Hanggang sa mag time na at pumasok yung prof namin sa filipino. Isa't kalahating oras din ang tinagal namin dun sa first subject.

At after nun, naghintay lang ulit kami sa susunod na subject. Medyo nakaka bored lang yung first subject.Nagpakilala lang naman kami kay prof. V (short for valentina. Valentines day daw kasi nung pinanganak siya. Prof. Ko sa Filipino. Hihii) after ng filipino. Math naman, algebra. Tulad kanina, nagpakilala at nagpasa lang kami ng 1/4 na may nakasulat na pangalan namin. Nakilala naman namin nun si Ella, Katrina, Sheena at Jerriane. GAnun din ang ginawa namin sa Psychology subject namin puro pakilala lang.

        Lunch break na. Tumayo na kami nila Dianne at lalabas na sana nung may napansin kami. Classmate namin siya, kaso mag-isa lang siya kaya inaya ko sila Dianne at nilapitan namin siya.
"Hello po ate ^_^ AJ po (short for Akhira Jave)" nakipag shake hands na din ako. "Gina" sabi niya na medyo ngongo. May cliflip kasi siya sa taas ng Labi niya eh. Yun siguro ang reason kaya hirap mag bigkas ng letra si ate. Napatanung naman si Ella. "Sheena ??". Ako nalang ang sumagot. "Hindi. Gina daw" napa 'ahh' naman sila. "Eyy, guys. Tomguts na ko" singit naman ni Katrina. "Tara ate Gina. Sama ka na samin ^^," nakangiti kong sabi kay ate Gina. Wala kasi siyang kasama ei. "Sige" sagot naman niya.

        Sabay sabay na kaming bumaba nun at pumunta ng canteen para kumain. May isa pa kasi kaming subject after lunch. PE, 2 hours din yun. Nagke-kwentuhan kami habang kumakain. 1St day palang ang saya :D. Tumayo naman ako nun para kumuha ng tubig. "Kuha lang ako ng tubig" paalam ko. Pabalik na ko ng may makabangga ako. Buti naman at di natapon yung hawak ko. Napayuko naman ako nun at magsosorry na sana nung magsalita siya. "Tss. So stupid" otomatiko namang napa-angat ung ulo ko nun. At tama nga ako. Yung walang hiyang lalaki kaninang umaga. Imbis na magsorry ako, wag nalang. "Thank you :))" yun nalang sinabi ko. Meaning, 'thank you sa pambi-bwisit' at yung smile ? Wala lang. Hihii..

        Bumalik na ako dun sa table namin. "Anyare ?" Tanung ni Ella "wala naman. May pinasalamatan lang" nginitian ko nalang sila. "Okay" sagot nila. Oo nila. Sabay-sabay pa nga eh. Ang babait nila no ? Partida. Mag-isa lang ako ANIM sila. Lupet grabe. Pero yan sila ei.

Nung magtime naman na, pinapunta naman kami sa court. Dun daw kasi kami every PE Class. Pag dating naman namin dun, nandun na lahat. As in kami nalang talaga yung hinihintay. Kaya naupo na din kami. Naka indian sit lang kami. Walang upuan eh. Yung prof naman namin nag aattendance. Ako naman, wala lang. Nakatunganga. Nakaka antok na nga eh. Sila Dianne naman nag kekwentuhan lang. Buti nga nag-attendance lang kami eh. Dahil kung hindi, nakatulog na ako ng nakaupo habang nakayuko.

Maaga kaming na dismiss kaya maaga din akong makakauwi ngayon. Buti nalang talaga. Dahil kung hindi makakatulog na talaga ako. Bored na bored na kasi talaga ako kanina pa ii :33

        Palabas na ako ng University nang biglang..

*BEEEEP*
"WAAAAAAAAAHHHH!!!" Nakapikit pa ako niyan at napa upo. Sino naman kayang demonyo to ? Pwede naman magbusina ng mahinahon diba ? Teka. Prof ba 'to ? Nako. Ang sama naman niya :3 May balak pa atang managasa ng studyante eh.

Pero, mali pala, hindi siya prof. Studyante din. At malala pa. Siya yung demonyong lalaking walang hiya.

'Sabagay, wala namang demonyong may hiya eh.' Sabi ko sa utak ko.

Binaba niya ung windshield ng kotse niya. Akala ko nga magsosorry. But for the second time. Mali nanaman ako. Famous line niya ata ang salitang 'STUPID' lalo na kung sakin niya sasabihan.

After niya sabihin ung famous line niya sakin, umalis na din siya. 'Wow, yaman naman nun, naka kotse. Kaso nga lang, ang sama naman ng ugali' sabi ko ulit sa sarili ko. Tumayo na ko at nag ayos ng sarili at umuwi na. Nakakapagod ang araw na 'to. Sobra.

--------

Fall For My Past MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon