2

10 0 0
                                    

2

        Sunday na ngayon. Ang bilis nga ng araw eh. Yung mga nakaraang araw naman okay lang din. Yung prof ko lang sa Algebra ang hindi. Pano ba naman, hindi nagdi-discuss. Pero okay lang sakin. Sanay na ko dun.

At yung Devil na si Darius Kier Kesller ? Ayun. Devil parin. At oo. Yun ang pangalan niya. Pano ko nalaman ? Nakita ko sa ID niya nung malaglag yun at napulot ko. Dapat nga di ko na ibabalik eh. Kaso naawa ako. Kaya binigay ko nalang sa guard para sila na ang magbalik nun. Pero di lumilipas ang araw na hindi niya ko nasasabihan ng tanga, kaya nasanay na ko. Nagulat nga ako eh, hindi lang pala 'tanga' ang alam niyang sabihin sakin, kundi pati 'Panget' nadiskubre na din niya.

Ang bait niya diba ? Sa sobrang bait niya, walang naglalakas loob na lumapit sa kanya. Sa sobrang bait niya. Lagi siyang mag-isa. Oh ? Diba ? Ang bait ? Mukhang pati professor nga ilag din sa kanya eh. Pero, naku lang talaga. Ang dami niyang Fans. Grabe. Nagulat nga ako ii..

       Sa loob ng isang linggo ng panlalait niya sakin, nasanay na din ako. Susulpot lang naman siya t'wing madadapa, madudulas o mauuntog ako. Oo, dun lang siya magpapakita o lilitaw kung kailan nangyari na at saka ako sasabihan na 'TANGA'. Saklap ano ?

Bubusinaan ako ng pagkalakas-lakas, pauwi man o papasok. Parang naging routine na nga namin yun eh. Naaawa ako sakanya, pero nangingibabaw parin yung inis at pagkaasar ko sa mga pinag-gagawa niya. Kahapon nga lang eh, nabuhusan ba naman niya ako ng malamig na tubig, di manlang nag sorry. Sabagay.

The Devil will never say sorry. Mahirap mag expect ng isang bagay. Lalo na kung ang pag-uusapan ay si Daruis Kier Kesller. Known as the Devil. But I believe that the devil like him can be an angel. Ang pinag tataka ko lang, mayaman siya. Pero bakit dito siya nag-aaral ? Di naman sa ayaw ko siya dito. Pero ikaw ba hindi magtataka ? Tatanung niyo kung pano ko nalaman na mayaman siya ? Obvious naman eh. Kotse palang. Hayy. Makapaglinis na nga lang ng bahay.

Nakakaburyo naman kung tutunganga lang ako diba ? Wala naman akong ibang magawa dito sa bahay bukod sa maglinis lang. Alangan naman din na buong araw ko lang iisipin yung Monster ? Kung pano yun magiging Anghel. Naku. Wag nalang talaga. Nakakasawa na pagmumuka nun ii >_<

"Bess.."
"AYYMONSTER!!"
"Drama mo bess ? Maka pagsabi ka naman ng Monster. Sama mo ah-_-"
"Sorry naman Bess. Ginulat mo ko eh^_^v"

Siya po ang Bespren ko since 1st year high school. Breden Joy Acosta.Nagkabangga lang kami sa hallway then, BOOM. bespren na kami ^_^

"Mall tayo Bess :)" aya niya sakin.
"Kaso wala akong pera Bess eh. Sa susunod nalang :(" hayy. Minsan na nga lang kami makakagala, ngayon pa ako nawalan ng pera. Eto kasing si Breden, mayaman yan. Kaya walang problema sa kanya.
"Ok lang yan Besd. Treat ko :))" -Den
"Ayoko Bess. Nakakahiya na sayo eh :("
"Ano ka ba.. Magbihis ka na. Bilis na. Wag ka na umangal. Wala ka ring magagawa :D" sabi niya sabay tulak sakin papasok ng kwarto ko at naghalungkat sa damitan ko para sa damit na isusuot ko.

Siya po kasi nag dedecide kung ano ang isusuot ko kasi pag ako lang. Kung ano una kong mahawakan. Yun na agad ang isusuot ko..

"Oh. Ayan  suot mo na :))"

Sabay abot sakin ng floral dress na hanggang tuhod ko ang haba. Simple but elegant ang dating..
"Kailan pa ako nagkaroon nito ?" Takang tanong ko sa kanya na ginantihan lang niya ng ngiti..

--------

Fall For My Past MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon