Buhay isang Guro

2.3K 6 0
                                    

Buhay ng Isang Guro


Sa umaga ay kailangan kong gumising ng maaga

Kahit tulog pa ang mga anak ko ay handa na

Iiwan ko na naman sila sa bahay na hindi ako kasama

Dahil buong araw ako ay laging sa eskwela


Pagdating namin sa apat na sulok na silid aralan

Hatid namin ang solidong kaalaman

Upang ang utak ng mga estudyante ay punan

At balang araw ay kanilang mapakinabangan


Iniindang pagod ay kailangang tiisin

Mahabang pasensya ay kailangang pairalin

Lalo na sa mga ulong tigasin

Ang kanilang mga maling gawa ay kailangang punain


Oras ng pagtuturo ay mas mahaba

Kesa sa mga anak ko na dapat ako mag alaga

Kulang ang oras ng pag aaruga

Kaya minsan may oras ako ay napapaluha


Maghapong magsasalita sa unahan

Tapos minsan mga estudyante mo pa ay mag chichismisan

Minsan magagalit pa kapag pinagalitan

Ang gusto nila ay sila ang pakinggan


Guro mo ay kailangan mong galangin

Dahil di mo maaabot ang pangarap mo kung hindi sa amin

Pag uugali na pinapakita mo ay sa amin sumasalamin

Kung paano ang isipan nyo ay aming hubugin


Guro ang syang pangalawang ina

Titiising mawalay sa kanyang pamilya

Magabayan lang tayo at maituwid ang baluktot na linya

At wag nating abusuhin ang kanilang mahabang pasensya


Kaya lahat ng guro ay kailangang irespeto

Dahil sa kanila tayo unang natuto

Kung paano magbasa,magsulat at pati sa pagluto

Kaya sa lahat ng mga guro, ako ay SALUDO.

Mga Tula ng Feeling MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon