Buhay ng Isang Kadete

648 5 0
                                    


ANG BUHAY NG ISANG KADETE



Ang buhay ko bilang kadete ay masaklap

Dadanas ka ng pagod at paghihirap

Kung minsan nga ay may lumalagapak

Hindi kinaya ang init kaya palpak


Tatanggapin namin lahat ng hamon

Basta lahat kami ay makaahon

At itatak sa isip bilang kahapon

Ang magbilad sa araw ng maghapon


Kumakati ang bayag ko pero ayaw kong kamutin

Baka kasi mahuli ako at ako ay padapain

Kating dulot nais kong limutin

Lahat ng ito ay kaya kong tiisin


Kung kadete ka, makinig ka!

Wag kang pasiga siga kundi lagot ka

Sa mga opiser na wala nang ibang nakita

Kahit pagpikit ng mata, kanilang pinupuna


Sa umaga kailangang maagang gumising

Kahit almusal mo ay tubig at asin

Kapeng maligamgam at hindi maitim

Kalam ng tiyan aking titiisin


Pag nahimatay ka talo ka

Pagtatawanan ka nila at padudusahan pa

Kung minsan nga'y pababayaan pa

Resistensya mo kailangang sumigla


Kadete ka tandaan mo yan 

Ipagmalaki mo yan ng buong tapang

Di ko to ikinahihiya kaninuman

Handa akong paglingkuran ang bayan


Mamatay ako ngayon ayos lang

Sa mundong ibabaw nama'y meron akong naiwan

Na isang kadete na ubod ng tapang

At sa sariling bayan, ay nagkakinabang


Ang buhay ng isang kadete ay sadyang mahirap

Hinding hindi ka dito makakatikim ng sarap

Bagkus lahat ay puro paghihirap

dugo't pawis ay aming halimuyak..

Mga Tula ng Feeling MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon