Simula: Unang Pagtatagpo

3 0 0
                                    

"Gising na, lalo na yung mga may laban pa mamaya. Kumain na muna kayo at baka mahaba ang pila kung ngayon kayo liligo." dinig kong panggigising ng School Paper Adviser (SPA) namin

Bumangon naman na ako para makapagligpit na ng aking hinigaan at makapag hilamos at toothbrush man lang. Kahit na hindi ako sa bahay nagising ay ganoon pa rin ang aking buhay. Walang bago, gigising, makikipag-socialize sa mga nasa paligid ko, uuwi, tutulog.

Napapaisip ako kung hanggang pagtanda ko ba ay ganito pa rin o di kaya nama'y kailan kaya magkakaroon ng bagong takbo ang buhay ko.

"Arcel, papunta ka na ba sa hall, pasabay" sabi ng kasamahan ko sa school paper, tumango naman ako bilang sagot atska nagpatuloy na kaming maglakad.

Papunta sa hall, madaraanan naming ang iba pang mga School Paper Organizations na lalaban din sa taong ito para sa division level. Madaraanan din naming ang mga nagbebenta ng souvenirs at mga pwedeng ipampasalubong.

Pagkarating namin sa hall ay pumila na agad kami, sa pagpasok pa lang ay amoy mon a ang tsokolateng inumin na siyang inuming inihain ng caterer saamin. Binigyan ako ng plato ng kasama ko dahil maiksi pa nga ang pila. Ang mga makahaing pagkain naman ay ham, hotdog, itlog, sinangag, at mga prutas. Napalingon kami dahil may nagtatakbuhan papasok ng hall, iyon pala'y dahil nag-umpisa na namang pumatak ang ulan tulad kagabi.

Nang matapos kami kumuha ng pagkain ay naghanap na kami ng lamesa, di naman kami nahirapan dahil kakaunti pa ang tao. Tahimik lamang kami ng kasama ko habang kumakain habang ang mga mata ko'y palinga-linga sa paligid dahil nag-uumpisa nang dumagsa ang mga taong kakain rin.

Sa paglilibot ng aking mga mata'y nakita ko ang isang binibining kumakain sa kabilang lamesa. Binibining maihahalintulad mo ang mga mata sa mga bituin dahil sa pagniningning ng mga ito. Binibining nakakahawa ang mga ngiti sapagkat sa tamis ng kaniyang ngiti'y tiyak na ang puso mo'y mapapatalon sa saya. Ano kaya ang iyong ngalan? Ikaw kaya'y taga saan?

Nakaramdam ng kakaibang saying hindi maipaliwanag. Ngiti sa aking mga labi'y kusang sumisilay sa tuwing aking naalala ang mga tagpong iyon. Tila ba ang buhay ko'y matingkad na kinulayan ng binibini sa kabilang lamesa.

Huwag mo sanang madaliin ang iyong pagkain at baka ika'y mabulunan, teka bakit ko ba iyan sinasabi baka dahil gusto pa kitang pagmasdan. Nawa'y tumigil ang oras habang ikaw ay aking nasisilayan.

Hanggang sa natapos na ang lahat kumain at nagsibalik na sa kaniya-kaniyang silid ay nakangiti pa rin ako dahil sa binibining iyon. Sa araw na iyon ay ang tagpong iyon ang pinaka hindi ko makalilimutan.

Dumako na ang paligsahan sa paggagawad ng parangal para sa mga nanalo, ako ay nagagalak dahil pumangatlo ang binibining kumakain sa kabilang lamesa sa kaniyang sinalihang kategorya. Muli aking nasilayan ang kaniyang matatamis na ngiti.

Nagdaan na ang mga araw, ngunit sumisilay sa labi ko ang mga ngiti na hindi ko sinasadya. Sa aking hinuha ay tunay ngang ako'y humahanga sa dalagang kumakain sa kabilang lamesa. Kailan ko kaya siya muling makikita. Tila ba kahit nakangiti lang siya'y ang aking araw ay kumpleto na.

Mga Tanong at Dahil (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon