Ngayo'y sugatan at patuloy na sinasampal ng katotohanang wala nga palang pag-asa. Dahil iyong sinabi na hindi mo pa kayang lumaban na hindi mo pa kayang harapin ang mga problemang darating. Iyon ba ang katotohanan?
Sa tuwing ako'y iyong ayaw kausapin, ikaw rin ba'y nangungulila para saakin? Bakit ba hindi kita maintindihan, ano bang nangyaring hindi ko alam?
Sinubukan kong lumayo, ngunit ipinipilit tayo ng tadhanang paglapitin, ni hindi nga ata natin namalayan na tayo'y muling pinagtatagpo. Kahit na ganito, sa'yo pa rin ako. Bakit ba tila ako'y napapagod hindi ba't nanumpa na maghihintay para sayo?
Sa isa pang pagkakataon, pakiusap ating itama ang lahat, ating baguhin ang katapusan, ating wakasan ang pagluha at pagsisi. Hindi ba't nais mo ring masilayan ang bagong bukas na hawak ang aking mga kamay?
Kung gayon ay linawin mo ang iyong damdamin upang bumalik ang aking lakas, upang ako ay makatakbo pabalik sa mga yakap mo.
Para saiyo ba'y isa lamang itong laro dahil tayo'y mga bata pa? dapat ay hindi mo na ako tinulungan pang magtayo ng pag-asa at hukayin pa ng malalim ang aking nararamdaman. Dahil sa katapusan ay ako lang ang mahuhulog at mababagsakan.
Napapagod na akong maghintay ngunit nandito siya upang punan ang iyong kakulangan, ako ba'y dapat magpadala sa hangin? O ang lumaban pa rin at hanapin ang napigtas na ugnayan natin.
Nangakong aking sasabihin kung may pagbabago ba sa pagtibok naring puso. Aking hindi mawari kung bakit wala man lang binanggit bago ang huling paalam natin. Bakit ako'y nasa kanlungan na ng iba? Ngunit bakit hindi ko masabi. Hindi makapamili, hindi ko na lama ang dapat pang sambitin. Bakit ako'y hindi na rin sigurado.
Naririyan ka pa rin naman at umaasang mabubuo pa natin ang nagkalat na basag na piraso ng ating kuwento. Ngunit narito rin siya, upang ang aking pangungulila'y mawala. Sa dami ng bagay na pwedeng aking pagpilian, sa kung ano ang dapat sa sundin, ang puso ko ba o ang aking isipan, alin ang magbibigay saya saakin. Ngunit ang katanungan ko'y; Ako ba'y mapapayapa sa aking pipiliin?
Gusto ko na lamang manatili sa umpisa, sa umpisang masaya, sa umpisang walang dapat alalahanin. Ngunit akin din namang hiniling na sana'y mabago ang takbo ng aking buhay at heto naman ako ngayon, hinihiling na sana'y bumalik sa dati ang aking buhay.
Ako pa ba'y makakaalis sa daanang aking ginusto, mananatili bas a daang mabato o dadaan sa siyang may paru-paro? Ang katawang lupa ko ay lito sa kung ano baa ng dapat kong mapagtanto sa mga oras na ginugugol ko habang nakatingin sa dalawang daang paliko. Aling kamay baa ng dapat kong tanggapin, ang sa'yo o ang sakanya? Dapat bang ako'y may tanggapin? O mas magiging madali na ako'y humanap ng panibagong daraanan na kung saan ay di ko kailangang mamili?
Ngunit isang kaduwagan ang pagpili sa daang madali. Tila ba aking sasayangin ang inalay kong oras at panahon kapag aking ikaw ay isinuko. Pakiusap, iyong linawin. Dahil ang kilos mo'y taliwas sa iyong kilos na nagpapahiwatig na ika'y may nararamdaman din para saakin.