Matapos ang dalawang taon ng pagkalito ako'y naging masaya rin sa wakas, sapagkat may kasama ako sa daang aking tinatahak. May kasama ako na siyang hahawak ng aking kamay at maari kong sandalan kapag nagiging mabigat at di mawari ang lahat. Akala ko'y imposibleng maging ganito kasaya ang puso ko. Akala ko'y habambuhay na lang akong malilito.
-----
"Thank you pala sa tulong mo kahapon" ngiti saakin ng dalagang nasa harapan ko na siyang nagdudulot ng kasiyahan saakin. Sadyang nakahahawa ang kaniyang mga ngiti na dinaramayan ng kaniyang matang nagniningning sa tuwing ito'y nakatuon saakin.
"Wala 'yun small things" at ngumiti ako pabalik. Hindi ko lubos maisip ang mangyayari kung siya'y mawala saaking piling. Parang isang malaking pagbabago ang aking daranasin sa oras na mangyari iyon.
"Ano na naman 'yang nasa isip mo at ganiyan ang ngiti mo?" sabi niya sabay pisil sa ilong ko at sabay kaming tumawa.
"Ano pa ba, edi ang future natin" sagot ko naman at napakunot bigla ang noo niya. Kay sarap pisilin ng pisngi niya tuwing ginagawa niya iyan.
"Corny mo hoy! Para kang grade 6" ngumiti na lamang ako dahil kahit na pambata ang mga paraan ko ng pagpapakilig sakanya ay epektibo naman.
"Uuwi pala ako nang maaga Love, pinasasamahan sakin ni ate magpacheck up anak niya" Tawag niya sa atensyon ko na palagi namang nasa kaniya. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal.
"Samahan ko na kayo, Punta tayo ng amusement park after?" suhestiyon ko naman sakanya.
"Ay wow, 'wag mo naman ipahalatang mangungulila ka sakin agad" tawa niya.
"E 'yun ang totoo Love ano magagawa ko?" sabi ko naman sabay ngumuso at inirapan niya lang ako.
"'Di mo ba ako i-kikiss?" pagpapaawa ko. Natawa naman siya sa ginawa ko at lumapit saakin sabay idinampi ang labi niya sa labi ko.
"Happy?" sarkastiko niyang sabi sabay tumawa. Napakibit balikat naman ako na ang ibigsabihin ko ay 'ikaw na ang humusga'.
"Ngayon na kaya tayo umalis? Baka pag gabi na kasi natin binalik yung pamangkin ko ma war shock sina ate" suhestiyon niya sabay tumayo at nag-ayos nang kaniyang sarili at ganun din ang ginawa ko.
Tinahak na namin ang daan papunta sakanilang tahanan upang sunduin ang kaniyang pamangkin na pagka kulit ngunit kay sarap din naming pisilin ng pisngi atsaka pumunta sa ospital.
Pagkababa namin ng kotse ay siya pang nangunguna ang pamangkin niya tumakbo patungo sa loob ng ospital. Hindi siya tulad ng ibang mga batang kaedaran niyang natatakot sa mga mga ganitong pagkakataon.
"Jaycee, you can't run on hospital grounds bebe" habol niya sa pamangkin niya.
"But I am excited to see Doc Carmy" Natigilan kami nang malaman kung sino ang naghihintay sa loob. Napatingin siya saakin at hinawakan ang kamay ni Jaycee.
"Ah, do you have your medical booklet with you Jaycee?" tanong ko sa bata.
"Tingnan natin sa bag niya Love" sabi niya saakin ata agad ko naming ginawa iyon at nabasa kong tama nga ang iniisip namin. Siya nga.
Mary Carmy G. Agustino, M.D.
Hinawakan ko ang kamay niya para mapahiwatig na 'nandito ka sa tabi ko at di mo kailangan mag-isip ng mga bagay-bagay'. Binigyan niya naman ako ng makahulugang ngiti atsaka nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng ospital.
"Next patient po" sigaw ng doctor sa loob. Pagpassok naming ay kasalukuyang may ginagawa siya. Ngunit sa pagkakakilala ko sakanya ay malamang ay nagulat siya sapagkat kami ang kasama ni Jaycee ngayon.
Nang matapos niya i-record ang naging resulta ng check up ng pasyente kanina ay lumingon na siya saamin ng may matamis na ngiti. Kay gandang mga mata nagniningning na parang bituin. Inihahalintulad ko ang mata niya sa mga bituin sapagkat hindi ko ito magawang tingnan sa malapit laging sa malayong distansiya ko lamang nakikita ang mga ito.
"Good morning, may I have his medical booklet?" Ngiti niya kay Zandra, ibinigay ko naman dahil hawak ko ang bag ni Jaycee.
"Thank you" sabi niya sabay lipat ng tingin kay Jaycee
"Hi Jaycee! Did you miss Doc Carmy? It has been six month since the last time I saw you" kausap niya sa bata ng may full energy. Nakangiting tumango naman si Jaycee sakanya.
"Why don't you give me a hug? Come here and then we will check how much you grew" patakbo naming pumunta sakanya si Jaycee. May ilan naman siyang tinanong kay Jaycee na sinagot naman ng bata, at ginawa ang iba pang ginagawa sa isang normal na check up.
"Very good ka Jaycee today ah?" sabi ni Carmy sa bata at ginulo ang buhok nito at inayos ulit iyon.
"Why don't you come with us Doc? We are going to EK!" Ngumiti naman si Carmy kay Jaycee na parang interesado siya sa mga kwento ng bata.
"Sorry little boy, Doc Carmy has a lot of patients pa, So you enjoy with tita and tito for me okay?" sabi ni Carmy sa binigyan ng stuff toy si Jaycee na bigla naman tumakbo sa playing station ng opisina ni Carmy.
"Hi Tita, Tito, wala namang nabanggit ang mommy ni Jaycee na naobserve na nila na unusual for a kid with his age?" baling naman niya ng atensyon saamin ni Zandra.
"Wala naman Doc" sagot ni Zandra sakanya.
"All goods naman ang health ni Jaycee...uhh babaguhin ko lang ang vitamins niya since he is a growing kid na and his formula" sabi ni Carmy habang may sinusulat sa medical booklet ni Jaycee. Pagkatapos nun ay ibinigay niya na kay Zandra.
"Uhh, Carmy, Free ka ba later? Let's have some coffee" Napatingin kami ni Carmy kay Zandra, nagulat ako na inakit ni Zandra sa Carmy dahil mula pa naman noon ay hindi naman sila malapit sa isa't-isa.
"7pm pa off duty ko, if free pa kayo that time we can naman" Tumango at ngiti ni Carmy kay Zandra.
"We'll message you na lang, Una na kami papassyal pa naming si Jaycee e" Paalam ni Zandra kay Carmy
"Jaycee! Say bye na kay Doc Carmy we will go to EK na" tawag ni Zandra ng attention ni Jaycee.
"Goodbye Doc! See you when I see you po!" at inakay na ni Zandra papalabas si Jaycee habang kumakaway kay Carmy.
"Nice seeing you Arcel" sabi niya nang makalabas na si Jaycee at Zandra.
"See you later Doc" paalam ko sakanya.
Ilang taon na ba ang lumipas nang huli kitang makita? Hindi na ako kailanman nagpakita dahil naging magulo ang lahat, dahil pareho tayong nalilito saating kaniya-kaniyang damdamin.
Ilang beses ba nating sinubukan? Dahil baka sa mga pagkakataong iyon umaasa tayong bukang liwayway ang ating sasalubungin ng magkasama.
Pinagtagpo ba tayo ng tadhana upang mmaging aral sa isa't-isa? Dahil makalawang ulit tayong pinagtagpo ng tadhana at ngayon ang pangatlo. Sa mga pagkakataong iyon palaging iba't-iba rin ang sitwasyon.
Kung inilaban at pinagpatuloy ba natin ay magtatagumpay tayo? Dahil kaya ko namang gawin iyon, ngunit dapat katulong kita kay hirap gawing possible ng imposible kapag mag-isa.
Kung naghintay ba ako ng kaunti pang panahon ay ikaw ang lahawak kamay ko sa daang tinatahak ko ngayon? Dahil wala naman saaking kaso maghintay basta ba iyong nilinaw ang iyong damdamin.
Ano ba ang dahilan ng iyong pagkatakot? Dahil sa aking pananaw ay iyan ang pinakamalakas na kaaway ng inialay kong pag-ibig sa'yo.
Bata pa naman talaga tayo, Kaya ba hindi ka man lang nasaktan? Dahil habang ang mundo ko'y tumigil ang iyo ay tuloy pa rin.
Dapat bang ginambala ulit kita noon? Dahil kita ko sa mga mata mong parang mga bituin at sa mga ngiti mong kay tamis na masaya ka pa rin kahit wala na ako sa iyong piling.
Ano bang naging pagkukulang? Dahil hindi naging sapat ang kilos at salita kong magkatugma
May nag-iba ba sa'yo? Dahil kung ako ang siyang tatanungin ang sagot ko ay wala sapagkat nakikilala pa rin kita kahit na ihip lang ng hangin sa lugar na tayo'y magkasama ang aking pagbabasehan.
Ako ba'y iyong kinamuhian? Dahil kung ganoon ay madaya ka. Dahil hindi ko makalimutan ang pagmamahal ko sa'yo.