Gusali ng Pag-asa

2 0 0
                                    

Ilang buwan na ba ang lumipas, wari ko'y matagal na kitang kilala at nakakasama. Sobrang komportable ako habang nandyan ka ngunit bakit sa personal ay ako'y iyong iniiwasan. Hindi ko malaman ang iyong dahilan. Ngunit ako'y patuloy na aasa, dahil ako naman ay iyong tinutulungan upang ito ay maging matibay at hindi mawasak.

Ngunit hindi ko masabing nagkukulang ka, ako dapat ang lumapit sayo kung aking gugustuhin. Sa tuwing ika'y makakasalubong ay di ko maalis ang aking paningin sa'yo kahit nga yata ang bag mo ay kilala ko na rin. Sa tuwing nasa iisang lugar tayo'y laging hangad ng aking mga mata na makatagpo nila ang iyong mga mata.

Isang makulimlim na hapon, ika'y aking inakit sa malapit na kapehan sapagkat ako'y nangungulila sa iyong presensiya, isa pa'y akin itong ipinangako sa'yo. Sayang lamang dahil naging madali ang tagpo sapagkat may kasama ka at may kailangan kayong gawin na may kinalaman sa inyong pag-aaral. Ngunit tila pabor saakin ang langit biglang bumuhos ang ulan at dahil doo'y nakasama at nakatabi ka pa nang matagal. Aking panalanaginn ay sana'y maya-maya pa humulaw ang ulan ngunit bigla itong humina.

"Kailangan na naming bumalik ni Iris e, hinahanap na kami ng mga kagroup namin" paalam ni Camy saakin

"Sige ingat kayo" sagot ko naman.

"May payong ka ba? Pwede mong hiramin yung akin" Gusto ko sana, pero mas inaalala ko nab aka mabasa ka.

"Huwag na okay lang, papahulaw na lang ako, tska hihintayin ko pa si Mikee" pagtanggi ko naman.

"Sige dito na kami, mag-iingat ka" uuwi ako ng tuyo dahil pinag-iingat mo ako, Carmy

Parang lumipad sa kalawakan ang aking puso nang pumayag kang maisayaw ko sa isang pagtitipon sa ating eskwelahan. Di ko magawang umimik dahil nais kong namnamin ang pagkakataong ito. Hindi ka lamang isang beses pumayag ngunit dalawa.

Ang mga kaibigan mo'y malapit din saakin. Lagi kitang ipinagtatanong sapagkat minsa'y pinag-aalala mo ako ng lubos. Aking nalalaman ang mga kwento mong tanging ikaw lang ang nakakaalam. Aking nalalaman kung ano ang opinion mo sa mga bagay na hindi rin alam ng karamihan.

Kahit na alam ko ang isang bagay ay itinatanong ko sa'yo huwag ka lamang mag-isip ng mga bagay na ikapapahamak mo. Hindi rin ako nagbibitaw ng mga salitang alam kong ikagagalit mo. Palagi akong nagbibigay ng kasiguraduhan satuwing nagdududa ka. Dahil hindi ko nais na ako'y kamuhian mo, mahal ko.

Ang isa't-isa'y ginawa nating talaarawan. Kahit na aking nalalaman ang iyong kahinaan ay nais ko pa ring magpatuloy dahil minsan lamang ako magkaganito. Patuloy ko pa ring pinanghahawakan ang mga positibong sinasabi mo.

Sa tuwing aking babalikan an gating simula lagi ko ring naalala kung pano mo iniba ang takbo ng buhay ko. Kung dati'y kayang kong hulaan ang magaganap sa aking araw, ngayo'y ito ay hindi na magawa dahil ang hatid mo palagi ay sorpresa at pamilyar na tanging sayo pa lang nadarama at nais kong manatiling ganito hanggang sa pagtanda.

Hindi ko na kayang mapunta ka sa iba kaya naman ako'y mauuna na. Uunahan ko na sila.

Mga Tanong at Dahil (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon