Simula ng Simula

2 0 0
                                    

Isang panibagong normal na araw na naman ang aking dapat ganapan. May pagsusulit ako pupuntahan ngayon kaya naman gumayak ako nang maagap dahil medyo malayo pa aking magiging byahe.

Sa pagdating ko sa eskwelahang pagdarausan ng pagsusulit ay pinapila na agad kami ng mga gurong mgiging tagabantay namin tska nila ipinagbigay alam kung saan ang silid-aralan kami naka-assign. Halos lahat naman ng tanong ay aking nasagutan. Natapos na ang pagsusulit kaya naman pinapila muli kami sa gymnasium ng paaralang ito upang makapagbigay sila ng ilang paalala saamin. Sa pagtatapos ng pagsusulit ay aking hinanap si Mikee, pinsan ko sinamahan niya ako sapagkat ditto na rin siya nag-aaral.

Nabulabog ang kalmang tibok ng puso ko nang makita ko kung sinong kasama ni Mikee ngayon. Siya ang dalagang kumakain sa kabilang lamesa na naging laman ng aking isipan. Muli ko pala siyang masisilayan sa kaparehong pagkakataon, ngunit ang kaibahan ay siya na ang nasa kabilang dulo ng lamesa, hindi na sa kabilang lamesa. Ibinigay niya pa saakin ang gravy niya dahil hindi raw siya naglalagay ng ganon. Masasabi kong siya ay ang isa sa sampu.

Hindi ko lamang siya naging katapat sa kainan ngunit ginugol din naming ni Mikee, ng kaibigan niya, at ng binibining aking hinahangaan ang buong maghapon ng magkasama. Kasama ko siyang naghintay ng resulta ng naganap na pagsusulit. Sa araw ring ito ay aking napag-alaman kung ano ang kaniyang ngalan.

Sa pangalawang pagkakataon ang binibining ito ay laman na naman ng aking isipan at ngayon ay pati na ng aking puso.

Siya pala'y nakatatanda saakin ng isang taong pang-akademiko, Siya ay tinatawag nila na Carmy. Kay kulit din ng kaniyang personalidad, para bang sinag siya ng araw saaking madilim na paligid.

Nagsimulang magbago ang lahat nang nagkamali ka ng napadalahan ng mensahe, sabi mo'y kapareho ko kasi ng pangalan. Ngunit saaking palagay ay sinadya mo iyon dahil halos dalawang buwan tayong nagpalitan ng mensahe. Dalawang buwan sapagkat nagalit ka nang sabihin kong bading ang hinahangaan mong character.

Nang sumapit ang araw ng pasukan ay nuli kitang nasilayan, ganoon pa rin ang epekto mo saakin, hindi ka nabibigong dalhin sa lapaap ang aking puso. Sa pagkakataong iyon ay muli na tayong nagpalitan ng mensahe mapa umaga man o gabi may kailangan mang gawin o wala, tayo'y nagpapalitan ng mensahe.

Sinubukan kong itago sa lahat ngunit sadyang lahat sila'y mausisa, isa pa'y nais kong malaman nila kung ano ang aking intensyon sa'yo.

Ngunit ang pag-asang aking itinatayo ay biglang gumuho nang aking malaman ang iyong nakaraan, ikaw pala'y kasalukuyang naghihilom dahi is aka sa mga taong naniwala sa kwentong pag-ibig na nag-uumpisa pagiging matalik na kaibigan. Hindi kita masisi, pagkaganda ngang kwento.

Ngunit kahit na alam kong hindi mo pa magagawang ibalik sa akin ang damdaming ibinibigay ko ay patuloy pa rin akong maghihintay hanggang sa isang araw ay ako na rin ang siyang nilalaman ng iyong puso at isipan. Iyo pang sinabi na ang lahat ng bagay ay may pag-asa kaya naman iyon ang aking pinanghahawakan.

Mga Tanong at Dahil (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon