CATH'S POV
Pagka bukas na pagka bukas ko ng locker ko, may biglang nalag-lagan na balde ng tubig sa akin at nabasa ako.
Pambihirang araw 'to, wala na nga kaming recess at lunch kanina dahil sa utos ng gagong Nathan na yun, nabasa pa ako.
GRRRR!!! Makakapatay talaga ako nito ng tao!!!
May biglang lumapit sa aming 5 babae. Problema nitong mga 'toh?! Tapos, tawa pa sila ng tawa, well... Hindi lang naman sila ang tumatawa, pati na rin ang ibang students.
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! LOOK AT YOU! Bagay na bagay pala sayo 'pag basa ka. Yan lang naman ang pag hihiganti namin sa pagsigaw mo sa aming Prince Nathan"-maldita girl 1
FVCK!!! Sila ba ang may gawa sa 'kin nito?! Walanjo talaga!!! >_____________<
"Sa susunod kasi, wag na wag mong sasaktan at pahiyain sa harap ng tao ang Prince Nathan namin. Sumunod ka na lang kasi sa mga utos niya kung ayaw mong mapahamak"-maldita girl 2
Aalis na sana sila kaso lumapit ako sa kanila at kinuha ang water jag ko at binuhos ko 'to sa kanila. Isa-isa. Since hindi ko naman ininom ang tubig ko dahil sa bad mood ako kanina.
Marami rami pa naman ang laman nito, kaya binuhos ko na lang 'to sa kanila.
"Sa susunod, tingnan nyo muna kung sino ang bubuhusan nyo ng tubig. FVCK your Prince. Wala akong pakialam kung anong ginawa ko sa kanya. He deserves it. And what did you just say earlier?! Susundin ko na lang ang iuutos nya?! Hell NO! Kung gusto mo ikaw na lang. Sumunod ka sa utos nya na hindi ka pwedeng kumain ng snacks mo at lunch mo. Sa tinigin mo hindi ka mababad trip nyan?! WELL FVCK YOU! YOU ARE JUST SOME B*TCHES WHO ADMIRES AND LOVES A JERK LIKE NATHAN!!! SO GET OUT OF MY FVCKING WAY!!"-ako habang naiinis na talaga.
Eh kung ipakain ko kaya sa kanila si Nathan para matahimik na. Nakaka bwesit lang dre.
"CATH TAMA NA! Mabuti pa umuwi na lang tayo ok?!"-Allanah
Wala na akong magawa. Iniwan ko na lang sila dun. Aalis na sana ako kaso may nakaharang na tatlong unggoy sa daan ko.
"Makikiraan po wlangyang Prinsipe!!!"-ako
"Kahit kailan talaga hindi ka talaga marunong gumalang. Gusto mo bang mapatalsik sa school na 'to?"-Nathan
"Lakas din ng tama mo noh. Edi patalsikin mo 'ko kung gusto mo. Wala akong pakialam. Kaya pwede ba. Gusto ko nang umuwi, baka bumili pa 'ko ng pintura at ibuhos ko pa jan sa walangya mong pagmumukha!!"-ako
"Woah, chill lady..."-Christophe
"Hoy Christophe, ikaw ba kinakausap ko?! At kailan pa naging Nathan ang pangalan mo?! Kinakausap ba kita ha?!"-ako
"Pilosopa ka rin pala kagaya ng mga kaibigan mo"-Andre
"Isa ka pa eh! Hindi ko naman kayo kinakausap. Lumayas nga kayo sa dinadaanan ko, nakaharang kayo eh!"-ako
"Eh kung ayaw namin?!"-Nathan
"Edi wag! Malaki naman yung daanan eh!"-ako
Lumapit nman sina Daphne at Clarisse sa 'kin. Kasi nagiging pilosopa na ako. Alam kasi nila na nagiging monster ako pag naiinis na talaga ako o kaya nasa bad mood ako.
"Cath tama na. Wag mo na silang pansinin"-Clarisse
"Wag kang maki alam dito Clar"-Christophe.

BINABASA MO ANG
CAMPUS PRINCES BECOMES OUR BOYFRIEND?
Novela JuvenilTatlong magkakaibigan na lumipat sa isang school dahil ayaw na nila sa previous school nila. Pero, sa school na nilipatan nila, dun din nag-aaral ang mga Campus Princes. Tatlong pirnsipe kuno na sikat sa school pero ubod ng yabang! What if mainlove...