Sofia's POV
"M-mahal na m-mah-al k-kita a-an-ak. "
" Ina? Ina!!! Wag kang pipikit!!! Ina!! "
" Princess Sofia!!! Baka mapahamak po tayo dito!! Umalis na po tayo dito! " Sigaw ng tagabagbantay sakin.
" Hindi! Hinding hindi ko iiwan si Ina! Umalis na kayo! " Sigaw ko.
" A-anak. Umalis ka na....... " at tuluyan nang pumikit si ina. Prang gumuho ang mundo ko.
Biglang may humila sakin papalayo doon sa kastilyo at lumangoy papuntang lupa. Unti unting nagiging paa ang aking buntot. Naging isa itong short at ang aking pang itaas ay t-shirt.
Iyak ako ng iyak ngayon at pilit akong pinapatahan ni Corrine. Nag nag aalaga sakin simula bata palang ako.
" Shhhh....tahan na Prinsesa..... " Sabi ni Corrine at niyakap ako ng mahigpit.
" B-bakit * sob * nila kailangang * sob * patayin si Ina?!!! Pwede namang ako diba?!! " Iyak lang ako ng iyak.
" Tahan na prinsesa..... "
" Ang sakit mawalan ng Ina alam mo ba yon?! Una ang pinatay nila ay ang tatay ko! Tapos ngayon di Ina naman?!! Bwisit!! " Sabi ko habang sinusuntok ang dibdib ni Corrine.
" Alam kong masakit mawalan ng Ina Prinsesa dahil napagdaanan ko na din yan. Iiyak mo lang... " Sabi nya kaya sobrang iyak ako ng iyak. Gabi na kaya umuwi na kami sa mansyon. Oo. May bahay kami dito dahil dito kami minsan nagpupunta.
Pagkapasok ng bahay dumiretso agad ako ng kwarto at ni lock yun sa umiyak ulit ng umiyak. Nasa kama na ako ngayon. Nakadapa habang iyak ng iyak. Basang basa na ang unan ko dahil sa pag iyak ko.
Pumunta akong terrace sa kwarto. Itinaas ko ang isa kong kamay at isinaradoang kamay ko para umulan. May kakayahan akong paulanin ang ulap. Lahat na ata may kakayahan ako. Fire, wind, strengeth at iba pa.
Isa lang ang lagi kong sinasabi sa isipan ko ngayon.....
Humanda kayo Royal Knight. Gagantihan ko kayo. Hinding hindi ko kayo titigilan hanggat hindi kayo nahahanap....papatayin ko kayo isa isa.....