Corrine's POV
Kawawa naman si Prinsesa Sofia. Haishh. Hindi nya napansin na magkaklase kami. Pero kanina ang astig nya grabe! Ang cool! Ngayon ko lang syang nakitang ganun!
Pero wala akong gusto kay Prinsesa Sofia a! Promise!! Cross my heart!!
Ngayong lunch break ay magkasama kami ni Prinsesa Sofia. Sophie na nga lang para mas madali. Pinagtitinginan nga ako ng mga girls e. Maraming nagsasabing gwapo daw ako. Tapos yung mga girls namang nakatingin kay Sophie ay nandidiri sa kanya. Dukutin ko kaya mga mata nila?!!
Umupo na agad kami sa nakita naming upuan. Nag order ako ng 2 sandwich at 2 bottled water.
Nakaupo na ako ngayon at naguusap kami ni Prinsesa Sofia. Yun na ngalang! mas sanay ako e.
" Kamusta? " Tanong nya.
" Hindi ko pa po malaman kung sino-sino sila. Pero may nalaman agad akong isa. Ito po. " Sabi ko at ipinakita sa kanya ang picture ng isang lalaki.
" Anong pangalan nya? "
" Andrew Montereal po. " Sabi ko. Tumango tango sya at kumagat sa sandwich nya. Napaka seryoso ng kanyang mga mata.
" Princess. Ngiti naman po kayo. " Sabi ko. Tumingin sya sakin at ngumiti. Maganda talaga si prinsesa Sofia.
" May nakalimutan pala akong sabihin sayo. Ang itatawag mo lang saakin ay Sophie. ang itatawag ko naman sayo ay Max. Maliwanag? " Sabi nya.
" Opo Prin--este Sophie. " Sabi ko. ngumiti lang sya.
" Nga pala. May lalaking bubugbog sakin mamaya. Hayaan mo nalang a? " Sabi nya. Bubugbog?! Ganto ba talaga sa mundo ng mga tao?! Pumapatol sa mga babae?!
" Pero-- "
" No buts. " Sabi nya kaya tumango nalang ako. Kapag seryoso sya wag mo syang kakalabanin para mabuhay ka pa. Lahat na ata ng kapangyarihan nasa kanya na. Sporty sya kahit sirena sya. Ewan ko kung bakit sya naging sporty.
" Hello nerdy girl! " Biglang may sumulpot na babae. Tinignan lang sya ni Sophie at nginitian.
" Bakit? " Tanong ni Sophie.
" Wala. " Sabi nung babae. Ang taray ha! Biglang kinuha nung babae yung bottled water ni Sophie tsaka binuksan at binuhos sa kanya ang tubig. Hindi nalalamigan si Sophie dahil sanay na sya. Dagat kami nakatira diba?
May kakayahan din kaming gwing buntot ang mga paa namin. Tsaka kaya din naming gawing paa. Nakokontrol namin yon.
" Hahahahahahaha!! Nababagay lang sayo yan!! Ang lakas ng loob mong kalabanin si Prince Zack! " Sabi nung bumuhos ng tubig kay Sophie.
" Oo nga! Siguro nagmamatapang matapangan ka para mapansin ka nya no?! " Sabi naman nung isang kasama nung babae.
" Lagot ka mamaya sa kanya dahil gugulpihin ka nya nerdy!! Mapababae man o lalaki, pinapatulan nya! Hahahahah! Anong kayang itsura mo mamaya? Good luck nalang mamaya nerdy! " Sabi nung isa at umalis na sila. Inalis ni Sophie ang salamin nya at inalis ang basa don saka isinuot ulit.
" Sophie. Ito o. Panyo. " sabi ko at iniabot sa kanya yung panyo. Kinuha naman nya ito.
" Thank you Max. " Sabi nya ng nakangiti. ngumiti nalang din ako sa kanya.
Sophie's POV
Nakakainis naman yung mga babaeng yun. -_-
Nung nag bell na, nagpunta na kaming classroom namin. Magkaklase pala kami kanina ni Max. Tapos ngayon din. Di nya naman sinabi. -_-
Pinagtitinginan nanaman kami. Napansin ko may lalaking nakatingin sakin. Ang sama ng tingin sakin.
" Max. Imibistigahan mo yung lalaking nakaitim na yun. " Sabi ng pabulong. Naghanap sya ng lalaking naka itim at tumango lang sya. Naghiwalay na kami ng upuan. Nag start na yung klase.
---------------
Uwian na.
Umalis na kami ni Max agad dun sa classroom. Pagkarating naming entrance gate, nakita ko yung lalaking sungit na nakatingin sakin with his cold eyes.
Nilagpasan lang namin sya ni Max pero hinawakan nung sungit yung braso ko.
" Anong kailangan mo? " Tanong ko.
" Sumama ka sakin. " Sabi nya kaya tumango ako. Umuwi na si Max dahil sinabihan ko sya.
Sumakay ako sa kotse ni sungit at nag drive na sya agad ng mabilis na mabilis. Feeling ko mahihimatay na ako sa sobrang bilis nya magpatakbo!
After 20 minutes, nakapunta na kami sa pupuntahan namin.
Lumang building. Sumama ako sa kanya sa loob. Ang baho sa loob! Ewww!! Tumigil sya kaya nauntog ako sa likod nya. Ouch! My nose! XO
" Sino naman yan Zack? " Biglang may dumating na babae. Kinakausap nya ata itong si sungit. Zack pala ang pangalan nya. :o
" Alam nyo na. " Sabi ni Zack at umalis. Luh! Iiwan nya ako sa mga 'to?!
" Humanda ka na babae. " Dumating nanaman yung isang babae. No choice. Mukhang mapapalaban ako nito.
" A-anong gagawin nyo? " Kunwaring tanong ko. Para may thrill! XD
" Papatayin ka lang naman namin. " Sabi nung isa. Lima sila. Tch.
Lumapit sakin yung isang babae at sinuntok ako sa mukha. Ouch. Sinuntok ko yung babae at sinipa sa tyan tapos sinugod na nila ako.
Yung isang babae, sinuntok ko sa tyan nya kaya napa suka sya ng dugo tapos sinapak ko sa mukha ng dalawang beses kaya ayun. Tumba sya. tapos yung is naman, binalibag ko at sinapak ng malakas. Tapos yung isa, susuntukin na sana ako ng nang mapansin kong may babae na may dalang baseball bat para hampasin ako sa ulo pero umiwas ako kaya ang natamaan ng baseball bat ay yung dpat na susuntok sakin. Tapos yung may hawak naman ng baseball bat ay inagaw ko yung BB at binali yun at tsaka sinuntok sya ng malakas. Yun. Tulog.
Pinagpag ko yung mga kamay ko at umalis na dun. Haishh. Saan na ako ngayon sasakay?
* VRRRRROOOMM *
" Ay! " Nagulat ako dahil may motor na tumigil bigla sa harap ko. Tinanggal nya yung helmet nya. Si Max pala.
" Sakay na po. " sabi nya kaya sumakay na ako. Jusko!! Ang bilis naman magpatakbo nitong si Max! After 10 minutes, nakarating na kami ng bahay. Nahihilo ako. Agad agad akong pumunta ng kwarto at humiga. Nakakapagod. Haishhhh. Makatulog na nga muna....