Sofia's POV
Nagreready na ako ngayon papuntang school. Oo. School. Magpapanggap akong nerd. Matalino naman ako e. Kahit hindi ko basahin, alam ko.
Pero alam nyo ba kung bakit ako magpapanggap na nerd? Dahil ang Royal Knight ay isa ding tao. Actually hindi tao. Mga mermaid din sila pero may kakayahan ding maging tao. Kung saan sila nag-aaral, doon din ako mag aaral. Hindi ako agad kikilos. Hindi nila alam ang kilos ko pero ang mga kilos nila ay alam ko.
Oo nga pala. I'm Sofia Gail Geynimi. ( Jeynimi.)Ibang iba ang apilido naming mga sirena sa mga tao. Kaya ang gagawin kong pangalan ay Sophie Gonzales. 2nd year college.
Nakaupo na ako ngayon sa kainan. Kaharap ko si Corraine na kumakain din. Magkasing age lang kami kaya pareho kaming mag aaral. Tutulungan ny daw ako at poprotektahan dahil Yun daw ang kanyang tungkulin. Hindi ko sya papalapitin sakin dahil baka mahalata ng Royal Knight na kami yon. Di namn nila alam ang itsura ni Corraine. Pero malay mo, masabi nya yung prinsesa right?
Ang buong pangalan ni Corrine ay Mark Corraine Limorai. Ang ipapangalan ko sa kanya ay Max Charles Domingo.
" Princess Sofia. Ang alam ko doon sa school na pag aaralan natin ay ayaw sa mga nerd. Binubully lang nila ito. " Sabi ni Corrine.
" Hayaan mo. Alam mo namang mahaba ang pasensya ko diba? Wag kang mag alala. Wala akong gagawin. Basta lagi mong titingnan kung nasaan ang Royal Knight. Kailangan nating malaman ang itsura nila. " Sabi ko.
" Opo Prinsesa Sofia. " Sabi ni Corrine. Pagkatapos naming kumain, umalis na agad kami. Syempre naunang bumaba si Corrine. Sunod naman ay ako. Agad namang lumayo sakin si Corrine.
Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko na pinandidirihan nila ako. Pakialam ko?
* Krack *
Biglang may bumato sa ulo ko. Hinawakan ko iyon. Itlog. Hindi ko na yon pinansin.
" Ang pangit mo!! Hindi ka nababagay dito nerd!! " - Girl
" Yah right!! Mga magaganda at gwapo lang ang pwede dito!! " - Girl
" Panget mo!!! " - Boy
Lahat sila ay binabato ako ng kung ano ano. Alam kong nasa tabi tabi lang si Corrine.
" Ouch! " biglang may sumigaw. Nakbangga ko. Babae.
" Sorry. " Sabi ko at umalis pero hinablot nya yung braso ko at sinampal ng malakas. Lahat sila ay natigilan. Ako hindi. Alam ko namang mangyayari 'to.
" Nakakadiri ka! Napaka dumi mo! Yuck! " Sabi nung babae at diring diri. May mga baba pala sa likod nya. Dalawang babae.
" Sorry po talaga!! " Sabi ko at umalis don. Pumunta akong classroom ko na may itlog pa sa ulo ko. Pinagtitinginan nila ako.
Naghanap ako ng vacant seat at ang bakante nalang ay nasa pinaka likod. Pumunta ako dun at tumahimik lang. Nag bell na kaya nagsiayusan na ang lahat. Pumasok na yung teacher at pinakilala ako. Bumalik agad ako sa upuan ko at may bumato ng papel sakin sa ulo. Hindi ko nalang yun pinansin.
* BANG! "
May biglang bumukas ng pinto ng malakas. Tinignan lang sya ng teacher.
Lumapit sakin yung lalaki.
" That seat is mine. " Sabi nya habang tinitignan ako ng masama. Problema nito? Tinignan ko lang sy ng cold stare ko.
" So? " Tanong ko with cold voice. Nagulat ang lahat sa inasal ko. Anoba yun?!!
" Get away from there. " Sabi nya. Ok. Madali naman akong kausap e. May galang naman ako. Hindi nya naman sinasabi agad. Tumayo na ako dun at naghanap ng vacant seat. Nakahanap na ako. Dun sa tabi nung lalaki sa bintana. Pinagtitinginan sya ng mga babae.
Umupo na ako sa tabi nya at nagulat nanaman ang lahat. Bakit ba sila nagugulat lagi? -_-
Tinignan ako nung lalaki with his cold stare. Umiwas nalang ako ng tingin at tumingin sa bintana. Nasa tabi ako ng bintana. may kumalabit sakin. Yung lalaki.
" Bakit? " Tanong ko.
" Umalis ka dyan. " Sabi nya.
" Wala na akong mauupuan sir. " Sabi ko.
" Edi maghanap ka. " Pagsusungit nya. Ang sungit naman nito!!! Pero syempre masungit din ako sa masungit sakin.
" Edi ikaw maghanap. Tch. " Sabi ko. Nagulat nanaman silang lahat maliban dun sa kaninang lalaki at yung lalaking sungit.
" MS. GONZALES!! Matuto kang gumalang sa nakakataas sayo!! " Sabi ni ma'am Mendiola. Bakit kinakampihan sya ng teacher? =_=
Humarap ako sa teacher at nagsalita.
" Ma'am. Wala namang pangalan dito sa upuan diba? Bakit ako aalis? Tsaka bakit nyo po ba kinakampihan ang lalaking 'to? sino po ba sya? " Sabi ko. Lahat ng pagkakabi ko ay cold voice maliban kay Corraine. Parang best friend ko na yun e. :)
Nagulat nanaman ang lahat. Ano ba?! Lahat nalang nagugulat?! >.<
" Ms. Gonzales! Hindi mo ba alam na sila ang may ari ng school na 'to?!! Pwede kang matanggal!! " Sabi ng teacher na nakakunot ang noo. Kulang nalang magkadikit ang mga kilay nya.
" Ma'am. Porket ba sila ang may ari ng school na 'to sila na ang masusunod? Bakit nyo sila pinapayagan na utos utusan lang kayo? Diba family nya lang ang may ari nito? Hindi naman sya diba? Tsaka may pangalan ba 'tong upuan o sticker para paalisin nila
Ako dito? " Tuloy tuloy kong sabi. Napa nganga naman sila sa sinabi ko. Yung lalaki ay ganun pa rin ang itsura. Tapos yung sungit naman ay cold pa rin ang itsura.May tinuro yung sungit doon sa sandalan ko. Tinignan ko naman ito. May sticker na nakalagay na walang uupo dito. Tch. Ang dali lang ng solusyon dyan.
Tinanggal ko yung sticker dun.
" O diba? Pwede n akong umupo? Tsss... " Sabi at umupo.
" Hala! Lagot yang nerdy na yan kay Prince Zack!! " Bulong ng isang babae pero rinig.
" Oo nga! May nagtanggal na nga sticker na yan dati diba? Tapos nung uwian binugbog nya! " Sabi naman nung katabi nya. Edi wow.
Tinignan ko yung lalaki sa mata at nakita ko sa mga mata nya ang sobrang galit. Ok. Goodluck nalang sakin mamaya.