Chapter 12
Colt Pov
The scorching heat of the sun was now slowly digging into my tan skin. The crashing waves from the sea make my overused shirt fly in the wind. The sound of waves makes my mind calm and sets my mood. Despite the rising sun in front, I still choose to sit on the seashore and let the seawater wet my shorts as I sit on the fine sand.
Aside from the rustling sound of waves coming in front of me, I also hear some voices from afar. The bellows, whistles, and laughers from the town's men.
I spun my head in the direction where the different voices were coming from. A small smile gradually surfaced on my lips as I saw the children running around, the fishermen laughing together with their friends and wives. It was an unusual sight for me until I got stranded on this small island.
Nakakapanibago ang lahat nang nakikita ko, mula sa mga tao, sa paligid ko, sa kanilang hanap buhay... lahat. Lahat yata ng ito ay bago sa akin. The very generous people who helped me kahit na di nila ako kilala. Pakiramdam ko lahat ng tao dito ay magkakaibigan at nagmamahalan sa kapwa nila. Wala akong nakikitang away o iringan mula sa mga tao dito. Siguro may away lang sa mga mag-asawa dito kapag nalalasing na ang mga asawa nila. Ang mga ingay dito ay ang mga boses lang ng mga bata na naglalaro at naghahabulan. Mga ingay ng alon sa dagat, mga huni ng ibon sa himpapawid, at ang boses ng mga ina ng mga bata kapag tinatawag ang mga ito.
Malayong-malayo ito sa lugar na pinanggalingan ko. Doon marami ngang tao pero di naman nagpapansinan kasi di mo naman kilala. Mga nagtatayugang mga buildings at iba pang infrastructure. Dati ang naririnig ko ingay ng mga sasakyan at makina, ngayon mga ihip ng hangin, alon ng dagat, at huni ng mga ibon na ang naririnig ko. Dati ang nakikita ko sa himpapawid mga eroplano ngayon mga ibon na.
Before, I hardly trusted people around me. Specifically, I don't trust people around me aside from my friends, and I don't like crowded places. But now, I've got to trust the people on this small island. I have got to love them. Because the fact that they help me even if I'm a foreigner to them was enough for me to trust them. Nakita nila ang mga sugat ko. Nakita nila ang tama ng mga baril sa katawan ko but they don't ask me what happened to me. They never asked me what happened. Why am I lifeless in the middle of the sea. At ngayon tinuri nila ako ditong kapamilya nila.
It's been two weeks since I opened my eyes and found myself on this unfamiliar island. At gabi-gabi ko pa ring naririnig sa tainga ko ang mga putok ng baril mula sa insidente. Matapos naming mahulog ni Johan doon sa bangin ay pinaulanan pa kami ng bala kaya may tama ako sa braso ko, hita, at sa tagiliran ko maliban sa aking binti.
Akala ko nga no'n mamamatay na ako. Akala ko mamamatay akong walang nakakaalam kaso iba ang plano ng Dios sa akin.
"Colt? Hijo!?"
Napalingon ako doon tumawag sa akin. It was Manang Saring, the wife of the fisherman who found and helped me.
"Ho?"
"Dios kong bata ka. Halika ka na, kakain na."
My lips twitched upward.
Tumango ako bago tumayo at lumakad tungo sa bahay nila Manang Saring na malapit lang din dito sa tabing dagat. Matanda na sila at di sila biniyayaan ng anak. May inampon nga silang bata dati kaso nag-asawa na naman daw at umalis dito. Sa panahon na nandidito ako ay marami na akong nalalaman na tungkol sa mga taong yumakap sa akin dito.
The generosity, the kindness, the innocent and genuine smiles of the town men, and their simple living here are incomparable. Kontento silang lahat dito. Walang pataasan. Walang pagalingan. Walang kompetensya. Hindi ko nga alam kung papaano't naging imposible ang lahat ng ito dito sa kanilang isla. Parang ang naninirahan sa isla na ito ay isang napakalaking pamilya.
BINABASA MO ANG
[MUS4] The Bachelor's Desires|✔
RomanceMafia Underboss Series 4 𝙋𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 𝙐𝙣𝙙𝙚𝙧 𝙄𝙢𝙢𝙖𝙘 [BxB, R-18] A man who's full of himself, Colt Pauling met Johan, who discreetly desires a man who lacks of love and afflection, a baby bastard who loves Colt's attention. WARNING: Co...