Chapter 6

389 11 8
                                    

"Tapos na?" bungad na tanong sa akin ni Dryxien nang pumasok ako sa bahay.

Tumango naman ako sa kaniya at hindi na nag-abala pang magsalita. One month nang nagsimula ang klase at one month na din na drain ang utak ko sa mga lesson at research. Ewan ko ba kung bakit unang buwan pa lang ng pasukan ay agad na kami inataki ng mga quizzes, mabuti na lamang ay nag-advance study ako nang ilang araw bago ang pasukan kaya pasado naman ang gradong nakuha ko.

"You look tired." sabi pa nito ulit.

Talking with tired.

Sino ba ang hindi mapapagod kung ilang metro ang nilakad ko para lang makarating sa department namin? Hindi ko man lang inaasahan kung gaano ito kalayo sa main gate kaya kailangan ko pa talaga maglakad bago makarating do'n.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na malayo pala ang department ko sa main gate." masama ang tingin na pinukol ko sa kaniya. He's the one who enrolled me to that school kaya siya talaga ang sisihin ko.

He just shrugged, "Let's eat."

Aya nito habang inaayos ang pagkalagay ng mga pinggan at kubyertos sa mesa.

Pagod naman akong humakbang palapit sa kaniya. Pinaghila ako nito ng upuan at umupo do'n.

He's always gentleman but I won't fall for him. He's to good to be true and we're not match to each other. I will file a divorce after a year or two.

Nakatingin lang ako sa mga pagkain na nakahain. Marami 'yon at hindi ko maisa-isa dahil wala naman akong alam sa mga putahing nakahain sa harap ko, basta ang alam ko ay masarap lahat dahil yummy din ang taong nagluto.

Umasim ang mukha ko sa naisip ko at umiling nalang sa sariling iniisip.

"Wala ka bang gana?"

Napatingin naman ako sa kaniya at umiling. Takang nakatingin ito sa akin.

"You don't like the foods?" he asked again.

"Hind—"

"What do you want? I'll cook." putol niya sasabihin ko.

"H'wag na!"

Umiling naman ito sa akin.

"Don't be shy."sabi niya at tumayo.  Akmang liligpitin niya ang mga pagkain ay napatayo ako at hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Kakain kasi ako!" sabi ko at nakasimangot na tiningnan siya.

"Akala ko ba ay hindi mo gusto?" nagtatakang tanong nito.

"Patapusin mo kasi ako sa pagsasalita. H'wag kang sabat ng sabat diyan." naiinis na sabi ko sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya bago muli bumalik sa upuan niya.

"What now?"

"Kakain ako ng niluto mo. Mukha kasing masarap kagaya ng cook." humina ang pagkasabi ko sa huling salita.

Duh! Totoo namang yummy siya pero ayaw ko namang ipagsigawan sa harapan niya baka tutuksuin lang ako ng sugar daddy ko na pinagnanasaan ko siya, which is true.

Ewww! Ano ba 'tong pumapasok sa utak ko at bakit pinagnanasaan ko na ang gurang na' to.

"What are you thinking?"

Nasamid naman ako sa sariling laway ko at ininom ang tubig na nasa harap ko.

"W-wala!" depensa ko.

Tahimik kaming dalawang kumain. Enjoy na enjoy ako sa ulam. Ewan ko ba kung ano meron dito kung bakit sarap na sarap ako. Siguro mayro'n itong gayuma kaya walang luto hindi ko gusto.

Kiss Me, Doctor (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon