Chapter 2

12 1 0
                                    

"I miss you."

Miss? Talaga ba? Bakit parang di naman.

"Don't lie again, hindi na bumebenta," galit na tugon ko.

Pumiglas ako sa pagkakayap niya. Hindi na bumebenta sa akin ang mga salitang yan Seb. Ilang beses ko na narinig mula sa'yo ang bagay na yan, pero hindi mo naman kayang panindigan.

"Please Risse, hear me out," pagmama kaawa niya, "let me explain to you," habol pa niya.

"Wow! Ang galing mo naman," habang umiiling iling, "after so many years yan ang sasabihin mo sakin? Magmamakaawa ka na parang pinagbigyan mo 'ko noon?"

"I'm sorry"

"Sorry? Yun na lang yun? Sorry?"

Ano ba ang akala niya? Na sa isang sorry okay na ang lahat? Makakalimutan ko na lahat? Lahat ng sakit, trauma at iniyak ko?

"Noon ko pa hiningi yang explanation mo. Wala akong ginawa kundi kulitin ka sa lahat ng social media na pwede kang maka usap. Pero ano ginawa mo? You ignore me! As if you are a ghost," umiiyak na pagkakasabi ko.

"Ganun ganun na lang ba yun? Aarte ka na parang wala lang? Magpapakita ka na akala mo hindi mo ako nasaktan? Eh siraulo ka pala eh!"

He was about to hold my hand again, pero agad kong iniwas. Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa akin.

Kita ko sa mata niya ang inis. Pero wala akong pakialam. Deserve nkya lahat yun. Sa totoo lang kulang pa ang isang sampal para sa kanya.

Kita rin sa mga taong nasa paligid namin ang pagtataka at pagdududa. Mga walang alam sa kung anong nangyayari.

"Seb, umuwi ka muna please. Huwag mo guluhin ang anak namin," si tatay.

Wala na akong ibang ginawa kundi amg umiyak ng umiyak. Ito na naman ako. Akala ko ba okay na ako? Pero hindi pa pala. Lahat ng sakit bumalik.

Sumunod naman si Seb, agaran din siyang umalis. Walang sali- salita.

Umalis na rin ako at dumaretso patungong kwarto. Hindi alintana kung ano pa ang sasabihin ng mga tao.





Pagkarating ko sa kwarto, agad kong nilock ang pintuan ko. Para walang makapasok na kahit sino. Nagplay agad ako ng kanta. Malakas na kanta, na hindi maririnig ang pag iyak ko.

"Anak buksan mo tong pinto. Usap tayo," kilala ko ang boses na yun. Si tatay. Mas lalo lang akong napaiyak.

Nangatok pa ng nangatok si tatay, pero maya- maya pa ay umalis na rin. Dahil wala rin siyang napala. Wala akong balak buksan ang pintuan. Gusto ko mapag- isa.

Sobrang sakit. Parang binabasag ang puso ko sa milyun- milyong piraso. Ang hirap huminga, nanginginig katawan ko sa galit.

Patuloy lamang ako sa pag- iyak. Nilalabas ko na ang lahat. Lahat- lahat. Sa puntong hindi ko namalayan, nakatulog na ako.








Tahimik ang lahat ng bumaba ako sa sala namin kinabukasan. Kanya kanyang gawain ang lahat. Ang mga pinsan ko na nililinis ang buong bahay. Ang nanay ko naman na nagluluto kasama ang iba kong tita. At si tatay na nagkukumpuni ng kung ano sa labas. Ang iba naman ay nakatutok sa kani- kanilang cellphone.

Walang sinuman ang umimik o nagtangkang magtanong.

"Nak, gising ka na pala," si nanay, "malapit nang matapos niluluto namin. Huwag ka na umakyat, kakain na rin tayo umagahan," sabi pa niya.

Tango lamang ang nakuha niya sa akin. Pumunta rin ako sa kusina upang kumuha ng kape. Pagkatapos ay lumabas ako papuntang garahe. Doon kasi may katahimikan.

Love in CirclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon