"Pangit mo!"
"Hindi ka mahal ng mga magulang mo!"
"Ikaw, kahit kailan hindi ka pinili!"
Yan lang naman ang naabutan namin pagkabalik sa hotel.
As usual, si Celestine at Andrew yun. Hindi talaga titigil ang dalawang to. Hanggang kamatayan na pagbabardagulan nila.
"Oy tama na yan. Para kayong mga bata," saway ni Jade sa kanila. Pero tuloy pa rin ang dalawa.
"Malasin ka sana for 5 years," si Andrew.
"Ikaw, malasin ka sana buong buhay mo," bawi ni Celestine.
"Uy foul na yan ah, itigil niyo na," hindi na rin nakapagpigil si Leil.
"Ito kasi eh, papansin," reklamo ni Celestine.
"Ikaw naman pikon," sumabat pa si Andrew.
"Ano ba?! Hindi talaga kayo titigil?" Naiinis na tanong ni Jade. Tameme naman ang dalawa.
Kailangan pa talagang may sumigaw bago tumigil.
"Oh andyan na pala kayo," si Luke.
"Namili pa ulit kayo?" Tanong ni Eustass.
"Nope, nagcoffee lang kami after mag ikot ikot," sagot ni Seb.
"Eh paano, ang bilis nito sumuko sa lakaran. Pagod agad, napakape tuloy," dagdag ko naman.
"Ah so coffee date yan?" Ma- issue na tanong ni Drake.
"Hindi ah!" "Yes"
Sabay na sagot namin ni Seb.
"So ano ba talaga?" Tanong ni Eunice na may bahid ng pang aasar.
"Napakape lang, ito naman umoo agad nung sinabing date," sabi ko pa.
"Wala na ba tayong gagawing summer activity? Nakakabored na oh," reklamo ni Elijah.
"Kaya nga eh, naiinip din ako. Kayo ba meron kayong naiisip gawin?" Tanong ni Waylen
"Underground river tour," si Luke. Napatingin naman kami sa kanya, "ito oh sinearch ko pa," sabay hinarap niya samin ang phone niya.
May underground river tour nga.
Agad kaming nagsipag ayos at handa para sa panibagong exciting na activity namin. Pero medyo kinakabahan ako. Never ko pang nagawa to, at hindi ko alam kung anong ineexpect ko.
Wala naman sigurong ikakahimatay ko ano.
"Pakisuot na lang po ng life vest niyo," paalala ng manong samin. Nakasakay na kami sa bangka at papunta na sa underground river.
"Are you okay?" Seb asked me, "namumutla ka. Natatakot ka ba?"
"No, I'm fine. Dala lang siguro ng pagod," sabi ko pa. Pero sa totoo lang, kinakabahan talaga ako.
Pagkarating namin, tila para akong isang bata. Mangha na mangha sa mga nakikita ko. Sobrang ganda. Para akong nasa ibang bansa. Hindi ko akalain na sa Pilipinas lang ito.
"Ay!" Napapikit ako ng hindi oras dahil sa flash ng camera.
"I'm sorry"
"Itigil mo pagkuha ng picture sakin," sabi ko pa kay Seb.
"Ang ganda mo lang kasing mamangha. Kaya pinicturan kita," sabi pa niya.
"Maganda? Eh naka nganga ako dun. Burahin mo yan," dagdag ko pa.
"Ayoko nga, hindi ko buburahin yun. Memories kaya yun."
As usual, wala akong magawa. Hindi ko namam phone yun. At wala akong magagawa kung ayaw niya burahin. Huwag lang talaga niya ipopost. Magkakagulo ang lahat.
BINABASA MO ANG
Love in Circles
Teen FictionPaano mo nga ba malalaman kung para sa'yo ang isang tao? Sa mga signs at signals ba? Sa kung paano ka itrato? O sa kung ano ang nararamdaman niyo pareho? Pero paano kung ang pagmamahal na nakita mo ay mula sa hindi inaasahang tao? Susugal ka pa rin...