"Oo na eto na nga oh nagmamadali na," kanina pa ako pinagmamadali ng mga kasama ko. Nalate ako ng gising. Kasalanan ni Magnus to.
Masyadong maraming alam. Nawala tuloy antok ko, lalo na sa huling sinabi niya kagabi. Hayst.
"Kailan kaya kayo matututong bumilis sa pagkilos," ayan na nga ang mga tropa naming lalaki. Kanina pa talaga sila tapos. Kanina pa mga naghihintay.
"Ayan si Risse, nalate ng gising," sabi pa ni Jade. Sorry na nga eh
"Bakit ka ba kasi nalate ng gising? Anong oras ka na ba nakatulog?" Tanong ni Elijah.
"Di ko matanda, basta pasado ala una na ng gabi yun," sagot ko.
"Huh? Eh sa atin ikaw ang pinaka antok, tapos late ka pa natulog?" Nagtatakang si Celestine.
Hindi ko na lang muna sinagot ang tanong na yun at nagpatuloy na lamang sa pag aayos ko. Magdadala ako ng maliit na bag at doon ko ilalagay ang mga importanteng bagay tulad ng wallet at phone.
"I'm done! Tara na," sabi ko pa.
"Hayy sa wakas," si Andrew.
"Sorry guys, mag aalarm na ako talaga sa susunod," sabi ko pa.
Dumaretso na kami sa baba for our breakfast. Pagkakuha ng pagkain, agad kong sinabi sa kanila na niyaya ko si Magnus na sumama.
"Okay lang samin, saka naging close friend din naman namin siya noon," sagot ni Eustass after kong tanungin kung okay lang ba sa kanila.
"Eh kayo?" Tingin ko sa iba ko pang kaibigan.
Pare pareho naman silang pumayag, since nakasama na rin naman siya kagabi.
"Message mo teh, by nine kamo punta na siya sa harap nitong hotel," ginawa ko naman ang bilin sakin ni Eunice. Agad din namang nagseen si Magnus.
"Okay, punta na ako. Malapit na rin naman mag nine," reply ni Magnus. Itinabi ko muna ang phone ko at pinagpatuloy ang umagahan. For sure, need ko ng maraming energy for our agenda today.
Ang pagkakaalam ko, lilibot lang kami ulit at tamang picture lang. Susubukan din namin ang bagay or mga pagkain here na hindi pa namin nasusubukan. Ubusan ng pera at palakihan ng tyan mamaya to.
"Pre!" Bati ni Drake kay Magnus. Andito na kami sa harapan ng hotel kung saan namin siya imemeet.
"Uy! Thank you ah, hinayaan niyo akong maki- tag along," sabi pa niya.
"As if we have a choice," rinig kong bulong ni Seb. Hindi naman malakas pero sakto lamang para marinig ko, nasa likuran ko kasi siya.
"Oh ano? Ready ka na ba? Kami ready na," sabi pa ni Eustass.
"Oo naman, kahit puyat ako ready na ready ako," sagot pa niya.
"Puyat ka rin? Si Risse ganun din. Late nga nagising yan, ayun pinaghintay kami kanina," sabi pa ni Leil.
Nagkatinginan naman kaming dalawa dahil alam namin kung bakit pareho kaming puyat. Ngunit ni isa sa amin ay walang nagsalita.
"Oh ano pa ba hinihintay natin? Tara na! Para mas marami tayong mapuntahan," pagyaya ni Celestine. Laking pasasalamat ko sa kanya dahil dyan.
"Paki suot na lang po ng mga life vest niyo," sabi samin nung mama. Sumunod naman kami at humanap ng magandang mauupuan. Hindi lang kami ang narito sa bangkang ito, marami pa na kapwa turista din.
Para lang siyang island hoping, ang kaibahan tour lang talaga. Pictures lang ganun.
Nahuli kami ni Jade sa paglalakad. At tanging sa tabi na lang nina Eustass at Magnus ang natitirang pwedeng upuan.
BINABASA MO ANG
Love in Circles
Teen FictionPaano mo nga ba malalaman kung para sa'yo ang isang tao? Sa mga signs at signals ba? Sa kung paano ka itrato? O sa kung ano ang nararamdaman niyo pareho? Pero paano kung ang pagmamahal na nakita mo ay mula sa hindi inaasahang tao? Susugal ka pa rin...