Chapter 7

9 1 8
                                    

"This one is for you Risse. Listen carefully," and my heart continue to beat very fast.

He exhaled deeply and close his eyes for a while before he could start his speech.

"I know you are still hurt," alam mo naman pala eh, "pero ako rin."

Those words give something painful in my heart. Parang iniipit.

"But, I am not blaming you for that, dahil kasalanan ko rin naman kung bakit din ako nasasaktan."

Why did you do that?

"Umalis ako, without any words. Walang paalam, walang pasabi. And my reason is? It is for our own sake. But I am wrong, mas lalo lang tayong nasaktan at nasira sa desisyon kong yun," bakit yun ang naging desisyon mo?

"Lahat ng pinakita ko sa'yo at pinaramdam, totoo yun. Walang biro, hindi pilit o peke. Pero tao lang din ako Risse, nagkakamali. Minsan akala natin yung ang tama, hindi natin namamalayan na mali pa. Not unless, marealize natin lahat kung kailan nangyari na."

Sa mga binibitawan niyang salita, unti unting nawawala ang sakit. Gumagaan kahit papaano, parang naghihilom ang matagal ng sugat.

"I just hope one day, mapatawad mo ako sa lahat ng ginawa ko. I thank Drake for doing this activity. In this way, nasabi ko ang nais kong sabihin. In this way, napakinggan mo ako. Kahit hindi na tayo bumalik sa dating tayo, manatili lang tayong maayos. Para na rin sa sarili at mga kaibigan natin. That's all." He finished it. And my tears started to fall. Pero agad ko itong pinunasan at huminga ng malalim. Composing myself.

Natahimik naman muna ang lahat. Kita ko rin ang pagcomfort ng mga lalaki kay Seb. Ganun din naman sakin ang mga babae.

Tumayo na si Waylen at pumunta na sa harap.

"Ahh, hindi ko talaga alam sasabihin ko," panimula niya habang kumakamot pa sa ulo. Tila nahihiya.

"Pero siguro, magpapasalamat na lang din ako. Sa... sa inyong lahat kasi..." hindi na napigilan ni Waylen ang luha niya.

Nagdrama na nga.

"Kasi ano, andito kayo. Tapos eto tayo. Lahat masaya, nag eenjoy. Kahit na may mga iniiwasan tayong tao o nilalayuan. Tumuloy pa rin kayo para sa samahan natin na sabi niyo nga walang hanggan at walang iwanan. Ayun lang," agad din niyang tinapos at umupo na.

"Oh ako naman," si Andrew. Tumayo ito at pumunta na rin sa harapan.

"Hi guys! I love you all. Ayun lang. Wala naman akong sama ng loob, si Risse lang. Ay mali," tinignan ko naman siya ng masama. Nakuha oa talagang mang asar.

"Luke, pre ikaw naman," medyo may alinlangan pa sa pagtayo ni Luke. Parang ayaw pa nitong magsalita.

"Uhm... itong sasabihin ko.. para kay Leil," will he confess his feelings?

Nanlaki naman ang mata ni Leil nang marinig niya ang kanyang pangalan.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Leil.... I like you, matagal na. Since highschool," forda tapang ng ferson.

Finally! Luke already confessed it. Jusko, napakatagal bago umamin.

Nagulat pa si Leil sa sinabi ni Luke.

Speechless.

"Oh saka na kayo mag usap about diyan, ako naman," sumunod naman na si Drake.

"Parang kay Eustass din. Ano.. ahhh... Jade," tawag pa nito sa kaibigan namin.

"Gusto ko lang sabihin na hindi rin ako susuko. Dahil sabi nga, habang may buhay, may pag asa. Maghihintay ako. Yun lang," A very short, concise and direct speech.

Love in CirclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon