Hindi madaling maiwan,
Ng taong minamahal mo ng lubusan.
Masakit sa aking puso't isipan,
Ang kanyang paglisan ng wala namang binigay na dahilan.
Pagkadurog ng puso'y aking naramdaman,
Pagtulo ng luha'y di ko namalayan,
Pagkawala sa sarili ay biglaan,
Hindi ako makausap ng matino ng sinuman.
Nawalan ako ng ganang mabuhay,
Buhay ko na dati nama'y makulay.
Ngunit ngayo'y pagkasawi at pangungulila,
Ang aking nararamdaman na tila'y di na mawawala.
Aking parating iniisip na baka'y may malalimna dahilan,
Ang pagkawala niya ng wala manlang paalam.
Ngunit ang sakit isipin na kaya niya akong iwan,
Ng ganun-ganun lang matapos ang aming pinagsamahan.
Pinipilit kong intindihin,
Pero hindi ko maiwasang isipin.
Baka siya'y nagsawa na talaga saakin,
Sa pagiging makulit ko't matampuhin.
Aking pinapaniwala ang aking sarili na may dahilan kung bakit ko siya nakilala,
Baka upang turuan ako ng leksyon na huwag masyadong umasa.
Huwag magmahal ng lubusan,
Dahil maaari kang masaktan.
Talaga namang kung sino ang nagpapasaya sa'yo,
Siya din ang magpapaubos ng luha mo.
Sana sa susunod nating pagkikita,
Masaya na ako't ngumungiti na.
Dahil simula sa araw na ito,
Ika'y kakalimutan ko na.
-
Dedicated sa tatay / kaibigan kong si @evanescenes na naginspire ulit saaking gumawang mga tula. Oy di ako gaya gaya dude haha. Walang halong hugot yan oy.
BINABASA MO ANG
Walang Kabuluhan (Mga Tula)
PoesíaMga tulang walang kwenta at puro kasabawan ko sa utak ang laman.