Tatlong buwan at labing walong araw na,
Simula nang mapagpasyahan kong ika'y kalimutan na.
Kaya't heto ako ngayon sa aking silid nakatunganga,
Iniisip kung gaano ako katanga.
Na akalain na ganun lang kadali ang kalimutan ka,
Ngunit ako'y mali pala.
Sabi nila malaki raw ang aking pinagbago,
Simula nang araw na ako'y iwan mo.
Hindi na raw ako iyong dating maingay at magulo.
Pilit na raw ang mga ngiti ko,
Hindi na raw umaabot sa mata ko.
Parati nilang hinahanap ang baliw na ako,
Ngunit kahit anong pilit ko, ako'y nabibigo.
"Nasaan na ang babaeng nakalunok ng mikropono?",
"Nasaan na 'yong babaeng palabiro?",
"Nasaan na 'yong babaeng kung magsalita'y walang preno?",
"Nasaan na ang mga halakhak mo na rinig hanggang sa kabilang dulo ng eskwelahang ito?",
'Yan ang parating tanong ng mga kaibigan ko.
Naging ganon na ba ako kaapektado ng dahil saiyo?
Ganon na ba kalaki ang aking pinagbago?
Na nakalimutan ko kung sino talaga ako?
Naguguluhan na ako!
-
Dedicated sakanya haha. Parang hugot na hugot tuloy. Thank you sayo ☺.
BINABASA MO ANG
Walang Kabuluhan (Mga Tula)
PoetryMga tulang walang kwenta at puro kasabawan ko sa utak ang laman.