Sa aking paglisan,
May huli akong kahilingan.
Kung nasaan ka man,
Sana iyong mabasa ito't mapakinggan,
Ang himig ng aking puso't isipan.
Umaasa akong sana'y di mo ako makalimutan,
Lahat ng ala-ala natin at pinagsamahan.
Sana sa susunod nating pagkikita at pagkakasalubungan,
Tayo parin ay magkaibigan.
Lagi mong tandaan,
Mahal kita kahit ako'y iyong iniwan.
Isa ka sa pinakamasayang nangyari sa aking buhay.
Aking aalalahanin 'yon ng walang halong lumbay.
Hinihiling ko na sana sumaya ka,
Ng walang halong lungkot at pag-aalala,
Sa aking nararamdaman dahil ako'y ayos na,
At mas magiging ayos 'pag nalaman 'kong maayos ka na.
Muli, hinihiling ko ang kasiyahan nating dalawa.
Mahal kita,
Ngunit kailangan 'kong magpaalam na,
Para sa ikabubuti nating dalawa.
-
Dedicated sa kaibigan kong si @fickly. Sorry.
BINABASA MO ANG
Walang Kabuluhan (Mga Tula)
PoetryMga tulang walang kwenta at puro kasabawan ko sa utak ang laman.