Chapter 30

217 26 8
                                    

Theo's POV

After Duchess returned to her room, lumabas muna ako saka naghanap ng jewelry shop dito sa Bora. Good thing, may nakita ako.

Pumasok ako and scanned for some bracelets. Maraming magaganda but what caught my attention is yung bracelet na white gold with small diamonds. This is perfect kaya binili ko na.

I want to surprise Duchess later in the evening kaya kahit mamahalin yung bracelet, binili ko na. After all, Duchess deserves all the best things in the world.

Bumalik na din ako sa kwarto ko sa hotel saka tinitigan yung bracelet na binili ko. Sana talaga magustuhan ni Duchess to.

I am smiling with my own thoughts when Ive decided to take a nap. Cant wait to see the look on her face kapag naibigay koto sa kanya.

After a few hours, nagising ako. Nakaramdam ako ng gutom so I have decided na lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Duchess na naka jacket. Saan naman kaya to pupunta?

Nakita ko sa di kalayuan si Bongbong. Aalis na sana si Duchess pero pinigil sya ni Bongbong. Hindi ko sila marinig kaya lumapit ako ng konti.

Hindi ko man lubos na naririnig yung usapan nila pero base sa tinatakbo nito eh parang umiiyak na naman si Duchess, lalapit na sana ako but I was shocked when Bongbong kissed her.

I was hurt. She even tried to explain pero sinabi kong okay lang ako. Hindi ko sya girlfriend at alam kong mahal nya ang bestfriend nya. Kaya wala syang dapat ipaliwanag saken.

Habang pabalik ako sa hotel, naiiyak na din ako. I guess, ganito naramdaman ni Duchess noong nakita nya din yang bestfriend nya at girlfriend nito na magkahalikan.

Nagorder lang ako ng room service saka uminom na din. Ang sakit pala ng ganito pero hindi ko masisi si Duchess. Kasalanan ko din kasi kahit alam kong mahal nya ang bestfriend nya, itinuloy ko pa din ang panliligaw sa kanya.

Napailing ako saka nagdecide na matulog na. Pero isang bagay lang ang alam ko, hindi ko isusuko si Duchess kay Bongbong, hindi ko na hahayaang masaktan nya pa si Duchess.

Lorraine's POV

Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo at magang maga ang mga mata. Sa sobrang maga ng mga mata ko, nahirapan pakong dumilat. Aish, kaya ayokong umiiyak ng husto eh.

Pero pinilit kong bumangon. Hindi porket nasira yung moment ko dito sa Bora eh sisirain ko na yung bakasyon ng iba. Ayokong maging selfish kasi diba, sinabi din saken ni Bonget na wag akong selfish?

Aga aga, Bonget na naman Lorraine! Ano ba? Sarap mong kutusan sa eyeball para matauhan ka ng leche ka! Dun ka na lang kay Theo para sure win.

Kfine. Edi Theo.

Napatingin naman saken tong tatlo nung napansin nilang gising nako. Nakaramdam din ako ng gutom mga beh. Kaya nagpunta nako sa CR nang hindi sila pinapansin. Wala akong ganang makipag plastikan sa mga kapatid ni Bonget saka sa jowa nya. Magsama sama silang all, charot.

'What happened to Lorraine? Parang namamaga yung mata..' rinig kong sabi ni Louise

'Baka nasobrahan lang sa tulog yan. Imagine, kahapon pa tulog tapos ngayon lang gumising..' sagot ni manang

'Lets wait for her para makapag breakfast. Gutom na din yan panigurado. She skipped her dinner last night eh..'

Hindi ako sasabay sa kanila. Gusto kong kausapin si Theo. Kelangan makapag explain ako ng bongga. Kahit naman hindi ko pa sya boyfriend, karapatan nyang malaman yung side ko.

Secretly Loving My BestfriendWhere stories live. Discover now