Bonget's POV
Nilayasan na nga kami ng magaling kong bestfriend. Nag walk out na naman. Bakit ba sya nagagalit eh sya tong makikipag inuman kasama yang Theo na yan?
Hindi ko na lang sya pinansin. Maya maya, my girlfriend asked me na ihatid na sya. Nagulat yata sa nangyari.
'hon, I think you owe her an apology. Parang sumobra ka na sa part na yun..'
Sumobra bako? Gusto ko lang naman syang protektahan eh. Syempre, parang kapatid ko na yan kaya ganito ako kung mag alala sa kanya.
Napahinga ako ng malalim saka nagdecide. Tsss, kaya feeling maganda yan eh. Sanay kasi syang inaamo ko, pero sa isang banda, tama naman si Louise. Maybe, naging OA nako.
'okay fine. Let's go upstairs. Ill talk to her' I said grabbing my girlfriend's hand
She just smiled at me kaya umakyat na kami sa kwarto ng bestfriend ko. Bubuksan ko na sana yung pinto kaso naka lock. Oh, anung eksena nito?
'dude! Open the door.. we have to talk' pagkatok ko sa kanya
'ano ka, chicks? Ayaw kitang makausap muna Bonget. Dun ka sa planet Nemik. Sa mga kalahi mong unggoy!' sigaw nya saken
Natawa naman si Louise kaya natawa din ako. Tss, parang tanga talaga tong babaeng to.
'buksan mo na kasi. Maganda ka ba para umarte ng ganyan ha?' ganting sigaw ko sa kanya
'oh, yun naman pala eh. Di naman pala ako maganda, bakit todo effort ka pang kumatok jan?!' angil nya
This time, my girlfriend was the one who knocked on her door. Sana naman wag na syang maarte no?
'Lorraine, it's Louise. Please open the door na. Bong has something to say..' she said
Maya maya bumukas yung pinto. Tiningnan namin sya. Teka, umiyak bato? Pero bakit naman sya iiyak?
Pumasok na kami sa kwarto nya. In fairness naman talaga. Organized na yung kwarto nya. Naglinis siguro to. Nakita ko ding may mga bago syang posters. Palitan lang yung One Piece saka mukha nila Michael Jordan, Kobe Bryant at Stephen Curry. Yan mga idol nyan eh.
Iba na din kulay ng wallpaper nya. Purple na. Dati, skyblue to eh. Sinipag ata masyado tong bestfriend ko ah?
I heard One Piece playing on her TV. Yan na yata yung part na nagkakaalaman sila sa tunay na pagkatao nung Luffy na yan kaya sya umiyak. Babaw talaga nito.
'he-he-he.. upo kayo. Sorry ah? Di pako tapos magligpit kaya medyo messy pa yung kwarto ko..' nahihiya nyang sabi samin
Natawa kami ng girlfriend ko. See? Kahit kelan tong babaeng to talaga oo.
'sorry Lorraine ha? We disturbed you. Bong has something to say lang talaga kaya eto inistorbo ka namin..' Louise started the conversation
Nakatingin lang si Lorraine sa TV kaya kinuha ko yung remote saka pinatay ito. Inirapan nya lang ako, sigurado akong pinapatay nako nyan sa utak nya. Ayaw nyang pinapatay yung pinapanood nya eh.
'look, Louise. Masanay ka na sa amin ni Bonget. Aso't pusa talaga kami nyan ever since. Pasensya ka na ha? Ganun lang talaga kami..' she said habang kumakamot sa batok nya
'nope. Dapat mag sorry sayo tong bestfriend mo. Sobra ka kung ibully eh. Hon, say sorry na..'
Tss, may magagawa bako? Eh andito tong girlfriend ko? Sige na. Mag sorry na jan..
'dude, Im sorry. Bati na tayo. Ayoko lang may mangyari kaya ganun ang naging reaction ko, pasensya na. Di nako uulit..'
'yan ka na naman. Tapos magiging OA ka na naman. Aish, Bonget. Kaya lagi tayong nag aaway kasi puro ka issue jusko.. last mo na talaga yan ha?' she said
YOU ARE READING
Secretly Loving My Bestfriend
MizahBongbong Marcos and Lorraine are childhood best friends. They were inseparable. Bongbong is a known casanova, while Lorraine is a boyish type of a woman. What if fate played a trick on them and Lorraine suddenly fell in love with her bestfriend? Wil...