“You may now kiss your bride.” Sabi ng pari.
*kiss kiss*
At nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan.
Masayang- Masaya ang lahat para sa mga bagong kasal maliban sa isang babae na nasa isang sulok ng simbahan.
Hindi maintindihan ang reaksiyon sa mukha niya, kung iiyak ba o ngingiti.
Vibrate ng vibrate ang cellphone niya pero hindi niya pinapansin ang aparato.
Nakatingin lang siya sa dalawang tao na nasa may altar.
Maya-maya lang ay nakita siya ng groom.
Nginitian niya ang groom samantalang natulala naman ang huli pagkakita sa kanya.
Nahimasmasan lang nung kalabitin siya ng bride.
Dahil dun ay nagpasya na si girl na lumabas ng simbahan.
“Bakit ba parang ang layo ata ng pintuan ng simbahan na ito?” tanong sa isip ni girl.
“Sandali.” Habol sa kanya ng bride.
Tumigil naman yung girl at humarap ng nakangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/4280452-288-k696721.jpg)