Lumipas ang mga buwan pero nakakaramdam pa rin ng sakit si girl.
Hindi pa rin siya nakakamove-on.
Sa paningin ng lahat ay masaya siya pero ang hindi nila alam ay durog durog pa rin ang puso niya.
Kahit na pinipilit niyang kalimutan ang nakaraan ay nahihirapan pa rin siya.
Mahirap para sa kanyang kalimutan ang mahigit dalawang taon na relasyon.
Ang relasyong akala niyang panghabangbuhay ay bigla na lang nawasak.
To think balak na nilang magpakasal pagka-graduate niya.
Lahat ng kanilang pangarap na magkasama ay gumuho na lang bigla.
Summer:
Habang nagpapahinga siya sa kanyang kwarto ay nakatanggap siya ng tawag mula sa ex-bf niya.
“Hello” sagot niya sa tawag
“Musta ka na?” – caller
“okay lang. Bakit ka tumawag?” – girl
“Namimiss kita eh.” – caller
“Nagpapatwa ka ba? May asawa ka na. Nag-away ba kayo kaya mo ako tinatawagan ngayon?” iritableng sagot ni girl.
“Oo eh.” – caller
“Ano na naman pinag-awayan niyo? For God’s sake naman. Maging mabait ka sa asawa mo.” Galit ng sabi ni girl.
“Ayaw niyang pumayag sa gusto kong pangalan para sa bata eh. Btw, nanganak na siya kahapon. Babae ang anak ko.” – caller
“Ang liit-liit na bagay lang yung pinag-awayan niyo. Pagbigyan mo na lang kasi siya.” – girl
“Ayoko nga. Gusto ko ako ang masusunod sa pangalan ng bata.” – caller
“Anong pangalan ba kasi at ayaw pumayag ni Let?” – asar na tanong ni girl.
“Princess Faye.” Sagot ni caller
“Eh P*T*N*I*A ka pala. Hindi talaga papayag ang asawa mo. Isunod daw ba kasi sa pangalan ng ex mo. Tarantado ka.” – galit na galit na sabi ni girl
“Yang bibig mo ha. Kelan ka pa natutong magmura?” pananaway ni caller kay girl.
“Simula noong sinaktan mo ako. Gago.” – girl
“Tama na yang pagmumura mo.” – galit na sabi ni caller
“Bakit ba nakikialam ka? Wala ka ng karapatan para pakialaman ako.” – girl
“Ang sakit mo namang magsalita. Bakit ganyan ka na? Anong nangyari sa’yo?” – caller
“Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo.?” Asar na tanong ni girl.
“Sorry na. Ikaw ang mahal ko. Alam mo yan.” – caller
“MAHAL? Mahal ba ang tawag dun? Eh PUTANGINANG pagmamahal yan. Bumuntis ka ng ibang babae tapos sasabihin mo sa akin na ako mahal mo. Hayop ka.” Galit na galit na si girl
“Sinabi ko sa’yo na ayaw ko siyang pakasalan pero ikaw mismo pumilit sa akin di ba. Ikaw ang pinipili ko pero ipinagtabuyan mo ako.” – caller
“Dahil yun ang nararapat. Kawawa ang bata kung lalaki siyang walang ama. Hindi ako masamang tao para agawan siya ng ama.” Emosyonal na sabi ni girl
“Sorry talaga.” – caller
“Pwede ba itigil mo na to? Move on na. Kasal ka na. Ayusin mo na lang pamilya mo. At pwede wag na wag mong ipapangalan sa akin ang anak mo dahil talagang kamumuhian kita. Intiendes?” – girl
“Opo. Sorry.” – caller
“Oh siya. Babay na. busy ako.” At pinatay na niya agad ang tawag ngunit bago niya ito mapindot ay narinig pa niya ang huling sinabi nung caller.
“I still love you.”
Dahil sa nangyari ay nagbalikan na naman ang mga masasakit na alaala.
Mga alaalang pinipilit niyang kalimutan.
Gusto niyang kamuhian ang taong nagpapahirap at nananakit sa kanya ngunit hindi niya magawa dahil kahit anong tanggi niya ay alam niyang meron at meron pa rin siyang nararamdaman para dito.
Sa paglipas pa ng mga buwan ay pinilit niyang huwag isipin si Prince.
Itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa nalalapit niyang board exam.
Ayaw niya ng may ibang gugulo sa kanyang isipan kaya sa tuwing tumatawag si Prince ay kina-cancel niya ang mga tawag nito.
Piling mga tao lang ang kanyang mga kinakausap.
Nagbunga naman ang kanyang pagsisikap.
Nakapasa siya sa kanyang board exam.
Nakaramdam siya ng kasiyahan at pagmamalaki para sa kanyang sarili.
Masaya din ang pamilya at mga kaibigan niya para sa kanya.
Puro pagbati ang kanyang natatanggap na mga mensahe.
May isang tao din na hindi niya inaasahang babati sa kanya.
From: jonquil
Congrats, princess. I’m proud of you. Isa isa ng ntutupad mga pngarp mo. Sna ksma kitang nagccelebrate ngyn. Miss na kta. I still love you.
To: jonquil
Tnx..
Yan lang ang reply niya sa text ni guy.
Unti-unti na din kasi siyang nakakamove-on.
Kahit papano ay nakakangiti na ulit siya ng mula sa puso.
Pero ang sigurado niya sa kanyang sarili ay, HINDI PA SIYA HANDANG MAGMAHAL ULIT.
Na-trauma na ata siya sa love.
Hindi na din siya ngayon madaling magtiwala sa ibang tao lalong lalo na sa mga lalaki..
Lagi na lang may doubt.
Naging defensive na ang puso niya.
Takot ang namamahay.
Takot na baka masaktan ulit siya at iwanan na naman.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PASENSYA PO DAHIL NATAGALAN ANG UPDATE.
may pinagdaanang mabigat si author.
thank you ng marami sa mga nagbabasa.
![](https://img.wattpad.com/cover/4280452-288-k696721.jpg)