Nang magising siya ay hindi niya maimulat ang kanyang mga mata dahil mugtong-mugto ang mga ito dala ng matinding pag-iyak nung nakaraang gabi.
Mabuti na lang at tulog pa ang mga kasama niya sa bahay nung lumabas siya ng kanyang kwarto para maligo.
Pagkatapos nun ay mabilis siyang nag-ayos para sa pagpasok sa school.
After 1 hour.
“Mommy, alis na po ako.” Sigaw niya at nagmamadali na siyang lumabas ng bahay.
Nang nasa sasakyan na siya ay saka lang niya naalala na hindi siya nakakuha ng pera niya.
“Oh shit! Hindi ako nakakuha ng pera ko. Mabuti na lang pala at may extra pa ko dito sa bag ko.” Sambit niya.
Nagsoundtrip lang siya habang nasa biyahe papaunta ng school dahil 1hour pa ang itatagal ng biyahe niya.
Pagbaba niya sa tapat ng gate ng school ay dirediretso na siya sa building ng Nursing dahil kelangan niya pang dumaan sa Dean’s office para kunin ang examination papers niya.
Pagpasok niya sa Dean’s office ay nagulat ang mga nakakita sa kanya.
“Oh ba’t ganyan kayo makatingin? May problema ba? Mukha ba akong zombie?” natatawang tanong niya sa kanila.
“Eh kasi ngayon ka lang namin nakitang nakasalamin tapos ang putla mo pa. Kaya naninibago kami.” Sagot naman nung secretary.
“Ah kala ko kung ano na. Asan po exam papers ko?” – girl
“Heto oh. Andun sila sa Nursing Lab.” – secretary
“thank you po.” At lumabas na siya ng office para magpunta sa Nursing Lab.
Pagdating niya dun ay gulat din ang rumehistro sa mga mukha ng kanyang mga kaklase.
Hindi na lang niya sila pinansin at dumiretso na siya sa kanyang upuan para hintayin ang kanyang mga kaibigan.
Kinuha niya ang kanyang cellphone para itext sina Jin ng mapansin niyang may tumatawag pala.
“Oh napatawag ka?” sagot niya sa tawag.
“Okay ka lang ba? Asan ka? – caller
“Andito na ko sa school. Bakit?”- girl
“May klase pa rin kayo? Eh dapat bakasyon niyo na ah.” – caller
“Last day namin ngayon. May kelangan ka?” – girl
“Wala naman. Baka lang kasi hindi ka okay eh. Sige bye na. Tawag na lang ulit ako.” – caller
“Sige bye.” – girl
Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang iba pa niyang classmates pati ang barkada niya.
“Oh ano meron at nakasalamin ka?” tanong ni Rocel pagkakita sa kanya.
“ah wala naman. Masakit kasi ang mata ko kaya ako nagsalamin.” Sagot naman niya kay Rocel.
Matamang tinignan ni Jin si girl.
Hindi siya naniniwala sa isinagot nito.
Alam niya at halata niya na namumugto ang mga mata nito kaya ito nagsalamin.
Hinayaan na lang muna niya ito.
Maya-maya lang at dumating na ang prof nila. Nag-discuss lang ng konti.
Blah..Blah..Blah..Blah..Blah
Walang naintindihan si girl sa discussion.
Puro lang siya take down notes.
Wala siya sa mood umintindi ng lessons ngayon dahil may pinagdadaanan siyang mabigat.
Lunch Break
“Oh yan lang kakainin mo?” tanong ni Rocel pagkakita sa isang cupcake sa harapan ni girl.
“Busog pa ako eh.” Sagot naman niya.
“Hoy! Bakla! Don’t tell me on-diet ka? Sasapakin kita. Ang payat-payat mo na ha tapos may diet-diet ka pang nalalaman diyan.” – Rocel
“Hahahaha.. Wala akong sinabi na on-diet ako. Busog pa talaga ako. Sige na. Bumili ka na ng food mo. Andun na si Jin.” Pagtataboy niya kay Rocel.
At umalis na nga sa harap niya si Rocel ngunit si jin naman ang lumapit.
“Bakla, nag-iiyak ka noh! Huwag kang magkakaila kasi halata sa mga mata mo. Ano ba kasing nangyari?” Sabi ni Jin.
“Ang sakit, bakla eh.” – girl
“Ang alin?” – Jin
“Ang sakit makitang ikinakasal sa iba yung taong mahal mo.” Naiiyak na sabi ni girl
“WTF!!! Nagpunta ka?” – gulat na sabi ni Jin
“Oo eh.” – girl
“Nasisiraan ka na talaga ng bait ano. Hay naku! Ang tigas ng ulo.” Nakukunsuming sabi ni Jin.
“Gusto ko siyang makita na Masaya eh para maka-move on ako.” – girl
“Eh nakita mo ba siyang Masaya? Sigurado ka ba na makaka-move on ka pag nakita mo siyang ganun?” – Jin
“Masaya naman siya. Magiging Masaya na din ako para sa kanya. Makakamove on din ako…….sana.” malungkot na sagot ni girl.
“Hay naku! Halika nga.” At yinakap ni Jin si girl.
Nakita sila ni Rocel na papalapit na rin sa kanila dala mga foods.
“Oy ano yan? Group hug? Sali ako.” At nakiyakap na din siya sa dalawang kaibigan.
Natawa na lang sina Jin sa kanya.
A/N:
Natuwa naman ako at may mga positive comments akong nakita para sa story na ito.
Mahalaga sa akin itong story na ito kasi ito ang unang story na binuo ko pero ngayon ko lang na-publish.
Sana magustuhan at suportahan niyo pa po ito.
Vote...
Comment...
