Siguro, iba sa inyo ay magtataka kung sino nga ba si Rob. Si Rob ay isang matalik at maaasahang kaibigan ni Vince mula pa noong kabataan. Sa totoo lang, sobrang close nila at parang kapatid na ang turingan nila sa isa't isa. Hindi sila mawawalay at hindi na sila sanay pag wala ang isa. Ngunit nagbago ang lahat dahil sa isang malaking hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila Vince at Rob.
"Flashback"
Sa totoo lang, hindi naman talaga pabaya sa pag-aaral si Vince. Sa katunayan, isa siya sa nangunguna sa kanilang klase at isa siyang pinakamagaling na mag-aaral.
Rob's Parents: This time, you need to be the number 1 of the class. Hindi ka na p'wedeng masapawan ni Vince, OK!? Ito na ang chance mo para makapunta sa dream university mo!
Rob: But Vince is my best friend, at hindi ko naman kailangan na maging number 1 para ipakita lang sa kanila na ako yung pinakamatalino, 'di ba?
Rob's Parents: What about your dream? Paano naman ang university mo? Mababalewala na lang ba 'yun?
Rob: Hmm... (Napaisip si Rob sa sinabi ng kanyang mga magulang.)
"Skip Time"
Teacher: Good morning, class...
Class: Good morning, Mr. Dela Cruz.
Teacher: For now, we have an important event that will be held for the Talent competition. Kailangan ko ng mga magagaling na mag-aaral na makakasali at magrerepresenta sa ating school. Ang mapapanalunan niyo ay isang scholarship, kung saan ang pinapangarap niyong unibersidad ay p'wede niyong mapuntahan. Now, who wants to join the talent competition?
Rob: (raises hand) Ako po!
Teacher: Sino pa?
Classmate 1: Si Vince po, sir. Magaling sumayaw!
Classmate 2: Ayy! Oo nga po, pag siya sumali, p'wede siyang manalo!
Vince: Uhmm...
Teacher: Vince, sasali ka ba?
Entire Class: WOHHHH! Sasali na yan! Go Vince!! (Pasigaw at pangungunsinti nilang pagsabi.)
Vince: Sige po, pag-iisipan ko pa."
Rob: (makes face)
Teacher: Ok, sige. Sabihan mo 'ko mamayang lunch kung sasali ka talaga para malista ko na yung pangalan mo sa form.
Vince: Sige po. Thank you!
"Lunch Time"
Rob: So, anong plano mo?
Vince: Sasali na lang siguro ako. Sayang din yung opportunity eh.
Rob: Hmm... Ako kasi gustong-gusto ko talaga manalo. Yun lang kasi yung chance ko para maging proud sa' kin yung mga magulang ko at makapunta ako sa dream university ko...
Vince: Ohh, I see gust- _________ (Naputol ang sasabihin niya dahil pinangunahan na siya ni Rob)
Rob: P'wede ka bang 'wag na lang sumali? Kasi magaling ka na rin naman eh. Please, kahit this time lang, kailangan ko lang talaga ng favor sayo... Kaya please.
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon For Me
Romanceto those who will read this story, this story is all about onince and it is just a fake and fan made story, I also changed the characters in the story, don't take it seriously, hope you enjoy♡'・ᴗ・'♡ COMPLETED: SEPTEMBER 27, 2022