Chapter 7: Vernon's Promise

825 7 0
                                    

Dani's POV

Nagising ako sa isang flash ng camera. Pagmulat ko ay napatingin ako sa harapan ko.

Si Ellie, 'yong nakababata kong kapatid, ay nakatayo sa harapan ko habang nakangiti at parang kinikilig pa.

Wait! Did I just say...Ellie?"

Napatayo ako nang ma-realize ko na si Ellie nga ang nasa harapan ko ngayon. Pagtayo ko ay napa-subsob naman si Ver sa damuhan. Nakasandal pala kasi siya sa 'kin.

"Aray!"

Pero 'di ko siya napansin. Ang kapatid ko ang pinansin ko.

"Omg! Ellie?! I-Is that really you?!" Excited na sigaw ko habang pinagmamasdan ko siya.

Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. 4 years kasi siyang wala rito sa Pilipinas kasi do'n siya nag-aral ng high school sa Korea. Dream school niya kasi ang Yongsan International School of Seoul e, kaya pinagbigyan nila Mama at Dad nang makapasa siya sa entrance ro'n. Hindi ko alam na uuwi pala siya rito after niya mag-aral do'n.

She's my sister from my mother. Magkaiba kami ng apelyido kasi magkaiba kami ng ama, pero ang turing ko na rin sa ama niya ay sarili kong ama, at gano'n din naman si Dad sa 'kin, tunay na anak na rin ang turing niya.

Nag-asawa ulit si Mama after 2 years nang mamatay si Papa, at ang Daddy ni Ellie ang napangasawa niya. Masyadong mabilis ang love story nila pero hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin nila ang isa't-isa.

I was just 3 years old nang ipinanganak si Ellie, so, 3 years lang ang gap namin sa isa't-isa. Malapit na 'kong mag-20 years old, 17 naman siya.

Tumawa siya sa 'kin. "Ate, it's me! It's really me."

"Omg! Ellie, I missed you!"

Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya nang sobrang higpit. Sobrang na-miss ko 'tong batang 'to. Lagi naman kaming magka-video call kapag may time kami, pero iba pa rin 'yong nakikita ko siya in person. Grabe, mukha na siyang Koreana.

"A-Ate, I-I can't breathe!"

Bumitaw naman agad ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Ay! Sorry, Ellie. Sobrang na-miss lang talaga kita." I said. "Kailan ka pa dumating? Saka, bakit umuwi ka na agad? Hindi ka man lang nagsabi."

Nag-pout siya bigla. "Ayaw mo bang nandito ako, Ate?"

Ay, nagpa-cute pa siya. Feeling bata pa ang bruha. E isang taon na lang naman at legal age na siya.

"Gusto, siyempre! Akala ko lang kasi after mo pa gumaraduate ng senior high ka pa babalik dito e. 'Di ba 'yon ang sabi mo sa 'kin?"

Bumalik ang ngiti sa labi niya. "Na-miss ko kasi kayo ni Dad and Mom e, kaya umuwi na 'ko. Saka, gusto ko same school na tayo. Since pareho lang naman ang studies dito sa univ mo at doon sa Yongsan, nagpasya akong dito na magtuloy ng senior high." Masayang pagbabalita niya.

Hindi naman ako makapaniwala. "Ha? As in dito ka na rin sa Xavier University papasok?"

"Yes, Ate! So it means, schoolmate na tayo."

Niyakap ko ulit siya. Nakaka-miss talaga 'tong bunso ko e.

"Ate, who is he?"

Tanong niya kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya. Napatingin ako sa likuran ko. Si Vernon ay nakasandal sa puno tapos naka-cross arms siya. 'Yong nguso niya nanghahaba.

What's the problem of this guy at nakanguso pa siya?

"Buti naman at napansin niyo na 'ko." Reklamo niya. "Sa sobrang busy niyo sa reunion niyo, hindi niyo napansin na nasubsob ako kanina sa damuhan. 'Di ka man lang nagdahan-dahan sa pagtayo mo!"

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon