Chapter 48: Uneasy Feeling

491 4 0
                                    

Vernon's POV

"Love." Tawag niya sa 'kin.

Kaagad ko naman siyang nilingon saglit habang nagma-maneho ako para iuwi siya sa bahay nila.

"Yes, Love?" Malumanay na tugon ko.

"Can we...can we not go home first?" Nag-aalinlangan niyang tanong sa 'kin kaya nagtaka naman ako. Hindi naman kasi niya kailangang mag-alinlangan sa 'kin kung may gusto pa siyang puntahan bago umuwi e. We'll go there right away, sa'n man niya gustong pumunta. "Can we go somewhere first?"

Alam ko namang iba ang ibig niyang sabihin do'n but I'll tease her first. Ang cute-cute kasi ng reaksyon niya kapag naaasar siya sa mga biro ko sa kaniya e.

Umakto akong parang nagulat habang patingin-tingin sa kaniya at sa kalsada. "Cherry, sabi ko naman sa 'yo, strict ang parents ko. Saka, hindi pa 'ko ready. Hindi ko pa pwedeng ibigay ko sa 'yo ang Bataan nang hindi pa tayo ikinakasal. I'm a marriage person first before-aw!"

Malakas ang pagkaka-hampas niyang 'yon sa balikat ko kaya nasaktan talaga ako, pero natawa ako dahil sa nakasimangot niyang mukha ngayon. Ang cute talaga ng girlfriend ko. Shet! Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang girlfriend ko. Nakakawala pa rin ng angas.

"Puro ka talaga kalokohan! Hindi 'yon!" Sigaw niya sa 'kin bago sumeryoso. "There's someone that I wanted you to meet."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Someone?"

She nods. "Yeah, someone that's important to me."

•••••••

Nagpunta kami sa sementeryo at nakatayo sa harapan ng isang puntod. Inilagay ni Cherry sa may itaas ng lapida 'yong bulaklak na binili namin kanina bago kami dumiretso rito.

Nakangiti niya 'kong nilingon. "Upo ka."

Uupo na sana siya nang pigilan ko siya agad. Kinuha ko naman ang panyo ko sa bulsa ko saka inilatag sa uupuan niya. Nginitian niya 'ko bilang thank you saka siya naupo sa panyong inilatag ko sa damuhan. Naupo na rin naman ako sa may tabihan niya, sa harapan no'ng puntod.

Danilo Azucena

Born: November 9, 1978

Died: November 11, 2002

"You're not gonna ask who is this guy?" Napalingon ako sa kaniya sa tanong niya sa 'kin pero nakatingin lang siya sa puntod. "Kanina ka pa kasi tahimik, hindi ako sanay na hindi ka nagtatanong."

Tinignan ko ulit 'yong puntod. "I'm waiting for you to tell it to me. I don't wanna force you. Kaya tahimik lang ako rito."

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya habang nakatitig pa rin siya ro'n sa puntod. "This is my dad, obviously. I'm sure napansin mo na na magkaiba ang last name namin ng kapatid ko. It's because magkaiba kami ng ama. Hindi ako tunay na anak ni Dad. Close friends ko lang ang nakakaalam ng tungkol do'n." Huminga siya nang malalim. "It's not that I'm keeping it a secret. Hindi ko lang talaga ugaling ipangalandakan sa buong mundo na may iba akong ama. I mean, hindi ko naman maitatago 'yon since obvious naman sa apelyido ko at sa apelyido ni Dad e. I just kept my last name kasi sabi ko, 'yon na lang 'yong natitirang alaala ni Papa sa 'kin...kahit na hindi ko siya na-meet."

Nabigla ako sa huli niyang sinabi. Hindi ko kasi alam na hindi pala niya na-meet ang Papa niya. Alam ko naman no'ng una pa lang na magkaiba sila ng ama ni Ellie. Hanz told me that no'ng hindi pa kami close ni Cherry at wala pang deal. I was so interested about her kaya pasimple akong nagtanong kay Hanz about Cherry.

Nabanggit niya 'yong about sa dad niya. Hindi ko lang talaga sinasabi na alam ko na o nagtatanong kasi ayokong pangunahan siya. Alam ko namang may dahilan kung bakit hindi niya 'yon sinasabi sa 'kin e, at okay lang 'yon sa 'kin kasi naiintindihan ko naman siya. I'm just waiting for her to tell it to me willingly. Sabi ko nga, I don't wanna force her. Gusto kong mag-share siya ng mga ganitong bagay sa 'kin willingly. Kaya naghi-hintay lang ako na siya mismo ang mag-desisyon na mag-open-up sa 'ki ng tungkol sa Papa niya.

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon