Chapter 41: Best Friends Forever

406 8 0
                                    

Ryan's POV

Napatigil ako sa pagkain ko at napatingin sa nakaupo sa may harapan ko. Napansin kong nakatulala si Hanna at nakatingin ng malungkot sa ibang direksyon. Sinundan ko ng tingin 'yon para malaman kung ano ba ang tinitignan niya at hindi niya ginagalaw ang pagkain niya.

Ahh, sino pala, hindi ano.

Nakatingin siya kila El at Vance na kasama sa isang table ang kani-kanilang mga kapatid na masayang nagku-kulitan.

Napabuga ako ng hangin saka siya tinignan ulit. "Ang martyr mo rin, 'no?" Napatingin siya sa 'kin nang magsalita ako. "Alam mong masasaktan ka, pero nagpaubaya ka pa rin. Ni hindi ka pa nga umaamin kay Vance e."

Sumama bigla ang mukha niya. "E ano'ng gusto mo? Awayin ko si Ellie? 'Yong kaibigan natin? Bakit? Kapag ba inaway ko siya, magugustuhan na 'ko ni Vance? E halata namang may gusto na si Vance kay Ellie e. Wala na 'kong pag-asa kahit pa makipag-away ako. Saka, kaibigan ko si Ellie. Hindi ko naman ipagpapalit ang pagka-kaibigan namin para lang sa isang lalaki, 'no? I'm not that desperate."

"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. I didn't mean na dapat awayin mo si Ellie at agawin mo si Vance." Giit ko. "What I mean is, sana umamin ka muna kay Vance para naman hindi ka nagmu-mukmok diyan sa isang tabi."

Tumaas ang gilid ng labi niya. "Kapag ba ginawa ko 'yon, may mababago ba? Wala naman, 'di ba? I already know na hindi ako ang gusto niya, halata naman e. All those years, ni hindi niya 'ko napansin. Samantalang si Ellie na nito lang niya nakilala, nakukuha lagi ang atensyon niya. Kaya para saan pang umamin ako, 'di ba?"

Napabuga na naman ako ng hangin. "Oo nga, wala ngang mababago, pero at least nasabi mo sa kaniya ang nararamdaman mo. I-reject ka man niya, at least alam mo na na wala ka talagang pag-asa, pwede ka na mag-move on agad. Ang hirap mag-regret kapag hindi mo nagawang umamin sa taong gusto mo."

Napaisip siya saglit saka napabuntong-hininga. "Hayaan mo na nga 'yon, Unggoy! Okay na, talo na. Alam ko na kasi kita naman na si Ellie nga ang gusto niya. Umamin man ako sa kaniya o hindi, kita ko na naman ang magiging sagot niya e." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Sumingkit lalo ang mga mata niya at ngumisi. "E ikaw? Hindi ba dapat sa sarili mo 'yan sinasabi? Ikaw nga, hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng taong gusto mo na gusto mo siya e. Ang lakas mong sabihin sa 'kin na 'umamin ka na para hindi mo pagsisihan sa huli', e ikaw nga hindi pa rin magawa 'yon e. Saka, hindi mo pa nga sinasabi sa 'kin kung sino 'yong taong gusto mo e. Sino ba 'yon, ha? Promise, wala akong ibang pagsasabihan? Alam ba ni Ellie?"

Napaubo naman ako bigla dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako ready sa tanong niya. That really backfired to me. Siguro dapat hindi ko na lang sinabi 'yon.

"Hoy, Unggoy!" Sigaw niya sa 'kin. "Alam ko 'yang mga ganiyang mukha mo. Iiwasan mo na naman ang tanong e! Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa 'kin kung—"

"Kumain ka na lang, Tomboy."

Natigil ang pagsasalita niya nang pasakan ko siya ng saging na nakalagay sa tray ko kanina. Binalatan ko 'yon kanina habang dumadakdak siya riyan. Masama naman ang mukha niya habang walang choice na nginunguya 'yong saging na ipinasak ko sa bibig niya. Napatawa pa 'ko kasi ang cute ng mukha niya ngayon.

"Ayan, mas mukha ka nang unggoy kaysa sa 'kin." Tatawa-tawang komento ko.

Inabot naman niya 'ko para suntukin ako sa balikat ko. Tumawa lang ako at mas lalo pa siyang inasar. Mas lalo naman siyang nainis sa pang-aasar ko sa kaniya. Pikunin talaga 'to e.

I'm sorry, Hanna. Hindi ko kayang umamin. Natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Natatakot akong masira ang kung ano mang meron tayo.

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon