Chapter 28: Giving A Chance

466 6 0
                                    

Dani's POV

"Ano ba kayong dalawa? Kanina pa 'ko kwento nang kwento rito pero hindi naman kayo nagsa-salita." Reklamo ni Cav saka ipinaglipat-lipat ang tingin sa 'ming dalawa ni Vernon. "Tapos pasulyap-sulyap pa kayong dalawa sa isa't-isa at kapag nagkatinginan naman kayo, bigla kayong mag-iiwasan ng tingin. Ba't 'di na lang kaya kayo magtabi?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang na-gets naman niya na ayokong katabi si Ver kaya hindi na siya nagpumilit pa.

Siya kasi palagi ang nasa gitna naming dalawa e. Maglakad man kami o sumakay ng rides, si Cav palagi ang nasa gitna namin ni Vernon.

Naiilang kaya akong katabi si Vernon. Saka isa pa, nainis din ako sa inasta niya kanina sa van, kaya ayoko siyang kausapin.

Buti na nga lang at nandito 'tong si Cav. Kung wala siya, hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Baka hindi lang din ako mag-enjoy sa trip na 'to.

Inakbayan na naman ni Cav si Vernon saka nginisian ito. Feeling close talaga siya.

"Bro, kanina ka pa tahimik. Gusto mo ba ng ice cream?" Tanong niya rito.

"Oo, sobrang gusto niyan ng ice cream. Ang gusto niyan na flavor ay rocky road." Ako ang sumagot.

"Wow! Alam na alam mo ah." Nakangisi sa 'kin si Cav.

Nakatingin na silang dalawa sa 'kin. Si Cav, ang laki ng ngisi, habang si Vernon naman ay mukhang nagulat sa sinabi ko.

Oh shit! Nasabi ko ba 'yon nang malakas? Shit! You're so stupid, Danielaine Azucena!

Pabiro pa 'kong binangga ni Cav na malawak pa rin ang ngisi sa labi.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Che! Bibili na lang ako ng ice cream!"

Bibili na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Cav. "Ako na ang bibili. Dito na lang kayong dalawa ni Vernon mag-hintay, okay?" Kinindatan pa niya 'ko.

"Ha? Pero—"

Bigla na siyang nagtatakbo paalis kaya hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Pinag-t-trip-an niya kaming dalawa ni Vernon, obviously.

Salamat, Insan! Maraming salamat. Lagot ka sa 'kin pagbalik mo.

Wala naman kaming imik ni Ver. Wala rin naman akong gustong sabihin sa kaniya bukod sa gusto ko siyang sermunan dahil sa inasta niya kanina nang dahil lang nagse-selos siya kay Cav.

"Cherry." He suddenly called me with a husky voice.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ulit ang pagtawag ni Vernon sa 'kin no'n.

Marahan akong lumingon sa kaniya. "B-Bakit?"

Medyo naiilang akong tingnan siya sa mga mata niya. Ang seryoso kasi niya masyado ngayon e, hindi ako sanay.

"U-Uhm..." Yumuko siya. "N-Nevermind."

Nainis ako kasi alam ko namang may gusto siyang sabihin but he suddenly changed his mind and decided not to tell me about it. And now I'm left here dumbfounded.

Inabangan ko na lang si Cav at iniiwas na ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin lang ako sa direksyon kung saan tumakbo si Cav kanina.

Ang tagal naman niya. Masyado bang malayo ang bilihan ng ice cream dito? Ga'no ba 'yon kalayo? Sa Maynila pa yata 'yon bumili e!

Ang tahimik pa namin ni Vernon dito. Ni walang umiimik sa 'ming dalawa. I can't stand this awkward atmosphere anymore.

Where the hell is that blonde guy?!

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon