Kabanata 11
Boomerang
Nagmamadali akong bumaba kahit na hindi ko pa nasusuot ng maayos ang damit ko. Wala na akong pakialam sa mga kasambahay na makakakita sa aking katawan. Muntik ko ng makalimutan ang niluluto kong sinigang. Napasobra ata ang pagligo ko at eto ang nangyari.
Pagkatingin ko muntik na siyang mawalan ng sabaw.
"Damn it!" napatapik ako ng marahas sa sink. Patay!
"Are you okay?" dumating bigla sa likod ko si Red at inayos ang damit ko. "Wag na wag kang lalabas ulit sa kwarto natin kapag ganito ka."
Nawala lahat ng pagkainis ko sa simpleng mga salita ni Red na nagpayanig sa sestema ko. I know its nothing but I can't help it.
Nakabusiness attire na siya kahit mukhang kagigising lang niya. Saan siya naligo? Sa labas? Kasi pagkalabas ko kanina sa CR, wala na siya sa kama niya eh.
"Sorry. Nakalimutan ko kasi ang niluto ko. Anyways, kain na tayo." Masayang sabi ko sa kanya habang inayos ang pagkain.
"I can't. I have a meeting with the HGC today and I am almost late." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya. Ang saya na naramdaman biglang naglaho sa simpleng pananalita din niya.
This is really life.
"Okay." Matamlay ko nalang sabi habang tinatanaw siyang lumalabas ng bahay.
Napatalikod nalang ako at napabuntong hininga.
Sinadya ko pa namang gumising ng maaga para malutuan siya tapos ganito padin pala. Hello Red again. Ganito padin pala kami.
Parang lahat ng efforts mo, wala din nagawa upang serbisyuan ang taong sinadya mong alagaan kung iyong tao mismo hindi man marunong mag-appreciate.
Umiling nalang ako at bumuntong hininga ulit.
Sana pala sinunog ko nalang ang niluto ko.
Bumalik nalang ako sa kwarto ko at nagbihis. Doon nalang ako sa aming business ni Manuela. Umuna na siya kanina at maglilinis padaw siya. Final touch up na namin ngayon at bukas na ang grand opening. May inimbitahan nadin akong Magazine Writer at gusto kong i-feature and business naming ito.
"Lalalala." Maingay si Manuela nang makarating ako. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at ganyan siya kasigla. Hindi ko din alam kung ano ang kinanta niya. Hindi ko makuha ang tono o ang lyrics. Puro-lalalala.
"Hello Madam! Magandang umaga!" napairap ako dito. Anong maganda sa umaga?
"Hala! Hala! Why are you rolling your eyes to me Madam?" painosenteng tanong niya.
"Itanong mo sa bwesit mong boss." Sabi ko at sumalampak ng pag-upo sa swivel chair.
"What? Nag-away na naman kayo? Sabi ko naman kasi sa iyo eh. Lahat ng lalaki wala sa mood kapag in-heat. Laging mainit ang ulo nila. In-heat madam! Kailangan ka niya!"
Unbelievable!
Napatahimik nalang ako. Hindi in-heat iyon eh. Its always about priorities. At sa kasamaang palad, hindi ang effort ko ang priority niya sa ngayon! I hate him!
"Ano ba kasi ang nangyari?" lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko.
"Nagluto ako Manuela. Nag-effort ako. Tapos.. tapos..." naiiyak kong sabi. Ang effort eh! Ang sayang!
BINABASA MO ANG
Behind Walls (Ruptured Series #2)
General Fiction(WARNING: Mature Contents. Read at your own risk, please.) Mag-asawa sina Arcise at Red sa mundo ng pagkukulang at hindi pagkakaintindihan. Mahal ni Arcise si Red pero hindi kailanman naramdaman ni Arcise na mahal siya ni Red. Kaya dumistansya siy...