Kabanata 20
Nagising ako sa ingay ng labas ng kwarto namin. Napatingin ako sa orasan ng aking cellphone at nakitang pasado alas dos na ng madaling araw.
Wala si Red sa tabi ko. Hindi pa siya nakauwi?
Napatayo ako at nagmamadaling lumabas. Natigilan akong makita ang mukha ni John sa ibaba at may mga pulis sa kanyang tabi. Hinanap ko si Red pero hindi ko nakita ang mukha niya.
"John? What is happening?" sigaw ko nang makabawi ako sa pagkagulat. Napatingin silang lahat sa akin at nagmamadali akong bumaba at nilapitan si John.
Niyakap ako bigla ni John at nagsimulang kumalabog ang puso ko sa kaba. What the hell is happening? Bakit may mga pulis? Anong nangyayari?
"Sorry Arcise. Nawawala si Red." Agad akong kumalas kay John at tiningnan siya ng masama. Napatingin naman ako sa mga pulis na ngayon ay nakayuko na.
"Prank ba ito, John? Dahil hindi ako nasisiyahan! Nagbibiro ka lang hindi ba?" naiinis kong sabi. Alam ko namang malala na si John hindi ko lang inasahan na dadating pa siya sa puntong magdadala ng pulis.
"Arcise?" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko agad si Red na nagpupunas ng kamay. Tinakbuhan ko agad siya at tinalunan ng yakap. Pinulupot ko din ang binti ko sa beywang niya at niyakap siya ng mahigpit sa kanyang leeg. Damn John. Ang gago! Pinakaba ako doon a. "Are you okay?" tanong ni Red sa akin habang nagsimula siyang lumakad papalapit kay John.
Narinig ko naman ang halakhak ni John at napatingin ako sa kanya. Pinaningkitan ko siya ng mata at inirapan.
"Akala ko talaga maniniwala ka na sa sinabi ko." tawang-tawa si John habang umupo siya sa couch namin. Gusto ko sanang bumaba para masapak ang gago pero mas lalong humigpit ang pagkahawak ni Red sa akin.
Nakita kong napatingin halos lahat ng pulis sa amin at naitago ko na lang ang mukha ko sa kahihiyan. Nakalimutan kong may iba palang tao ito at kung anu-ano pa ang ginagawa ko kay Red.
Gumalaw si Red at umupo siya sa tabi ni John. Ngayon, nakaupo na ako sa kanyang hita. Dahil abot kamay ko na ngayon si John ay ginamit ko ang pagkakataong ito para masapak siya.
"Sadista!"
Inirapan ko na lang at niyakap ulit si Red.
"May bombang inilagay kanina sa labas ng gate. Mabuti na lang at nakarating agad ang bomb squad at nakuha nila bago ito sumabog. Tulog na tulog ka at hindi mo napansin ang ingay ng paligid. Are you still tired?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Red at tono ng pananalita niya na parang ayos lang ang nangyari sa kalmado ng kanyang boses.
"What?" napasigaw ako sa kanyang sinabi. Naramdaman kong pinalibot niya ang kanyang palad sa aking ulo at pinasubsob ako sa kanyang dibdib.
"It's okay now. You don't need to worry. Naayos na pero mas paparamihin ko pa ang babantay sa atin, sa iyo at sa bahay." Bulong niya sa akin. Gusto ko siyang tingnan pero pinapapasubsob pa din niya ako sa kanyang dibdib.
"Ano ba kasi ang nangyari?" para akong nawalan ng kulay sa takot na gumapang sa aking sestema sa nalaman. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata.
"Walang may alam. Nagiimbestiga pa ang mga kinuha ko."
Gusto kong matakot pero sa kalmado ng boses ni Red ay parang nawawala ang takot ko. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang maging kalmado o ganito lang talaga siya humawak ng takot. Dahil kung ako si Red, nagtago na ako sa takot at umalis na ako sa bahay.
For god sake bomba ang pinaguusapan dito. Kung sumabog iyon. Ewan ko nalang.
"If you want to sleep, matulog ka na lang muna." Bulong pa niya sa akin at narinig ko na naman ang halakhak ni John sa gilid.
BINABASA MO ANG
Behind Walls (Ruptured Series #2)
General Fiction(WARNING: Mature Contents. Read at your own risk, please.) Mag-asawa sina Arcise at Red sa mundo ng pagkukulang at hindi pagkakaintindihan. Mahal ni Arcise si Red pero hindi kailanman naramdaman ni Arcise na mahal siya ni Red. Kaya dumistansya siy...