Behind Walls 31

14.8K 317 13
                                    

Kabanata 31

Hope

Napapunas ako sa aking luha. Umiiyak din si Nana.

"Jullian, alagaan niyo si Arcise ha." Aniya kay Jullian.

Nilingon ko ang silid kung saan ako natutulog at kung saan ako palihim na umiiyak sa bahay nina Nana at Mang Ruperno.

"I will, Nay. Mag-ingat din po kayo dito, okay?"

Niyakap ko si Nana sa huling pagkakataon. Hidi ko na nagawang magsalita kaya niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Sana maramdaman niyang nagpapasalamat ako ng lubus-lubos.

Wala akong dalang bag nung pumunta ako dito, kaya uuwi din akong walang dala.

Libo-libong pangyayari ang pumasok sa aking isipan. sa libo-libong ito, isa lang ang nangingibabaw. Ang mukha ni Red at at mukha ni Nadia.

Paano kaya kapag bumalik ako ay siya naman ang makikipaghiwalay sa akin? paano kaya kung papipiliin ko siya ay si Nadia ang pipiliin niya?

Paano kaya kung siya naman ang aalis sa akin nang walang paalam? Paano kaya kung gawin ni Red sa akin ang ginawa ko sa kanya?

This overthinking will only give me false ideas.

Galit ako oo, at hindi ko alam ang gagawin.

I hate myself for being this weak. I also hate Red at kaya niya akong saktan ng ganito.

Hindi ba pwedeng sa isang relasyon ay puro nalang happy at nagmamahalan? Kailangan ba talagang ganito?

Darn this!

Tahimik kaming lahat ng pababa ng Quezon at pabalik na sa CDO. Nakasunod sa amin ang isang van at narinig ko kay Jullian kanina na mga body guards daw niya iyon. Swerte niya. May asawa siyang maaalalahanin at hindi siya sinasaktan. Well, that's what I thought.

"Tahimik ka." Bulong niya sa akin.

Tinanguan ko lang siya. "Miss ka na ni Red." Dagdag niya uli'ng sabi.

"I think you are lying." Diretso kong sabi sa kanya. Kung miss na niya ako, siya sana ang nakahanap sa akin. Siya sana ang nagkandarapang hanapin ako.

"Well if only he can talk, he would probably tell you that."

At bakit? Nawalan na ba siya ng boses? Naubos naba ni Nadia ang boses niya?

"Stop feeding me lies, Jullian."

"I wish I am lying, Arcise. But I am not. I'm sorry."

Napatikom ako sa aking bibig.

"All I can hear every time we visit him in your house was 'Arcise. Hanapin niyo siya. Arcise.' " napalingon ako sa labas ng van. I'm not going to cry.

"Pauwi na siya nung gabing iyon at may dala siyang bulaklak. I know that flower was for you. Nagpatulong pa nga siya sa amin na suyuin ka dahil hindi siya nakauwi sa araw na iyon. Kaya sinamahan namin siya and we were surprised."

Agad kong pinunasan ang takas kong luha. That-I didn't know.

God. Gusto kong takpan ang bibig ni Jullian pero hindi ako makagalaw. Naikuyom ko na lang aking mga palad.

"Hon, wag mo munang ikwento sa kanya at baka iiyak na naman iyan." Singit ni Mike.

"Really? I'm sorry. Gusto ko kasi talagang magsalita e." sagot naman niya.

Well, I don't Jullian. I want silence and I want peace.

Labis-labis ang panginginig ng aking tuhod ng makita ko na ang Gaisano Puerto. Ibig sabihin, nakabalik na akong Cagayan de Oro.

Hinawakan ni Jullian ang kamay ko at napalingon ako dito.

I don't know what to do now that I am here. Yes, makikita ko ulit si Red, yes, mahal ko pa din pero hindi alam kung anong gagawin kapag andiyan na siya sa aking harapan.

"You'll be fine." Aniya sa akin. Mas lalo lang akong kinabahan sa sinabi niya. It's not something happy, it was more like a hope.

Napatitig ako sa mukha niya ni Jullian. Kanina ko pa ito napapansin, she is not happy.

"Anong oras na?" patay ni Mike sa katahimikang bumalot sa amin. Alam kong pagod na siya. Pagod na sila.

"It's near 5 pm baby," sagot ni Jullian dito.

"Gising kaya siya?" tanong ko sa kanila. Pareho kaming nasa back seat ni Jullian at Meil. Nasa front seat naman si John at si Mike ang nagmaneho.

Sabay nila akong nilingon. Kita sa mukha nila ang gulo at pagod.

"We need to hope for that." Sagot ni Meil sa aking tabi.

Napalingon ako sa labas ng kotse. Nakita ko ang Van sa mga security guards ni Jullian.

"What do you mean?" naiinis kong sagot.

Ibinalik ko ang tingin sa kanila. Balik ulit kami sa katahimikan. God! This is killing me!

"Let's just hope." Ulit ni Meil.

Papasok na kami sa ospital na sinasabi nila.

Ginabayan ako ni Jullian sa pagbaba. Kumunot ang noo ko nang makitang sa ICU ward kami papunta.

"Why are we here?" kinakabahang tanong ko.

"Red's here." Walang emosyong sabi ni John.

Napaawang ang bibig ko. "What?"

"Good afternoon. Nandito na ba ang asawa ni Mr. Del Grande?" singit bigla ng doktor sa aming harapan. Binitiwan ni Jullian ang kamay ko at bahagya akong itinulak papalapit sa doktor.

"I assume that you are Mrs. Del Grande." Mahinahong sabi niya sa akin.

"Arcise, sa labas ng ospital lang kami." napalingon ako sa sinabi ni Jullian. Gusto ko sanang pigilan pero madali silang nakasakay ng elevator.

"Mrs. Del Grande?" naibalik ko ang tingin sa doktor.

"I am Doctor Dejos. I am the doctor of your husband." Aniya sa akin.

"He has been waiting for you and I'd like you to wear this hospital gown and this mask before we go in."

"Bakit?" kung kanina, padahan-dahan ang kalabog ng aking puso, ngayon ramdam ko na ang walang sawang pagkabog nito sa aking dibdib.

"I'll tell you inside."

Iwinaksi ko ang ibinigay niyang hospital gown at marahas akong pumasok sa room ni Red.

Napalunok ako.

Una kong nakita ang oxygen tank sa gilid at si Red na may dextrose na nakahiga at walang malay.

Nanigas ako sa aking tinayuan.

This. Can't. be. Happening.



Behind Walls (Ruptured Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon