CHAPTER 3 (The Payment)

46 2 0
                                    

Forest P.O.V

Halos magtatatlong linggo na ko dito sa bahay ni Klein pero yung twin evil sister ko wala pa ring paramdam. Sa tatlong linggong paninirahan ko dito, ginawa ko lahat ng makakaya ko para makaiwas kay Klein dahil baka maulit na naman yung nangyari samin sa cr noong charity ball. Marami pa ring gumugulo sa isipan ko at buti na lang palaging wala dito sa bahay si Klein.

Yung mga katulong dito, unti-unting nagsisialisan. Actually, si Aling Clarita na medyo maedad na lang ang palagi kong nakikita rito at ang kanyang asawa na si Manong Lito. Anlaki nitong bahay ni Klein pero ang konti lang ng taong nakatira. This house has a modern medieval style and all of the things inside this house are pure art and expensive.

Sa tingin ko magmumukhang haunted house tong bahay na to kapag wala ng nakatira at baka magmukhang bahay ng multo. Ang ipinagtataka ko bakit wala silang kapitbahay. Puro puno at halaman lang ang nakikita kong nakapaligid sa bahay, then kapag labas mo ng gate ay tatambad sayo ang napakalawak na palayan. Pagkatapos mong madaanan yung malawak na palayan, may malaking gate doon sa pinakaharap ng bahay at may mga sampung gwardyang nagbabantay sa main gate.

Ilang araw na din akong hindi nakakalabas ng bahay. Ngayon ay nasa terrace ako ng bahay at nanunuod lang ng tv. Nakasuot lang ako ng huge t-shirt na hanggang hita ko ang haba at nakashort. Inilugay ko na lang ang mahaba kong buhok habang nakahiga sa sofa. Gusto ko sanang magbabad sa social media kaso wala namang wifi dito.

Nagulat ako ng biglang mag ring yung phone ko and finally tinawagan rin ako ni Winter.

"Hello, kelan mo ko babayaran?"

Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa at didiretsuhin ko na siya.

"Sis, calm down. I will definitely pay you and I will double the price as long as you'll stay there for a while."

Tama ba yung narining ko? She will double the price?!

"Paano mo ko mababayaran kung hindi naman ako makalabas ng bahay? Ilang linggo na ko ditong nakakulong at hindi na ko makabisita sa Purple Coffee Shop!"

Napufrustrate na ko at hindi ko alam kung paano makakalabas sa bahay na to! Tapos wala naman akong makausap dito!

"May inutusan akong susundo sayo jan at wag ka ng magpaalam sa kahit kanino jan. Gets?"

"Ok!"

Agad niyang pinatay yung tawag at nagmadali na kong kumilos. Hindi ko na binago yung suot kong damit. Nagsuklay lang ako, nagpulbo, at naglagay ng kaunting liptint sa labi ko. Nagtsinelas na lang din ako.

Lumabas na ko ng bahay at nagsimulang maglakad. Nadaanan ko pa sila Manang Clarita at Manong Lito sa garden kaso mukhang wala naman silang nakita. Nagdire-diretso lang ako sa paglakad hanggat sa makarating ako sa main gate ng bahay. It took me five minutes before I reached the main gate of this house.

May nagbukas ng main gate para sakin at may nakaabang na kotseng nakabukas na ang pinto at parang ako na lang ang hinihintay. Nakatingin lang sakin yung mga men in black at hindi naman sila nagtanong kung saan ako pupunta. Maya-maya biglang nag ring yung phone ko. Pagkatingin ko sa screen, may unknown number ang tumatawag sakin.

"Hello? Sino to?"

I calmly said.

"Mi amore, where are you going?"

I was shocked when I heard the familiar deep and sexy voice of Klein. I could never forget that!

"Uy, Klein ikaw pala yan. May pupuntahan lang ako."

I calmly said.

"Sinong kasama mo?"

He said. Bakit ko naman sasabihin sa kanya na makikipagkita ako kay Winter. Siyempre secret!

The Forbidden PleasureWhere stories live. Discover now