CHAPTER 4 (Soleil?)

35 3 0
                                    

Forest P.O.V

It's already 12 midnight pero hindi pa din ako makatulog. Ilang araw ng nakalipas simula nung tawagan ako ni Winter. To this day, naguguluhan pa din ako sa mga sinabi niya sakin. Hindi ko maintindahan kung bakit siya nagsosorry. Hindi din maprocess ng utak ko kung bakit niya nasabi na ako yung payment. Payment for what?! At lalong di ko magets kung bakit pati parents namin nadamay? Ano ba kasing kagagahan ang ginawa niya?! Buong pamilya pala ay damay sa kagagahan niya!

Kumakalam na yung sikmura ko. Hindi ako gaanong nakakain ng maayos dahil hindi ko kilala yung mga pagkain na hinain sakin kanina. Napaka sosyal at mukhang pangyaman talaga yung mga pagkain kanina kaso hindi siya masarap sa panlasa ko. Mas gugustuhin ko pa ding kumakain ng kwek-kwek, isaw, at turon kesa sa royal caviar at Italian spaghetti.

Napagdesisyonan kong pumunta sa kusina para maghanap ng makakakain. Bali nasa second floor yung kwarto ko at magkatabi lang yung kwarto namin ni Klein. Actually, pinilit ko lang naman siya na mag iba ako ng kwarto dahil hindi ako sanay ng may katabi. Lalo na kung siya ang makakatabi ko, baka hindi ko na naman makontrol yung sarili ko.

Dahan dahan na kong naglakad papuntang kusina at nagdire-diretso lang ako sa paglalakad. Nadaanan ko pala yung kwarto ni Klein at ang tahimik naman. So dumiretso kaagad ako sa ref. Pagbukas ko ng ref, bumungad kaagad sakin yung ice cream na flavor strawberry kaya kinuha ko na kaagad. May nakita rin akong cake na flavor parang flavor vanilla kaya kinuha ko na din.

I think this is the best midnight of my life! Ansarap ng ice cream at cake. Nalalasahan ko talaga yung strawberry at vanilla. Hindi ko na pala binuksan yung ilaw. Flashlight lang ng cellphone ko ang tanging ilaw ko ngayon. Lalabanan ko na lang yung takot ko sa dilim dahil nagugutom ako. At this moment, mas lamang ang gutom ko kesa sa takot ko.

Pagkatapos kong kumain, umakyat na kaagad ako sa hagdanan. Habang naglalakad ako paakyat may naririnig akong parang umuungol! Si Klein ba yun? Kaya dali-dali kong itinapat yung tenga ko sa pintuan niya at napagtanto kong siya nga yung umuungol. Dang!

Pinihit ko yung doorknob at nagulat ako ng bigla kong nabuksan yung pinto. Hindi ba siya naglalocked ng pintuan niya? Paano na lang kung masamang taong pumasok sa kwarto niya? Hayst..

Nakaopen pa din yung flashlight ng cellphone ko at dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni Klein. Nakapikit yung mata niya at shirtless siya! Myghad, r.i.p sa inosent kong mata! Ang ganda ng hulma ng katawan niya. Parang ganito yung mga nakikita kong model ng brief at boxer sa magazine at brochure pero mas higit na gwapo at sexy siya kesa sa mga yun. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaperfect na nilalang. Is he Greek god?

"Soleil.."

Sino si Solei? Kanina niya pa iniuungol yung pangalan na yun. Nakakacurious naman pero bakit Soleil at hindi Forest? Charot. I think he's having a nightmare. Kaya tinapik tapik ko yung magkabilang pisngi niya at medyo niyugyog nang konti yung broad shoulders niya para magising siya.

Nagulat ako nang bigla siyang bumangon at bigla niya kong yinakap na para bang anytime pwede akong mawala.

"Mi Soleil!"

He said in a husky, deep, and soft voice. Kikiligin na sana ako kaso Soleil naman yung sinabing pangalan.

"I'm not your Soleil, I am Forest."

I said directly to him in a soft voice. He just ignored what I had said and he continue on hugging me. He rest his face on my neck and I can feel his warmth breath on my skin. His presence are sending ticklish feeling on my body.

Tatanggalin ko na sana yung kamay niya sa bewang ko pero bigla niya naman akong hinila pahiga sa kanya. Kaya ngayon ang pwesto namin bali ako yung nasa ibabaw niya at yung kamay ko ay nasa dibdib niya. Naririnig ko na din yung mabilis na heart beat niya. Tumingala ako sa kanya at nakita ko siyang nakapikit kaya napagdesisyunan kong bumangon kaso sa tuwing gagalaw ako, lalo niya lang inilalapit sa kanya at mas niyayakap niya pa ko lalo. I think hindi na yata ako makakapunta sa kwarto ko.

The Forbidden PleasureWhere stories live. Discover now