CHAPTER 1 (Instant Mommy?)

163 3 1
                                    

Keitha's P.O.V.

"I love you! So that's why I can't let you go!"

Rinig kong sigaw nung babae dun sa lalaking kausap niya ngayon. Hindi ko maaninag yung faces nila dahil medyo malayo layo ako ng konti sa kanila. Tama ba tong address na ibinigay sakin ni Winter?

So ayun nandito ako sa gitna nang kalsada kung saan puro mga palayan lang ang nakikita ko. Wala na kong makitang ibang bahay maliban lang sa bahay nasa harapan ko ngayon.

Kanina nung sumakay ako sa tricycle, sabi sakin ni manong hindi daw sila pwedeng pumasok sa lugar na to. Kaya ayun, ibinaba niya lang ako sa may napakalaking color black na gate na may nakabantay na dalawang security guard.

Medyo creepy tong lugar na to. Buti na lang pinayagan akong makapasok dito nung dalawang security guard. Ano bang meron sa lugar na toh?

Nakatingin pa rin ako sa dalawang nag uusap. Umiyak na si ate girl kaya ayun yinakap na siya nung lalaking kausap niya. Mukhang kanina pa yata sila nagtatalo. Halos hindi na yata nila ramdam na may nakatingin sa kanila.

Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ko sa bahay ni Winter. Eh kasi naman parang may mag asawang nagtatalo ngayon sa may front door nung bahay. Na wrong address yata ako.

Kaya naisipan ko munang tawagan si Winter para iconfirm sa kanya yung address na ibinigay niya sakin kahapon.

Antagal naman sumagot! Ring lang ng ring pero ayaw naman sagutin. Dang! This bitch is really testing my patience.

"Hello Sis, nandyan ka na ba sa address na ibinigay ko sayo?"

Finally, sinagot niya din. Bat parang ang ingay naman ng background niya?

"Yeah, I'm already here. Tama ba yung address na ibinigay mo sakin?"

I said frustratingly. Eh kasi naman kanina pa ko dito pero di pa rin ako nakakapasok sa loob nung bahay.

"Ofcourse! You should trust your twin!"

She said amazingly.

"Talaga bang wala kayong kapitbahay ng asawa mo? Kasi puro malalawak na palayan lang ang nakikita ko ngayon eh."

Naligaw na yata ako.

"Yep. I'm busy right now. Ciao!"

She said hurriedly then pinatay niya kaagad yung tawag. Oh my!

Aalis na sana ako nang may dumaan na color red car sa gilid ko. Tinted yung salamin nung sasakyan kaya di ko makita yung nasa loob.

Napastop ako sa paglalakad nang may biglang humawak sa  kamay ko. Kaya napalingon ako sa likudan ko.

Oh my!!!

I am so shocked right now to the point like cat got my tongue! Someone who is so unreal holding my hand! I can feel the warm of his hands touching mine.

He is the definition of tall and so fucking gorgeous as hell! He have a sexy messy hair, dark eyebrows, and a pointed noise. He also have an angelic and expressive eyes with thick and long lashes. His lips is like a soft peach. He is like a Greek god from the Greek mythology that I had read in the books. He is now wearing a white t-shirt and a black ripped jeans. He is also wearing a white sneakers.

Who is this gorgeous man? Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong nilalang. Teka, totoo ba siya or baka nananaginip lang ako?

"Babe, I miss you."

Oh my! His voice is so deep and soothing. Mas lalo akong hindi nakapagsalita when he passionately kissed me on my lips. Dang! That was my fucking first kiss!

Napaatras ako nang bahagya dahil sa ginawa niya at binawi ko na rin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ito na ba yung asawa kuno ni Winter? Eh sino yung babaeng kausap niya kanina na kung maasta akala mo naman asawa.

"Babe what's wrong? Almost 1 month kang hindi umuwi sa bahay. Hindi mo man lang ba ko namiss?"

He calmly said. Pero di maitatago ng expression ng face niya na nagulat siya sa ginawa ko. Nagsisimula pa lang akong umacting bilang Winter pero nahihirapan na agad ako. Di bale babawi na lang ako next time.

"Ahm, I miss you too. Napagod lang siguro ako kasi galing pa ko ng Ilocos Sur."

Pagpapalusot ko. Tiningnan niya lang akong maigi tapos hinawakan niya ulit yung kamay ko pero this time hindi ko na binawi yung kamay ko sa kanya. Naglakad kami habang magkaholding hands. This is my first time na maglakad habang may kaholding hands!

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay, nagulat ako nang may dalawang maliit na bata ang yumakap sakin. They have a cute curly hair and a skin like a creamy mocha. They are so cute! Sino kayang nanay nila?

"Mommy!!!"

Para kaming isang masayang pamilya ngayon. Teka san ako matutulog? Palubog na yung araw kanina nung dumating ako. Medyo madilim na rin yung paligid sa labas ng bahay.

"Mommy, can you sleep in our room tonight?"

Buti na lang may mga bata kami ng kasama sa bahay. Kasi kung wala baka maging sobrang awkward at baka wala akong magamit na excuse just in case.

"Yep, doon na ko sa kwarto niyo palaging matutulog."

I said cheerfully to them.

"Yehey!!!"

Hindi siguro sila tinatabihan ng nanay nila sa pagtulog kaya ang saya nila ngayon. Sino kayang nanay nila?

So ayun, may sampung katulong akong nakikita ngayon na nakapalibot samin. Bali nakauniform sila ng black and white. Masama yung tingin sakin nung medyo maedad nang kasambahay dito. Why? Did I committed a sin? Tapos yung mga nasa mid-20s yung edad is iniirapan ako? Abay gago pala ang mga tao dito.

Konti lang yung dinala kong damit kasi di rin naman ako magtatagal dito. Inaya ko na rin yung dalawang bata na pumasok sa kwarto nila para di na ko matunaw dito sa gitna.

"Mommy, we are so thankful po kasi pumayag ka po na tabihan kaming matulog ni Jaden."

Ang cutiepie naman ng mga batang toh! Ang cute din nang room nila dito sa second floor. Color yellow yung room then may mga superheroes na nakadikit sa wall like si Spiderman, Superman, Hulk, Batman, Thor, Captain America, Antman, Ironman and marami pang iba.

Bali may dalawang glass window and isang king size bed na may maraming unan at isang malaking comforter. Bat parang binagyo dito sa loob?

"Dapat yung mga toys niyo nilalagay niyo sa tamang lagayan and wag niyong ikakalat."

I said calmly to them, but they just laugh at me. Kaya ako nalang ang nag ayos ng buong kwarto.

"Mommy I want a pancake."

"Mommy I also want a pancake with a lot of chocolate syrup."

Ganito ba talaga maging nanay? Hindi ko pa nga tapos ayusin yung mga kinalat nila dito sa kwarto, tapos paglulutuin na nila ako kaagad? Ni hindi pa nga ako nakapagpalit ng damit pambahay. Jusme! What should I do?

NBSB ako na naging instant mommy agad.

The Forbidden PleasureWhere stories live. Discover now