Kinabukasan ay maganda ang gising ko. Pagkapasok ko naman sa classroom namin ay may nakalagay na tatlong note sa armchair ko. Galing iyon sa tatlong tao: kina Maya, Tracey, at Daniel. Agad ko namang binasa ang mga iyon isa-isa.
Nakasulat sa note ni Maya na humihingi siya ng patawad sa lahat ng nagawa niyang kasalanan sa akin at gusto na niyang maibalik ang dating pagkakaibigan namin. Nagso-sorry rin si Tracey sa note niya at nangangakong hindi na niya ako ibu-bully kahit na kailan at gusto rin niya akong maging kaibigan.
Huli kong binasa ang note ni Daniel. Limang salita lang ang nakasulat doon.
'Recess Time. Table Number Fourteen.'
Bahagya akong naguluhan. Hindi pa ba tapos yung surprise nila sa akin?
Simula nang oras na iyon ay hindi na ako mapakali. Tiningnan ko naman si Daniel na nasa gilid ko, nakatingin sa kawalan. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako pinansin.
Hinayaan ko na lang rin muna siya. Mukha rin kasing napakarami niyang iniisip sa mga oras na 'yon.
Tumunog na ang bell, at ang ibig sabihin niyan ay recess na. Nagmamadaling lumabas si Daniel sa classroom dahilan para mas magtaka na ako sa kung ano mang mangyayari mamaya. Inayos ko na muna ang mga gamit ko sa bag ko tsaka pumunta ng cafeteria.
Wala pa si Daniel nang makarating ako doon. Umupo na rin muna ako sa may table #14 at hinintay si Daniel. Maya't-maya lang ay may biglang kumalabit sa balikat ko.
"Hi, Ellie," bati niya sa akin habang nakangiti. Halata sa kanya na kinakabahan siya.
"Oh, ano bang gagawin natin dito?" pagtatanong ko naman sa kanya. Bahagya ko namang napansin ang mga taong nandodoon na nakatingin sa aming dalawa at para bang kilig na kilig.
Gulung-gulo na talaga ako.
Hindi ko napansin na may dala pala siyang gitara. Ilang segundo ang nakalipas ay nagsimula siyang patugtugin iyon at kumanta.
𝅘𝅥𝅮But if you give me just one night
You're gonna see me in a new light
Yeah, if you give me just one night
To meet you underneath the moonlight
Oh, I want a take two, I want to breakthrough
I wanna know the real thing about you
So I can see you in a new light𝅘𝅥𝅮
Bigla akong nalusaw sa sobrang lamig ng boses niya. Alam ko na nalaman na niyang crush niya ako at sinabi niya rin sa akin na hindi siya magiging paasa, pero a-ano ba 'tong ginagawa niya?
Napansin ko na dumadami na ang mga taong nanonood at pumapaligid sa aming dalawa. Ang ilan sa kanila ay kinikilig na at ang iba naman sa kanila ay kinukuhaan kami ng video.
Pagkatapos niyang kumanta ay lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Alam ko na naguguluhan ka na sa nangyayari ngayon kaya sasabihin ko na sayo... Sa totoo lang, gusto rin kita. Hindi ko lang sinabi sayo kasi naduduwag ako na baka hindi mo ako gusto. Pero naglakas na ako nang loob ngayon nang malaman kong crush mo rin pala ako."
Napanganga na lang ako sa mga sinabi niya. Gusto niya rin pala ako?!
"Well, hindi kita minamadali ah. Liligawan kita nang tama, Ellie. At mamahalin din nang tama kung makukuha ko ang matamis mong oo."
Simula nung araw na iyon ay nag-iba na ang lahat. Nagkaayos na talaga kami ni Maya at bumalik na ang pagkakaibigan naming dalawa. Isama mo pa si Tracey na nasama na sa grupo namin nina Daniel at Maya. At kami naman ni Daniel? Well, boyfriend ko na siya ngayon matapos ang halos 7 buwan niyang panliligaw sa akin.
Sa totoo lang, wala na akong hinihiling pang iba dahil nakuha ko naman na lahat ng mga bagay na nararapat ko talagang makuha.
BINABASA MO ANG
in my sweet imagination | some short stories ✓
Short Story★ COMPLETE • UNEDITED ★ "sleep, have a dream, and die." in my sweet imagination | some short stories • collection of short stories • filipino/english/taglish date republished: august 14, 2023 date finish: january 31, 2024