Hindi ko raw alam kung bakit ba pinagpipilitan ng lalaking iyon na mapalapit sa akin, kahit na ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hindi raw kami pwede para sa isa't isa. Ni ayaw ko nga ring daw makipagkaibigan pero patuloy pa rin niya akong nilalapitan at kinakausap.
Kung alam lang daw niya kung sino talaga ako, baka matagal na siyang lumayo sa akin. Hindi ko nga lang rin daw masabi sa lalaking 'yon ang totoong pagkatao ko dahil mapapatay ko raw siya. Sa katunayan nga, hindi ko masabi sa kahit na kanino ang tungkol sa katauhan ko dahil kung masasabi ko man 'yon sa kung sino man ay dadanak raw ang kanyang dugo sa buong katawan ko.
Kahit na hindi ko raw gusto ang lalaking 'yan na Rendall ang pangalan, ayoko rin naman siyang mapahamak nang dahil sa akin. Katulad ni Ellieana ay inosente raw siya't wala rin siyang ginagawang masama sa ibang tao. Hindi siya nararapat na maparusahan ng kasamaang dumadaloy sa buong sistema ko.
BINABASA MO ANG
in my sweet imagination | some short stories ✓
Cerita Pendek★ COMPLETE • UNEDITED ★ "sleep, have a dream, and die." in my sweet imagination | some short stories • collection of short stories • filipino/english/taglish date republished: august 14, 2023 date finish: january 31, 2024