Nasa gilid raw ako ng isang dalampasigan. Payapang nakaupo habang pinapanood ang paglubog ng araw.Masarap ang simoy ng hangin doon. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga ibong humuhuni at ang tubig sa dagat na umaalon.
Ilang minuto ang makalipas, may isang lalaki ang nakaitim na balabal ang lumapit sa likuran ko. Kahit hindi ako lumingon ay para bang alam ko na kung sino iyon.
"Tapos na ang huling pitong minuto mo rito, kukunin na kita."
Napangiti ako na may kasamang luha na dumalaloy pababa sa kaliwang pisngi ko. Humarap raw ako sa kanya at sinabing:
"Dalhin mo na ako kung saan mo man ako dadalhin, Kamatayan. Kahit papaano'y naging maganda naman ang huling pitong minuto ko rito."
BINABASA MO ANG
in my sweet imagination | some short stories ✓
Short Story★ COMPLETE • UNEDITED ★ "sleep, have a dream, and die." in my sweet imagination | some short stories • collection of short stories • filipino/english/taglish date republished: august 14, 2023 date finish: january 31, 2024