"Umasa naman akong magtatagal kame." Mangiyak-iyak kong sinabi sa lalaking naka red polo shirt na may logo ng McDo, black slacks, at ang kanyang mata na mukhang naaawa sa aking kalagayan. Inabutan ako ng tissue ni Jackson atsaka niya ako tinapikan sa likod. Pinunas ko lahat ng sipon at luhang nagtipon sa mukha ko atsaka dumampot ng fries at sinubo ito sa bibig ko.
"Grabe ang tanga tanga ko diba?" Pasigaw kong tanong. Ikinuwento ko sakanya yung buong takbo ng relasyon namin ni Gab. Mula sa unang pagkikita namin hanggang sa araw na ikinakatakot ko. Heto na nga ang araw na yon.
"Alam mo ba Jackson, pareparehas yung mga lalake na yan.." Kahit lalaki si Jackson eh hindi nalang siya umimik. Siguro naiintindihan niya ako. Siguro minsan na din siyang niloko ng mga kasintahan niya. Dalawa lang naman ang klase ng tao sa mundo eh. Isang manloloko at isang nagpapaloko. Sad to say, kabilang ako dun sa mga nagpaloko.
Hay Nako Jackie, strike 5 ka na. Kelan ka ba masasanay?
"Eto oh." Ngumiti siya at binigyan ako ng isang chocolate sundae. Umupo naman siya sa harap ko at ipinatong ang dalawa niyang kamay sa kanyang pisngi na parang bata.
"Alam mo salamat ah. Napakabait mo naman para makinig sa mga mapapait kong salita. Pwede bang pa-take out na din ng cola? Baka mabulunan kasi ako."
Tumayo siya at bumalik sa counter para kumuha ng paper cup at pinuno ito ng yelo at inumin. Kumuha siya ng straw at isang kabaragbag na tissue. Bumalik siya sa table habang isa isa kong dinadampot ang mga gamit sa bag ko.
Asan na ba yung wallet ko?
"Libre ko na yan" Nagulat ako sa sinabi niya. Ramdam kong uminit ang aking pisngi at bumuka ang aking labi. Wala ng tao sa paligid at yumaon siya sa isang sulok para kunin ang walis. Nagmadali na siyang maglinis. Sumunod lang naman ako sakanya.
"Hala okay lang?" Syempre first time pa lang namin magkakilala. Sa panahon na heartbroken pa talaga ako. Ano ka ba Jackie, saan napunta ang manners mo?
"Bakit naman hindi?" Nginitian niya ako na para bang sinisiguro niyang okay lang talaga.
"Uh..nakakahiya kaya! Pinakinggan mo lahat ng problema ko tapos linibre mo pa ako ng mga paborito kong pagkain." Naglakad naman siya papunta sa basurahan at itinapon ang mga kalat na natipon niya. Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag ko at nagsulat ng mga numero
"Number ko. Ako naman ang tawagin mo pag may problema ka" Inabot ko sa kanya ang papel at ngumiti siya habang tinitigan niya ito. Itinago niya ang papel sa kanyang bulsa at kinamayan niya ako.
"So friends na tayo?" Tinapik ko ang kamay niya at ngumiti pabalik. Naghintay kaming matapos ang ulan bago kami nakalabas sa restaurant. Nakapasok na ang mga ibang magmmorning shift at medyo marami na ang mga taong nag aalmusal sa McDo.
"Anong oras na nga pala?" Tanong niya. Hinablot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko pero lowbatt na ito. Narinig ko siyang tumawa. Naglalakad na kami sa labas. Hindi ko alam kung parehas ba kami ng pupuntahan o sinusundan niya lang ako. Pero komportable lang kaming nagkkwentuhan na tila matagal na namin kilala ang isa't isa. "Hindi ka ba hinahanap ng magulang mo niyan?"
Ako naman ang napatawa "Ano tingin mo sa akin high school? May trabaho na kaya ako Jackson. Isa akong intern na DJ. Yung magulang ko sa probinsya kaya tuwing weekends lang ako umuuwi. Wala akong kasama sa bahay. Aso ko lang. Ikaw ba? Anong ginagawa mo sa buhay mo? Mukhang bata ka pa ha?"
"Isa isang tanong lang pls? At nagkakamali ka diyan." Ngumisi siya at tumigil sa paglalakad. Nasa tapat kami ng gate ng isang private village. Lumapit siya sa isang guard at sinundan ko siya papasok sa village.
Puro bahay mayaman ang nasa paligid.
Hinarapan niya ako at pabaligtad na naglalakad. "Ako si Jackson. Kakamigrate lang ng pamilya ko dito galing Japan. Nagkaamnesia ako last year kaya bumalik kami dito sa Pilipinas ng step mom ko. Ayokong magyabang pero isang restaurant chain owner ang Daddy ko. Isa lang sa mga restaurants niya yung McDo na nakabase nga kung saan ako nagttrabaho. Hindi ko pinili maging waiter pero kailangan nga munang magsimula sa mababang position para kung mapantayan ko man si Daddy, atleast sanay na ako."
Namangha ako sa istorya ni Jackson. Tipong pwede ng pang MMK sa sobrang tragic. Hindi ko maimagine ang sarili kong makalimot ang bawat bagay na nangyari sa akin. Kahit gaano pa kasakit, ayokong kalimutan ang past ko. Dito ako natututo eh. At kahit ilang beses pa ako magkamali, kahit ilang beses pa akong sampalin ni tadhana na walang perfect prince charming sa mundo, hindi mawawala sa akin ang pag-asa.
May nakita akong bike. Papalapit siya direction namin. Isang lalaking nakajacket sa mainit na panahon ang nagmamaneho nito. Mabilis ang takbo niya. Hindi ito namalayan ni Jackson kaya hinugot ko ang kanyang braso palayo.
"Dahan-dahan" Pinangunahan ko siya.
Nakaupo kami ngayon sa isang park. Minamasdan ang munting pag agos ng ilog at ang mga taong nag-eexercise sa paligid. Presko ang hangin dahil kakatapos lang umulan. Linabas ni Jason ang bag niya at kumuha ng sandwich sa loob. Hinati niya ito sa dalawa at binigay sa akin ang kalahati.
"Alam mo bang ikaw ang first friend ko dito, Jackie?"
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
5 Commandments of a Summer Love (SHORT STORY)
Historia Corta"In every girl's life; there's a boy she will never forget and a summer where it all began." - anonymous