Mistake #7

5 0 0
                                    

.

Vivienne's Pov

8 months after..
January 30, 2023

"Congrats Babe! They're twins! Healthy ang ating baby boys! Yennn! Look ang pogiii!!" Yhlenna said.

"Lenna kalma.. ako yung Ina. Ako dapat nakarga, ako. Hindi Ikaw." Sabi ko naman.

Yhlenna Jale Altero- one of my friends Yes, I do remember her 6 months ago. Pinaka kinakatakutan samin. Demonyita, chareng!

Naalala ko na ang tungkol sa mga kaibigan ko- anim kami and currently dalawa lang silang nandito.

Ewan ko doon sa isa, laging late. Sa dalawa naman? Yung isa nawala, while yung isa busy, di raw makakapunta.

Johan Remmuel Thornton- Rem Rem. Pa-miss na person.

Farrel Ridgen Watson- Ridgen.
Busy busyhan person

Mga missing in action na ferson.

Pero kung ang pag uusapan ay tungkol sa tatay ng mga anak ko? Wala. Nga-nga. Di ko parin maalala.

Cien Theodore lang ang naalala ko sa kanya. I dreamt of him last June. 'Kala ko isang panaginip lang iyon, pero sabi ng doctor possible daw na unti-unti ng bumabalik ang mga memories ko. At tama naman siya.
It did. Pero 'di kasama ang tungkol sa kaniya.

Ginawa ko ang lahat para mahanap siya. Pero ang daming Cien Theodore sa mundo.. Malay ko ba kung sino sa kanila. I still can't remember his face, kung sana naalala ko edi dapat nahanap ko na?

"Ay! Sorry Yen.. Hehe.. Ang cute kase!"
She then gave me my son. Karga ko na yung isa, kaya't kinarga ko naman siya sa kabilang bisig ko. Tulog ito kaya di nag huhurumintado.

Pogi. Napaka pogi.

Sayang lang di natin kilala ama n'yo mga anak.

"Ano na ipapangalan mo d'yan bebs?" Tanong naman ni Jaz habang naka ngiti. Halatang na kyukyutan sa anak ko.

Nako delikads, baka ibulsa nito bigla babies ko.

Jazrill Mayari Lorpuz, Jaz. My other friend.
Pinaka kalog sa amin.

"Civien Tatum Martin." I said. Siya yung buhat-buhat ni Lenna kanina.
I caressed his cheeks. Ang bibilog nito, ang tangos din ng ilong nya. Mahaba ang pilikmata at halatang makakapal ang kilay. Ang labi naman nito ay sakto lang, mapupula at halatang malusog. Baka alagang Mommy Yen yan.

"And Caiziol Timothy Martin." Sa isa naman. Like Tatum mabilog din ito. Matangos ang ilong. Mahaba ang pilikmata, kinaibahan lang ay manipis ang kilay. Ang labi nito ay 'di mapag kakaila na mas makapal kaysa kay Tatum.

I named them after their father. Para naman may connection pa sila ng Tatay nila kahit papaano.

"Bait mo babe. Nako kung ako 'andiyan sa pwesto mo di ko keri! Kahit pangalan ng ama niya di ko ilalagay sa kanya!" Atungal ni Lenna.

"Baka Lei Vivienne yan! Kabaitan yan sating tatlo eh, siyempre lamang parin si Sav! Pero ayun. Mas mabait yan kaysa sating dalwa." Sambit ni Jaz habang tatango-tango pa.

Para siyang aso na display sa truck.. Yung tatango-tango.

"Ingayy! Sigaw ng sigaw! Pag nagising mga anak ko pag bubuhulin ko kayo!" Singhal ko sa kanila. 'Di Yan sigaw ah!

Ang iingay kase nila! Buset!

"Ay binabawi ko na sinasabi ko.." sagot ni Jaz.

"I second the motion.." Lenna.

Pareho silang iiling iling. Pfft! HAHAHAH! Kukulit kase.

"IM HEREEEE- -

"SHHHHH!!" Ani naming tatlo.

Nag peace sign naman si Sav while mouthing, oops! Sorry! Siya ang aming other friend. Yung tinutukoy ni Jazrill na pinaka mabait sa amin.

The one that's always late.

"Finally! Dumating ka din! Beh tagal ka naming inantay! Kulang nalang mamuti mata namin!" Jaz.

Ingay bebs, ingay.

"Saan ka ba nang-galing ha Savrinah Avyan Domingo?" Si Lenna. Nakataas ang isang kilay nito.

"Sa bahay. Tinapos ko plates ko hehe.." She answered Lenna's question.

Archi. si Sav. Patissier naman si Jaz, may patisserie na nga na minamanage si akla! Si Lenna naman, wala lang, tambay.

Generational Wealth pa nga. Sana everyone.

Pareho sila ni Sav, mayroong Generational Wealth. Kaibahan lang pinursue ni Savrinah ang pangarap niyang maging Architect. While ginusto naman ni Lenna mag manage ng company nila.

Hayss, iwan na ako sa buhay.

Actually ahead ka cyst. May anak ka na nga oh. Winner!

"Anyways! Asan na si baby?!" She asked in a loud kind of whisper. Tangek! Malakas parin!

"Baby? Babies beh, babies! Twins, oh! Ayan ang mga inaanak nating pogi!" Sabi naman ni Jaz while giving way para makita ni Sav ang mga anak ko.

Ang kukulit! Sinabi't wag mag ingay!

Lumapit naman ito sa akin habang nanlalaki ang mata, smiling from ear to ear. Nakakatakot mukha nito!

"Ano pangalan nitong si baby kilay cyst?" She ask while slowly taking Tatum from my arms.

"Civien Tatum Martin." I said while helping her carry my son.

"Aww.. Ang cute! Eh itong isa? Si baby lips, ano pangalan?" She asked, pertaining to Cai na nasa kabilang bisig ko.

Ano ba binabansag nito sa mga anak ko? Nako, Sav!

"Caiziol Timothy Martin, hindi lips." Jaz answered while trying not to laugh.

Finally, someone corrected it!

"Ang gwapo ng pangalan ta's ang gwapo pa ng itsura ng mga bebehan namin! Oh, Saan ka pa?!" She shouted, which cause Tatum to wake up and cry. Naramdaman din ata ng kambal niya at nagising din sabay iyak.

Duet kamo?

"Sav!" I shouted. Kinukuha naman ni Lenna si Tatum mula kay Sav. Nakanguso na ito habang nakatingin sa kanila na nag tatawa na.

"Nasungitan ka na rin ng Mommy Yen-yen." Asar ni Lenna dito.

Pupunta punta dito tapos gigisingin lang mga anak ko!

"Ba't naiyak mga apo ko?"

Hanging on by a Thread Where stories live. Discover now