Mistake #8

3 0 0
                                    

.

Vivienne's Pov

"WE'RE HEREEEE- what happened?" Tumakbo papasok ng kwarto si Nessie. Napatigil siya nang mapansin ang kaguluhan.

Naiyak si Tatum at Cai. Hawak ko si Caiziol at hawak ni Lenna si Tatum. Si Mama Bella naman ayun nakahawak sa batok, habang nakaupo sa isang upuan, hina-high blood ata. Naka alalay naman sa kanya si Sav habang tawa naman ng tawa si Jaz.

Nandito na pala sila Nessie, Vero, Tito Domi at Mama Bella. Kasama ang pambansang Aunty niyo- Aunty Bea!

"Nako Nako.." She said while taking a picture of what's happening. Lumapit siya kay Mama na masama ang tingin habang nakahawak sa batok, sabay click!

Kay Vero na nangungulangot at walang paki alam, click! Kay Tito Domi na naka titig at di alam ang gagawin, click!

Kay Nessie at Cha Cha na mag ka-akbay at sabay pang nag pose, click! Hanggang sa umabot sa amin ni Lenna na hirap na hirap ng mag patahan, click!

"Aunty kung tinutulungan mo kaya kami!" I shouted. Nakaka stress!

"Demanding ah." She took Tatum from Lenna and handed it over to Vero na halatang gulat na gulat. After that lumapit siya sa'kin at tinabihan ako sa kama. Sumunod sa kaniya si Mama at si Vero.

"Akin na si Cai." Sambit ni Mama.

Okay na ang lahat. Tanggap na ni Mama. Lalo na noong nakita niya ang kambal. Feeling ko nga mas mahal na niya sila kesa sa akin.

Binigay ko ito sa kanya. At nakita kong bahagya itong ngumiti.

Favoritism ata mga anak ko. Noong naka'y Mama na at naka'y Vero na sila, biglang tumahan. Di kalaunan ay nakatulog na din sila.

"Now let's talk. About everything, the stalker and the gifts." Mama said.

"Yeah, right. Ate bayad na ang hospital bills mo, Tita Bella tried to ask who paid for it pero ayaw nilang sabihin." Saad ni Nessie.

Ha? Paanong bayad? Kaya nga umalis ng kwarto ko sina Mama para mag bayad pa lang. Paanong dadating sila doon ng bayad na?

"Pinag utos daw na wag na wag sasabihin sa'yo at sa'min, Vivienne is everything alright?" Tanong ni Tito Domi. Halatang nag-aalala.

"To be honest Tito, everything's fine. I'm fine and so are my babies. Pero na di-disturbed lang ako sa mga nangyayari." I answered honestly

"Di kaya ang nag bayad ay yung stalker mo?" Aunty Bea asked.

Stalker. Yung lalaki na sumunod sa amin noong lumabas ako galing sa ospital, noong time na na coma ako.
Yung lalaking nakikita ko everytime na dumadalaw ako sa OB GYN ko. Pero iba siya doon sa lalaking nakita ko galing sa balkonahe ng kwarto ko.

"Hindi kaya siya yung Tatay ng mga apo ko?" Mama asked. "It makes sense, marahil ay bumabawi siya sa iyo gamit ito."

"Ma hindi po eh, Sa loob loob ko Wala akong ma feel na kakaiba sa stalker."

"Hindi kaya dahil sa amnesia mo yan?" Singit ni Sav.

Kasama sila dito sa discussion na ito. Sila ang kasama ko noong naka tanggap ako ng regalo. Regalong damit pang sanggol.

"No Sav. Minds may forget but your heart will never." Sagot ko pabalik.

"Do you want me to send securities for you, Yen?" Lenna asked.

"Hindi na okay lang. Thanks Lenna."

"You sure bebs? Paano kung may gswing masama yang stalker mo sa iyo?" Cha.

Umiling ako at ngumiti.

"Ma, Tito, Vero, Nessie, Aunty, And you three. I'm okay.. Wala namang threats na dumadating sakin mula sa stalker na 'yun. If dumating nga sa pag kakataon na iyon, ako na mismo ang lalapit sa inyo." Sabi ko, pinapaluwag ang kanilang pakiramdam.

"Don't worry about me, kaya ko." Dugtong ko pa while smiling assuring them na okay lang ako, na kaya ko.

"Okay then. Pero honey, kung hindi mo na kaya nandito lang kami ha?"
Mama.

Tok tok!

"Ma'am excuse me po, check ko lang po sina baby. Kung may na isip na din po kayo na name for them makikisulat nalang po dito." May pumasok na Nurse sa loob.

Ako di niyo ichecheck? Fit check ganon? Ganda pa naman ng fit nitong hospital gown sa'kin.

She was smiling. Her face kinda looks familiar, pero isinawalang bahala ko na. She handed me the papers that I need to fill out.

"Salamat.. uhm.. Nurse.. Nurse Sydney." I read out her name from her I.D. and smiled.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanging on by a Thread Where stories live. Discover now