Mga Sugat sa Aking Palad

1 1 0
                                    

Isama mo ako

sa loob ng iyong mundo.

Naghihintay sa harapan ng iyong pinto,

sabik ng lumipad, at lumakbay sa piling mo.

Hawakan mo ang aking kanang kamay ng mahigpit,

at ilagay sa kaliwa kong dibdib.

Kasama mo akong haharapin

anuman ang iniwan sa'yong bagyong hagupit.

Sa ereng pinalibutan ka ng mga pagdududang sari-sari,

tumingin ka lang sa akin habang ibinababa kita sa mapayapang lupain ng paunti-unti.

Narito na ako at huwag mo na itong dalhin mag-isa.

Bitawan mo na ang mga nasa likuran mo tulad ng isang malayang maya.

Hindi ako mananawa sa'yo,

kahit ilang beses mong piliing tumahimik, lumayo sa akin, at sumuko.

Danas ko kung gaano katindi ang sakit ng mga hinagpis mo.

Kaya't halika, ilagay mo ang mga sugat sa aking palad at atin itong hintaying humilom.

Letters from the Blued Underground Where stories live. Discover now