1

702 25 14
                                    

Chapter 1

Kailangang mag-move on at mag-let go…

Alam niyo, kapag may nagmamahal sa inyo, kayo na siguro ‘yung pinakamasayang tao sa mundo. Actually, lahat naman tayo minamahal eh. Kaso iba pa rin kasi ‘yung feeling na mahal ka rin ng mahal mo. Iba kasing “love” ‘yun. ‘Yung mga ngiting abot-tenga kapag nakikita siya. ‘Yung kilig na halos maglupasay ka na sa lupa. Iba kasi talaga ‘yung saya kapag minahal ka ng mahal mo. Feeling mo ang swerte mo. Para kang nanalo sa lotto.

“Best friend!”

“Oh?”

“Sasama ka mamaya?”

“Hmm… Oo?”

“’Yun! Kita-kits ah!”

“Sure…”

Haay. ‘Di naman ako gala eh. Pero… napilit ako eh. Tsaka, wala lang. Pampatanggal stress din galing sa school. Sobrang nakaka-stress. Nakakatamad rin, actually. Kaso… para sa mga magulang ko eh. Gusto ko kasi sila maging proud sa akin.

Ako si Stephanie Xyra Abelardo. 16 years old. Fourth year high school. Halos kaka-birthday ko lang din. Share? Hihihi. Simple lang akong babae. Minsan makikilala mo ako kapag maka-braid ‘yung buhok ko. O kaya naman minsan, naka-pony tail na ribbon ‘yung tali. And many more. Basta, siguro, halos araw-araw, iba-iba ‘yung hair styles ko. Minsan lang ako maglugay. Hihihi. Hindi ako kagandahan. May mukha naman. Hahaha! Hindi rin ako ganun kaputi. Simple lang talaga ako. Kaya nga ‘di niya ako magustuhan eh.

Kapag sinabi kong “niya,” ‘yung best friend ko ‘yun. ‘Yung tumawag sa akin kanina? Siya ‘yun. “Best friend” ‘yung tawagan namin eh. Thom Yvan Cruz. Simpleng lalaki pero habulin ng babae. Gwapo siya. Kahit simple lang siya manamit, lutang na lutang pa rin ‘yung kagwapuhan niya. Kahit nga naka-uniform siya eh!!  Matangkad. Maputi. Halatang alagang-alaga eh. Only child kasi.

“Best friend!”

“Oh, bes?”

“’Di na lang pala ako sasama mamaya.”

“Bakit naman? KJ amp.”

“Aww…” </3

“Joke lang, Bes!” Sabay pisil sa cheeks ko. Grabe ah? Hahaha! “Pero bakit nga?”

“Wala lang. Mock NAT bukas eh…”

“So? GC mo, Bes!”

“Ehhh…”

“Sama ka na kasi… Please…” Sabay pout. Tsk. Kainis!

“Haay. Sige na nga! ‘Di kita matiis eh.”

“Yehey! Thank you, Bes!”

Actually, ‘di naman kasi ako mag-aaral. ‘Di naman ako ganun ka-GC! Nakakatamad na nga pumasok eh. Sadyang ayoko lang siyang makasama kasi…

Crush ko siya. :”>

Ganun naman, dba? Kapag crush mo, todo iwas ka. Tsk. Bahala na.

--

Kung ano-ano lang naman ginawa namin kagabi eh. At dahil nga pinilit niya lang ako, sagot niya lahat ng gastos ko. Pagkain. ‘Yung sa mga laro. Etc. Pamasahe lang talaga ‘yung ginastos ko dun.

All Too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon