5

402 11 6
                                    

Chapter 5

Today, Stephanine, we believe God wants you to know that… things happen when you least expect it. Patience. You need to wait for things to happen. Just trust God and believe Him.

‘Yan ‘yung huling nabasa ko bago ako nag-off sa Facebook. Sana nga may mangyaring unexpected ngayon. Hihihi. Dejoke. I don’t want to make asa, you know? Hihihi.

--

“Babe!!” Wow naman. Ang aga-aga, ito kaagad ‘yung pambungad sa akin? Gwapo naman! Hihihi. Joke lang.

“Yes, Babe?”

“May problema tayo?”

“Ano?”

“Tinatanong niya na kung tayo na ba.”

Oh my. Ano nang gagawin namin ngayon? Magpapanggap na talaga kami na kami? Nakakatawa nga eh. May tawagan pero ‘di naman sila. Otis lang? Hahaha! Ito na ba ‘yung unexpected na mangyayari? :O

“What? A-Ano nang gagawin natin?”

“Basta… you’ll know later…”

“Wow naman. Hahaha! Okay. Sige. Surprise me!” With the accent pa ‘yung pagkakasabi ko ng ‘Surprise me!’ Hihihi.

Ano kayang gagawin niya mamaya. Hmm… Ayoko mag-expect. Masakit.

--

Anong oras kaya ‘yung surprise niya?

‘Di ko talaga alam kung bakit ako nae-excite. Hihihi. Wala lang. Bawal ba? Tsaka, uwian na kasi. Trolol. Ano connect?

Tsaka, nakakapagtaka kasi. Si Thom nag-cutting siya sa last subject namin. Huwaw. Ano kayang meron?

“Steph! Tingnan mo oh!”

Lumabas ako kaagad ng room namin. Tiningnan ko ‘yung tinuturo niya sa grounds. At… nakakabaliw. Pero nakakainis rin. Nakakahiya. Pero… nakakakilig.

May tarpaulin kasi na nakalatag dun sa may grounds. ‘Yung nakalagay… “Will you be my girlfriend, Stephanie Xyra Abelardo?” Tapos may mga roses na iba’t ibang kulay. Favorite ko ‘yung blue na rose. Wala lang. Ang cute eh. Tapos… tinatawag niya ako. Bumaba daw ako.

‘Di ko alam kung bababa ba ako, o hindi. Nahihiya kasi ako eh. Halos lahat kasi nung mga studyante sa school namin nakatingin lang sa kanya. Grabehaaan.

Haaay. Alam ko namang wala lang ‘to eh. For the sake of his survival lang. Pakitang-tao lang ‘to. Isang malaking play lang ‘to na ginusto naming buohin. Walang kahalong feelings. Expert theater acting. ‘Yan ang meron sa amin.

Pero sa akin? With feelings, syempre.

Bumaba ako. Ang astig nga nung pagpasok ko sa scene eh. Parang may human wall na nakatingin LAHAT sa akin. Nakakabaliw pero… nakakakilig. Lalo na’t siya ‘yung gumagawa nun sa akin. Syempre, landi-landi rin. Hahaha!

Paglapit ko sa kanya… nagsalita kaagad siya.

“Stephanie Xyra Abelardo…”

Naghihiyawan na ‘yung mga tao sa paligid ko.

“…will you be my girlfriend?”

Lumuhod si Thom. Inaabot niya sa akin ‘yung boquet of blue roses. Tinitigan ko lang siya. Halos lahat ng tao sa school sumisigaw na ng “Yes.” Syempre, pakipot muna. It’s part of the act. ‘Di man siya rehearsed. Pwede namang mag-adlib dba?

Pero ano pa bang isasagot ko?

“YES!”

Sinigaw ko ‘yun, kinuha sa kanya ‘yung flower, at niyakap siya. Alam kong walang malisya ‘yun para sa amin… pero para sa kanila meron. Eto naman ginusto namin eh. Actually, ginusto niya. Kasi… siya naman gusto ko eh. Harot!

After nung play namin na ‘yun, pakonti-konti nang umaalis ‘yung mga tao. Kaming dalawa, nakaupo lang sa may pond. At… alam kong nakakagulat pero… magkahawak kami ng kamay. Nakakagulat ba ‘yun? Hahaha!

Iniintriga pa rin kami ng classmates namin. Pano daw nagsimula… tapos etc. Gusto ko mang sabihin ang totoo kaso… hindi pwede. Tsk tsk.

Biglang dumaan si Sam sa harap naming dalawa. Tumingin siya sa amin. Halatang malungkot siya. Probably, umiyak rin siya. Ganun na ba ako kasama? </3 In the first place, bakit ko nga ba sinakyan ‘yung trip niya?

May dahilan ang lahat ng ito.

Kaso ano naman ‘yun? Haay. Inaamin ko, kinikilig ako kasi naging akin siya kahit man ba fake lang ‘to. Para sa akin, kami na. At alam kong para sa kanya, wala lang ‘to. Deal lang ‘to. Ang sakit dba? Pero para sa kanya… I’ll do anything. Magmukha man akong tanga sa iba kapag nalaman nila ang katotohanan.

Bahala na.

Bakit nga ba kapag mahal mo ‘yung isang tao, gagawin mo ang lahat mapasaya lang siya, kahit na minsan labag na sa kalooban mo ‘yung gagawin mo?

Ang gulo. SOBRANG gulo. </3

--

“Steph…”

“Oh, akala ko ba ‘Babe’ mo ako?”

“Wala lang… Baka kasi galit ka…”

“Bakit naman?”

“Kasi umabot tayo sa ganito…”

“Grabe. Wala ‘yun. Basta para sa’yo, gagawin ko ang lahat.”

“Ang sweet mo talaga, Babe!” Sabay pisil sa kamay ko. Enebe? :”>  “Hayaan mo. Tototohanin ko naman ‘yung pag-aalaga sa’yo. Kailangan kita eh… nang higit pa sa inaakala mo. What? Hahaha! Sweet. :”>

“Sweet mo talaga, Babe!” Sabay kiss sa cheeks niya. Oops! Why did I do that? Shucks. Nakakahiya. Napayuko na lang ako after kong gawin ‘yun.

“Bakit ka nahihiya? Okay lang ‘yun. Tayo na naman dba?”

“W-Wala lang… Dba fake lang naman ‘to?”

“Alam ko. Pero pano mo ba sila mapapaniwala kung hindi mo seseryosohin dba?” Sabay kiss sa noo ko. Ano ba? Tae naman oh! :”””> “Tara na. Uwi na tayo.”

Kinuha niya ‘yung bag ko. Siya nagbuhat. Wow. Hindi naman siya mukhang alila nyan dba? Hihihi. Joke lang! Tapos hinawakan niya ulit ‘yung kamay ko.

“Tara na.”

Siguro ito na nga ‘yung unexpected na sinasabi ni Lord. Hindi ko naman inakala na ‘yung pagpapanggap namin ay aabot sa ganito. Parang seryoso siya talaga sa deal namin ano? Gumastos pa siya. Nagpasikat pa siya. Parang totoo talaga.

Pero tulad nga ng sinabi niya, pano sila maniniwala kung hindi mo seseryosohin? May point siya. Isang stage play lang ‘to. Isang panlilinlang lang ito. Gusto niya lang namang makawala kay Sam eh. Mahal na mahal kasi siya. Kaso… first year pa lang siya. After this school year, maghihiwalay lang rin sila. Sabi nga ni Thom, pointless lang daw ‘yung relationship niya. Pero, kung mahal mo talaga dba? Everything matters. So it seems that… ‘di niya nga talaga mahal si Sam. Gusto niya lang talagang makatakas.

Okay na ako sa ganitong sitwasyon. At least, naramdaman ko kung pano siya magmahal at magseryoso ng isang babae. *wink*

All Too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon