Prologue

23 1 1
                                    

Bilang breadwinner ng pamilya kailangan ko makapagtapos sa pag-aaral at ang kaisa-isang goal ko sa buhay ay maging isang license Engineer

Pero nang dahil sa traffic  matatapos ang pangarap ko.

* Peep* Peep*Peep*

Kanina pa bumubusina ang mga sasakyan at ilang oras na rin itong hindi umuusad, inip na inip ako sa biyahe dahil malalate na talaga ako.

“ Jusmeyo de garapon! ”. Sigaw ng ale na nasa harapan ko habang pasilip-silip sa may bintana kaya’t pati kami ay napasilip na rin.

“ Holdap toh! ”  sigaw ng lalaki na nakadungaw doon sabay tutok ng maliit na kutsilyo sa leeg ng ale.

Kamalasan nga naman oh tsk!

Uso pa pala ang holdap? kapag talaga hinoldap ako holdaper sasakalin ko s’ya ng bongga.











Maluha luha akong nakaupo sa pathway ng mall dahil nakuha ng holdaper ang pera ko at pati ang cellphone kong nokia na keypad na nga lang pinag diskitahan pa.

“ Bwesit! ” tumalsik sa malayo ang latang sinipa ko at wala akong ideya kung saan ito tumama dala ng sobrang inis dahil sa kamalasan ko ngayong araw.  Sa dinarami rami ng hoholdapin bakit ako pa huhu, Ngayong araw pa rin din naman ang defense namin at ako?

Hindi ako nakaabot!

Kapag bagsak ako this semester hahanapin ko ang holdaper na iyon at sasakalin ko s’ya, Pasalamat ko na lang talaga na isinali ako ni mama noon sa girlscout  kaya’t lagi akong handa sa mangyayari.

Nakuha man ng holdaper ang cellphone ko at wallet kong may laman na comdom as my lucky charm at bensingkong butas ay magagawa ko pa rin umuwi dahil ang lahat ng pera ko ay nakatago sa bra na suot suot ko ngayon.

Maghihintay na lang ako ng jeep  na masasakyan pauwi ngayon at sa bahay na lang ako mag-eemote.

“ Iha huwag kang sasakay sa huling jeep na pipila ”. Kumunot ang noo ko sa paalala ng aleng lumapit sa’kin at feeling close pa itong naka hawak sa braso ko.

Gusto ko sanang itanong kung bakit pero bigla na lang itong umalis at walang anumang naglakad papalayo.

Ay wow huh, pa mysterious si ale.

Ilang sandali  pa dumating ang isang jeep na pumwesto sa sakayan papunta sa lugar namin nagdadalawang isip pa ako kung sasakay ba ako o hindi dahil sa sinabi nung ale.

Huling jeep ang nakaparada ngayon sa harapan, Baka jinojoke lang ako nong ale.

Tsk bahala na nga.

Pagsakay ko sa jeep wala namang nangyaring kakaiba at normal lang ang lahat syempre bago umalis pinuno muna nito ng pasahero ang jeep.

Hindi ako natulog sa biyahe kahit medyo malayo layo pa ang biyahe, nakakatakot kasi baka maholdap na naman ako katulad ng nangyari sa’kin kanina.  Hay naku! karmahin sana ang mga lalaking yun sa ginagawa nila.

Isang oras na ang biyahe pero wala pa rin sa mga pasahero ang bumababa, siguro taga lugar ko din sila.

Sinilip-silip ko ang bintana na nasa likod ng aleng kumakain ng fried chicken,  bakit kaya parang na sa ibang avenue kami?

Nag s-shortcut kaya si kuyang driver? Pero bakit puro punong kahoy ang nakikita ko?

“ Miss paabot nga ng bayad ”. binalingan ko ang katabi kong babae para kunin ang bayad nito at iabot  ito sa driver.

“ Manong para po! ”. sa wakas may bumaba na rin na pasahero pero bakit dyan pa sa harapan ng malaking puno ng balete? Hindi ba s’ya natatakot dumaan dyan? sabi sabi kasi nung mga tao samin nakakatakot daw ang mga punong balete tuwing sumasapit ang takip silim.

Pero itong si ate di mababakasan ng takot habang naglalakad, wow si ate huh! Strong yarn?????

Hanggang sa ilang sandali pa nagsibabaan na rin ang iba pang mga pasehero at ako na lang ang natira.

“ Saan ka? ” tanong ng driver

“ Sa sto. Thomas po ako ”. Sagot ko pa, hindi kaagad naka imik ang driver pero ilang sandali muli itong nagtanong.

“ Saang balwarte ka ng balete nakatira? ” tanong nito, huwat?

Balete? seryoso ba s’ya dyan? anong tingin n’ya sa’kin white lady?!

“ Sa sto. Thomas highway po ako bababa kuya hindi po sa balete drive.. ” pakiramdaman ko parang hindi satisfied si kuyang driver sa sagot ko.

“ baguhang estudyante ka ba? ”. tanong nito, ano kayang trip n’ya sa buhay bakit kailangan nya pang tanungin ako if baguhan ako or hindi like omg, hindi kaya may binabalak s’yang masama?

Nope! wala syang malalaman sa’kin swear to God.

“ O-opo.... ” sana hindi niya mahalata ang awkward kong ngiti, napaniwala ko naman so kuyang driver sa sagot ko.

“ Kaya pala hindi ka gaanong pamilyar sa mga lugar,  kung ganon saang campus ka nanggaling? ”. Campus? wow huh hiyang hiya naman yung University na pinapasukan ko pero teka sinong baliw magtatanong kung ‘ saang ’ campus ako galing.

“  What do you mean campus po? ”. Hindi kaagad nakaimik ang driver sa tanong ko pero sa ilang sandali pa huminto na ito sa medyo madilim- dilim na lugar.

“ Ito na ang campus na papasukan mo, Goodluck sayo at sana maka graduate ka kaagad. ” nilingunan ako ni kuya at nginitian, yung ngiting nagsasabing “ Kerri mo yan gerl, go lang! ”

“ Ahh t-thank you so much, sa inyo din po ”.  Hindi ko gaanong maaninagan ang mukha nung driver at tanging makintab at mapuputing pantay pantay lang nitong mga ngipin ang naaaninagan ko.

Kalaunan ay umalis na ang jeep at naiwan akong nakatayo sa kalagitnaan ng gubat na napapalibutan ng naglalakihang balete at Narra tree.

Pero sa harapan ko ay mayroong espasyo at sa palagay ko ay  daanan ito, sinundan ko lang ang daan na iyon hanggang dinala ako ng aking mga paa sa harap ng malaking gate na kinakalawang ngunit lungkos lungkos ng mga makukulay na bulaklak at sa gilid nito ay mayroong kubo na katamtaman lang ang laki na gawa sa kahoy.

Banayad na umihip ang hangin kasabay ng pagsilip ng liwanag ng buwan sa kalangitan.












This story is just a fiction of a writer, the place, name and event are just made up, thank you very much

© keyzeinmaxi

Biringan CampusWhere stories live. Discover now