Hotel for strange creatures

10 1 0
                                    

Matapos ang mahabang discussion ni ateng forest witch biglang tumunog ng malakas ang bell na nagmula kung saan, Tumayo ako atsaka pinagpagan ang sarili.

Sinubukan kong hanapin ang bintana ng silid na 'to pero satingin ko ay wala naman yatang bintana dito. tsk.

" Malapit na sumilay ang araw kaya't nararapat na magpahinga ang lahat ". Saad ni Annie, Unti-unti na rin nagsialisan ang mga nilalang dito. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi sila pwedeng maarawan pero how about naman sa aming mga normal lang na tao? pero isa sa mga rules dito campus hindi na kaming pwedeng lumabas tuwing sisikat na ang araw katulad ng mga nilalang na naririto.

" Kumusta ang unang araw mo ". biglang lumitaw si Yanmi sa harapan bagay na hindi ko ikinagulat. Ang chaka n'ya talaga bigla biglang nagte-teleport.

" Hindi ko alam sis pero masasanay din ako . tugon ko, tumango tango lang s'ya atsaka inabot sa'kin ang isang maliit na supot.

" Sumama ka kay Annie at ituturo n'ya sayo ang magiging silid tahanan mo. " ang shunga n'ya talaga minsan mag explain ni hindi man lang niya sinabi kung para saan itong supot na binigay n'ya, like Haller ate ano 'to souvenir dito sa biringan?

" Eh para saan 'to?". hindi ko natiis ay itinanong ko na kung para saan ang supot na binigay niya dahil nag ooverthink na ako kung para saan at kung ano ang nilalaman nito .

" Susi ng iyong magiging silid ". tipid niyang sagot, Luminga linga pa ako para hanapin si Annie dahil bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Ilang sandali pa kaagad na nagpaalam si Yanmi sa'kin na aalis na para magpahinga.

Pero itong si Annie hindi ko man lang makita. Iilan na lang kaming naririto sa silid na ito at halos ang karamihan ay nakalabas na.

" Annie my bff nasaan ka na ba? ". look Annie oh, I'm gonna cry. Nagugutom na ako at napapagod gusto ko ng magpahinga.

Napabuntong hininga na lang ako atsaka muling tinawag ang pangalan ni Annie.

" Pasensya ka na beh kung bigla akong nawala. " nagteleport bigla si gaga sa harapan ko at inabot sa'kin ang isang lunch box.

Lunch box? gabi teh hindi tanghali.

" Naririndi kasi ako sa tunog ng tiyan mong gutom kaya't napadaan ako sa pamilihan ng pagkain at naisipan kong ibili ka ng pagkain ". omggggg, true ba yan? ang bait naman ng bff ko huhu. Nagt-tears of joy tuloy ako sa kabutihan niya.

" Sissy kow, Pwedeng samahan mo ako sa tinutukoy ni Yanmi ng magamit ko naman 'tong Susi? ". tumango lang si gaga at lumapit sa'kin at hinawakan ako sa balikat.

" Saglit lang 'to beh kaya wag kang mashock ha? ". tumango ako sa sinasabi niya at sa isang iglap ay nagteleport kaming dalawa sa isang napakalaking gusali na napupuno ng mga ilaw at napapalibutan kami ng mga nilalang na kakaiba .

Bigla ako nakaramdam ng kaba at pangangatog habang pinagmamasdan ang napakalaking gusali na iyon.

" H'wag ka mag-alala sanay sila sa mga tao at wala ka dapat pa katakutan . " sana nga beh hindi mo ako gina-gaslight I trust you pa naman na hindi nila ako mukbangin.

Palinga linga ako sa paligid habang naglalakad kaming dalawa papasok sa loob dahil sa sobrang ganda ng paligid, Naglalakad kaming dalawa ni Annie sa isang tulay na gawa sa makinis na kahoy at sa ilalim nito ay umaagos na tubig at ang paligid naman ay napupuno ng mga bulalak. Hindi na s'ya bulaklak pang patay hindi katulad ng bulaklak na nadaan ko sa intrance gate ng Biringan Campus na sobrang creepy.

" Sis ang ganda naman dito, pwedeng mag pic nang maipost ko 'to sa fb at insta? ". nagkibit balikat lang s'ya habang patuloy naglakad, Oo nga pala. Nokia ang cellphone ko na dekeypad at sa pagkaka alala ko naholdap nga pala ako sa may jeep noong papunta na ako sa school. Sayang talaga kung may selpon lang ako kanina pa ako nag myday sa fb na may caption na ...

Biringan CampusWhere stories live. Discover now